📌3

30 8 0
                                    


Shyme's POV:

Sabado ngayon at walang pasok. Wala ngang pasok pero hindi naman makakapaglaro kasi sa araw ng sabado at linggo ay maglalaba kami ng damit namin at kami ang nakatukang mag-igib ng tubig at magluto. Strikto kasi sila anti sa gawaing bahay. Malalaki na daw kasi kami kaya dapat na alam namin ang mga trabaho sa bahay 'wag daw sa kanila nalang iasa lahat. Syempre pamangkin lang naman kami kaya oo nalang. Para din naman sa amin lahat eh. Para 'pag may pupuntahan kami o makikitulog o mag-aaral sa college at kailangan magdorm parang kila ate Jhelly ay hindi kami mahihirapang tumira mag-isa, kaya naming magluto ng kakainin namin. Kumbaga maging responsable kami.

"Shyme! Ang palanggana sa kusina ginamit mo na naman sa paglalaba! May palanggana naman diyan sa labas, 'bat kailangan ang pangkusina pa!" - anti Eba. Patay, eh sa gusto ko kasi tsaka maliit parang ako kaya mas bet kong gamitin. Kaya bago pa siya lumabas ay itinago ko na ang labahan ko sa likod ng bahay. At patagong naglaba.

"Amiel! Huwag ka na namang pumunta diyan sa kapitbahay! Mag-igib ka muna!"- palaging nasigaw si anti. Nakakahiya kaya. Pero alam niyo ba, yong kaibigan ni Kuya Amiel diyan sa kapitbahay, crush ko kasi pogi. Maputi tapos basta pogi. Nakarinig ako ng yabag at alam kong si anti. Pa'no ko nalaman? Bumubulong kasi pero hindi talaga bulong kasi malakas.

"Itong mga batang 'to. Sakit sa ulo. Aishh. Tatanda ako agad sa kanila eh." - oh diba? Halatang siya. Sa totoo lang, maliit na damit lang naman ang lalabhan ko. Si anti talaga ang naglalaba pero gusto niya lang kaming matuto sa gawain.

"Eba! Merong bibili!" - lola ko ýon. Nakalimutan kong sabihin na may store pala si anti. Yung Mama nila kuya Amiel na nasa abroad ang nagbibigay ng pera pang-store.

Nang makaalis na si anti ay nanakbo naman akong nagtungo sa gripo at binanlawan ang mga labahan ko. At syempre sampay agad. Hawak ko ang palanggana na nagtungo sa pintuan nakangiti pa ako niyan kasi tapos na sa paglalaba pero napawi iyon ng makita kong sino ang bumibili. Yung kapitbahay namin, si Dale.

Papasok na sana ako sa loob ng tawagin ako ni anti.

"Shyme. Samahan mo nga si Dale. Hindi niya mabuhat lahat ng binili niya." - tawag sakin ni anti. Aishhh. Bibili-bili kasi 'di naman nagdala ng bag. Nautusan tuloy ako. Nginitian ko nalang sila ng pilit at walang lingon-lingong kinuha ang dalawang litro ng coke at sinimulang maglakad. Pero napatigil din dahil hindi ata sumunod. Paglingon ko ay hindi nga. Nakita ko nalang si anti na pinanlakihan ako ng mata. Napabuntong hininga nalang ako at hinintay ito. Lumapit siya at tinabihan ako habang nakangiti.

"Ah-mm. Hi. Dale pala." - nahihiyang pakilala niya. Liningon ko ito at nginitian na din. Palakaibigan naman ako pero napahiya ako dahil sa kanya eh. Alam ko namang kasalanan ko pero syempre alangan namang ilaglag ko sarili ko diba.

"Shyme naman ang pangalan ko." - pagpapakilala ko rin. Pero diko naman alam na sa araw na 'yon ay magiging matalik na magkaibigan kami. Kinabukasan, nagtungo agad siya dito sa bahay para daw makipaglaro sa akin. Pero ang totoo, kwentuhan lang talaga ang inatupag namin. Tapos nagpapaturo ng Ilocano, oo nga pala nakalimutan ko. Ilocano po kami sa probinsya ng Abra.

At nalaman ko din na kaya pala hindi pinuputulan ang buhok niya kasi nagkakalagnat daw kaya pinahaba nalang. Parang buhok ng babae eh. Talo pa sakin kasi naman yung buhok ko hindi naasikaso ng mabuti at may kuto pa, pero joke lang sa kuto na part. Ikaw ba naman sabunutan ni anti makutuan lang tignan natin kung dapuan pa ng kuto ang ulo mo. Sakin kasi is isang beses lang sa isang araw ako magsuklay, bagsak din naman ang buhok ko. Lagi din nilang tinatanong kung nagparebond daw ba ako pero natural to oy, walang halong chemical. Kasi diba karamihan sa mga lalaking nagpapahaba ng buhok ay puro kulot, iilan lang ang bagsak na buhok. At isa pa, hanggang bewang ang buhok niya mas mahaba pa sa akin. Kwentuhan lang kami sa lugar nila, yung mga naging kaibigan niya at school niya dati. Mabilis na lumipas ang araw at lunes na naman.

Late ako natulog kagabi kaya aasahan kong late din ako magigising. Nanakbo akong naligo at wala pa ata ng five minutes 'yon. At agad na sumampa sa upuan sa hapagkainan. Nangangalahati palang ako sa pagkain ko ng sumigaw si anti.

"Shyme! Ur-urayen naka ni Dale! Ipaspas mo! (Shyme! Hinihintay ka ni Dale! Bilisan mo!) nabilukan tuloy ako kasi bakit niya naman ako hihintayin. Kahit ganon ay binilisan ko nalang. Isinukbit ko ang bag ko at agad na lumabas at patakbong tinungo ang daan.

"Shyme! Sandali!" - napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko at si Dale ito. Nakalimutan ko pala.

"Bakit nandito ka pa? Late kana. Bakit mo pa ako hinintay?" - agad na tanong ko dito.

"Eh, diba usapan natin kahapon na kapag ako ang nauna, hihintayin kita at kapag ikaw naman ay hihintayin mo din ako." - sagot niya.

"Basta, kapag nauna ako sa pagpasok, hihintayin kita at kapag ikaw naman ang nauna ay hihintayin mo ako." - Dale.

"Sige. Bahala ka, makupad ako. Ikaw din." - ako.

Napatampal nalang ako dahil nakalimutan ko nga. Hinatak ko ang kaliwang kamay niya at isinabay sa paglalakad. Ang kanan kasi ay may hawak ulit na payong. Pansin ko lang, lagi siyang may dalang payong pero hindi niya lang din naman ginagamit. Anong silbi non?

Hindi ko nalang siya tinanong at nagpatuloy sa paglalakad. Nang mangalahati kami at malapit na sa skwela ay may nadaanan kaming Ale.

"Ang ganda namang tignan ng ganyang pagkakaibigan. Naghihintayan. Pero mukhang tomboy naman ang isa." - natawa tuloy ako. Siguro kapag nagsuot siya ng bestida ay mukha na talaga siyang babae.

"Pfffttt. Ah, eh. Pffttt." - pigil-tawa akong lumingon sa kanya at nakasimangot na mukha niya ang bumungad sa akin.

"Itawa mo na 'yan. Baka iba pa ang lumabas eh." - lukot na mukhang ani niya. At iyon ang hudyat para mapabungwalit ako sa tawa.

"HAHAHAHA! Sor-HAHA ry PFFT na. Eh, nakakatawa naman kasi. Bakit tomboy pa, diba? Ay, hayaan na. late na tayo, oh. Bilisan nalang natin." - aya ko at binilisan naman nitong amaglakad hanggang sa makaladkad ako.

"We-Sandali nga. Bilisan hindi takbuhin." - simangot kong pigil sa kanya.

"Pffttt. Kasi naman, ang liit ng biyas mo." - abot-langit na ngiti niya. Tsk, ngiting nang-aasar. Sinimangutan ko ito at nilampasan. Hanggang sa makapasok kasi sa eskwela ay hindi ko siya pinapansin.

"Shyme. Sorry na. 'Di na mauulit promise." - kanina niya pa 'yan sinasabi eh. Naaawa naman ako kasi pinagtitinginan na kami tapos si ma'am, yung stepmom niya nakangiti samin. May ibig sabihin eh.

"Oo na. Kasi, ang lakas mo mang-asar." - simangot ko paring sabi.

"Ikaw din kanina ah. Lakas mong tumawa eh." - gatong niya.

"Edi sorry din. Nakakatawa naman kasi." - sagot ko.

"Okay na kayo?" - sabay na nabaling ang atensyon naming kay ma'am na kanina pa pala nagmamasid sa amin. Napaupo tuloy kami. Yung upuan po ay yung white na pahaba po. Yung pagdidikitin para magkaroon ng mesa yung dalawahan tapos may lalagyan sa silok na part. Ng notebooks, books or bag. Basta yung old na upuan. Yung pwede ka pa humiga.

Simula non, ako na lagi ang kasama niya. Kahit andami naming classmate na lalaki laging nakalingkis sakin, tapos yung ibang classmates namin na babae, alam kong may inggit sa kanila. Napapansin ko 'yon. Pero hindi naman nila ako tinatarayan, si mata lang. Si Lie, yung mayabang. At nakalimutan ko, magpinsan pala sila ni Engel, yung kalaro ko.

Uwian ng tanghalian at sabay parin kaming umuwi ni Dale, magkapayong at pati sa hapon.


°°°°×××°°°°×××°°°°

The Broken Promise (COMPLETED)Where stories live. Discover now