📌2

52 9 4
                                    


Shyme’s POV:

Kahit pupungas-pungas ay bumangon na ako. Ba’t ganon? ‘Pag may klase ansarap matulog? Kahit gusto ko pang bumalik sa higaan, I kennat. Babarilin ako ng armalite na bunganga ni anti. Kaya galawang sundalo, ligong uwak tayo. Diretsong gripo ulit, medyo maaga ngayon kaya walang nadaan na schoolmates. Sa totoo lang, ‘pag papasok ako sa school, iniiwasan kong makasabay yung teacher ko. Bakit? Kasi lagi siyang late, at kapag nakasabay mo siya ibig sabihin non late ka na rin. Kaya kapag nakikita ko na siyang palabas ng bahay nila, takbo talaga ako. As much as possible di kami magkasabay. As in no, no way. Agaran naman akong nagbihis kasi ang lamig talaga. Biruin mo? Alas-singko maliligo ka, tapos walang halong mainit na tubig. Tignan ko kung dika mangisay. Sa lamig hindi sa kilig.

“Hoy! Shyme! Dalian mo diyan, kakain na. Ang kupad mong Babs ka!” – tsk. Kainis talaga. So dahil nagagalit na ang tsong niyo, mainipin ampt. Wala namang honor.

 

Tumuntong na ako sa pahabang upuan namin. Probinsya kasi dito kaya hindi uso ang sofa. Kung familiar kayo sa sit up position, ganon. Galit-galit muna tayo. Lamon lang at sasabak na naman sa klase. Kahit hindi pa tuluyang bumaba ang kinain ay pasok na agad sa school, kaya maraming bata sa amin ang nagkakaapendiks. Minsan natatakot ako kaya kapag napasok ako sa school, finifeel ko ang paglalakad para kahit papaano ay matunawan naman ng kinain. Dating gawi, magpa-flag ceremony tapos takbuhan agad sa room kala mo tatakbo yung silid eh, bata nga kasi.

Nagpray muna kami bago nagsimula sa klase. Nagpapractice kasi kaming magsulat ng dikit-dikit. Kaya kahit sulat-doktor sige lang.

“Bring out one piece of paper and answer this addition.” – math na naman. Mahina ako sa math, bat ba.

Syempre dahil mayabang nga ako, nilabas ko ang one pad paper ko.

“Shyme! Hinge naman.”

“Ako din!”

“Hoy! Ako daw mauuna, kaibigan niya ako.”

 

Oh, diba? Pinagkaguluhan ako kasi may kailangan. Pero dahil mautak ako, bebenta ko nalang. Wala ng libre ngayon no.

 

“Hoy. Di ako magbibigay, magbebenta ako. Piso isa. Sino bibili?” – sigaw ko sa kanila. Wala si ma’am kaya malakas loob kong sumigaw. Nasa kabilang room ata, nakichismiss.

 

“Sige. Eto bayad.”

“Ako nauna eh.”

“Bayad ko.”

“Five, ten, fifteen, twenty-three!” – yown. Tama na ‘to. Pero ang problema, ubos na ang papel ko. Iisa nalang ang natira na para sakin. Makalipas ang ilang minuto ay pinapasa na ang papel.

“Okay, bukas may bagong classmate kayo. Galing Visayas kaya tagalog ang salita. Lalaki, stepson ko.” – ma’am Sinia.

 “Kabit ka ma’am?” – sigaw ni Owel na classmate ko. Tsismoso talaga. Alam niyo ba, maitim yan tapos lahat ng kapatid niya maputi, napapaisip tuloy ako minsan na ampon yata siya.

 

“Owel, hindi ako ang kabit. Ako ang legal, batang ‘to. Gagawin pa akong kabit.” – ma’am.

 

Yon naman pala eh. Legal pero di nagtagal. So ayon, natahimik kami dahil pumasok ang principal, si ma'am Aida.

The Broken Promise (COMPLETED)Where stories live. Discover now