📌6

23 7 0
                                    

Shyme's POV:

Natapos na ang pasko at bagong taon. January ngayon. Masaya naman. Maraming handa at nagpa-fireworks display sila sa plaza namin dito sa barangay. Pinaandar ang motor para maalis daw ang malas noong nakaraang taon at swerte ang pumasok sa bagong taon. Alam mo ba kung bakit nagpapaputok tayo sa new year? Dahil naniniwala ang Filipino na mawawala ang malas ng nakaraang taon at swerte ang sumalubong sa bagong taon, yun yon. Hehe.

At tatlong buwan nalang graduation na! Grade three na ako next school year, magb-ballpen na ako at iba na ang papel ko. Haha. Wala, masaya lang. Nakakainggit kasi lapis kami tapos yung mga grade three to six ballpen. Diba, nakakainggit?


"Shyme! Ururayen naka ni Dale'n! Ipartak mo nga ubing ka! (Hinihintay kana ni Dale! Bilisan mong bata ka!) Okay, halatang inis na si anti. Uminom na ako ng tubig at mabilis na naglakad palabas. Naabutan ko siyang nakangiti. Nginitian ko ito at nilapitan. Sabay kaming naglakad at tinahak ang daan patungo sa school.

As usual, aral ulit. Pero kasalukuyan kaming nagsusulat ng biglang pumasok si ma'am Principal.


"Okay pupils, form your lines. Dahil nandito si ma'am Alba, ang dentist ng elementary schools. Titignan kung may sira kayong ngipin at magpupurga din. Alphabetical order. Behave." - announcement niya at umalis agad para sabihan ang ibang grade.


"Halla. Baka tanggalan ako ng ngipin." - Owel.

"Masakit yon. Parang ayuko na lumabas." - Charlie. (Lalaking classmate din namin na matalino sa math kaso laging sinisipon).

"Ah, basta. Walang sira ang ngipin ko kaya 'di ako natatakot." - Lie. Edi shing.


Naglinya na kami at pinalabas. Dahil may ground ang school namin kung saan naglalaro ang mga players ng softball and baseball. Sikat kasi ang school namin kapag tungkol sa larong yan. Ultimate champion ang school namin at dito nanggagaling ang mga players ng palarong pambansa. Meron ding chess, badminton, at sepak.



Nasa bandang kabila kami at nasa lilim naman ng punong mangga sila ma'am at ang dentista. Tumabi sakin si Dale at pinanood ang ginagawa nila sa kabila.





FERNANDO

Nang tawagin nila ang apilyedo ko ay naglakad na ako papunta don. Pinaupo ako sa monoblock na upuan at pinanganga.


"Wala namang sira ang ngipin mo. Pero bibigyan kita ng toothbrush at toothpaste. Magsipilyo ng three times a day upang hindi masira ang ngipin. Tuntong ka dito at titimbangin kita." - sabi at utos ni ma'am dentista.


Tumuntong ako sa timbangan at agad na sinulat niya ang timbang ko at pinainom ng purga. Mukha ba kaming baboy? De, joke lang. Hihi. Ininom ko na ito at bumalik sa mga kaklase ko.


"Wala daw sira ang ngipin ko at hindi ako tinanggalan." - pagyayabang ko pa. Eh, sa mayabang ako eh.

"Sana ako din. Ayaw kong matanggalan ng ngipin. Masakit." - sabat ni Louie na classmate din namin.



ASCARRAGA

Tumingin muna si Dale samin at naglakad na papunta don. Pinanood lang namin siya. Nang matapos ay tumakbo ito ng masaya at dagli-dagli akong niyakap.


"Yes, walang natanggal sakin." - halata sa boses niya na masaya siya. Kaya tinugunan ko nalang ang yakap niya.



"Ehem. Usto daytan, sabalin san (tama na yan, iba na ata yan)." - pagtatawag ni ma'am Sinia sa aming atensyon, ang Mama niya. Humiwalay kami ng yakap at tumingin dito na malapad ang ngiti.




Matapos ang checkup samin ay pinabalik na kami sa room namin. Habang nagdadaldalan kami ay pumasok ang isang kapatid ni ma'am, si anti Imma. Isang mananahi samin. May pinag-usapan sila pero 'di nalang namin pinansin.

Hanggang sa nabaling sa amin ang topiko nila.


"Oh, Dale. Kamusta ka naman dito sa Abra? Masaya ka ba? Gusto mo pa bang bumalik sa lugar niyo?" - tanong ni anti Imma sa kanya.


"Hindi na po anti. At masaya na po ako dito, may mga kaibigan na po ako dito eh."- Dale.


"Oo nga. Tulad ni Shyme. Bagay kayo Dale. 'Pag lumaki kayo, kayo nalang mag-asawa." - si ma'am habang samot-saring kantyaw naman ang narinig namin.


"Ayieeee. Bagay kay nga talaga (bagay talaga kayo)."


"Oo nga, laging magkasama." - Owel.

"Pati sa pagpasok at pag-uwi. Naghihintayan pa." - Engel.


"Hindi mapaghiwalay." - Lie.

"HAHAHAHAHA" - tawa nilang lahat.



Hanggang sa namalayan nalang namin na umiiyak na kaming dalawa pero sige parin sila ng kantyaw at tawa. Hanggang sa mag-uwian ay tahimik kaming dalawa hindi tulad dati na nagkukwentuhan. Sabay parin kami pero tahimik na. Walang umiimik.



Hanggang kinabukasan ay parang walang nangyari. Okay ulit kami. Kwentuhan, tawanan at laro ulit. Tsaka bata pa kami para isipin ang ganyan. Mag-aaral muna kami. Tsaka magkaibigan lang naman kami eh. Walang malisya.




××××°°°°°××××

Naging tahimik na siya. Laging malalim ang iniisip at kapag tumatawa kami ay lungkot ang nakikita ko sa mukha niya. Alam kong may problema pero ayuko namang pilitin siya na magsabi. Siguro hihintayin ko nalang na kusa siyang magsabi. Kahit sobrang nangangati na ang aking dila at bibig ko na magtanong. Eh sa madaldal ako eh. Nature ko na 'yon, dina maiiwasan. Pero nalulungkot kasi talaga ako na makita siyang ganon. Pwede naman siyang magsabi eh. Kaibigan niya ako pero 'di niya masabi sakin. Hindi naman ako galit, tampo lang ng kunti kasi naglilihim siya. Ay bahala na. Basta, sana hindi masayadong malaki ang problema niya dahil bata pa ako at hindi ko siya matutulungan talaga kung sakali. Cute lang ako pero hindi superhero. Ah, basta.


Lumipas ang araw at hindi na ako nakatiis. Tinanong ko na talaga siya.


"Ah. Mmm. Dale, may problema ba?" - mahina kong tanong sa kanya. Nasa labas kami ngayon ng bahay. May bakanteng lote kasi dito sa harap ng bahay namin pero pag-aari ng kapatid ng lola ko, sa Father's side. Mabuhangin dito madamo sa ibang parte. Nakaupo kami ngayon kasi makulimlim naman kaya hindi mainit.


"Bakit mo naman natanong, Shyme?" - lingon niya sakin. Malalim na naman kasi ang iniisip niya. Nakayuko kasi siya at nilalaro ang buhangin.


"Kasi, napapasin ko ang lalim-lalim ng iniisip mo, tapos ang tahimik mo na 'di gaya dati na madaldal ka pag kasama ako at malungkot na ang mga tawa mo." - paliwanag ko sa kanya.



"A-mmm. Kasi, tumawag si Mama. Yung totoo kong Mama na nasa Visayas. Pinapabalik na kasi kami ni Papa. Pero hindi pa masyadong sigurado at kung kailan. Mamimiss ko kasi dito at kung pwede lang ay dito na ako tumira, kasama ka. Ayuko ding maiwan ka at malungkot ka." - naiiyak na paliwanag niya. Naiiyak na din ako. Kasi naman, nasanay na ako sa kanya. Tapos bigla siyang aalis.



"O-oy, 'wag kang umiyak. Hindi pa naman sigurado eh. Kaya tahan na. Parang ikaw yong aalis eh." - punas niya ang luha ko at niyakap ako.



"Eh k-kasi ma- mamimiss kita." - garalgal kong sagot. Hinagod nito ang likod ko at mas hinigpitan ang yakap. Magkayakap lang kami, wala kaming pakialam sa mga motor at taong nadaan sa amin. May mga nag a "ayiee" pa pero di namin pinansin. Hanggang sa dumilim na at nagpaalam na kami sa isa't isa.

Hindi nawala ang lungkot sakin. Tumamlay ako sa nalaman. Kasi bakit pa siya aalis? Sana hindi matuloy para 'di niya ako iwan. Napalapit na kasi ako sa kanya eh kaya nalulungkot talaga ako.



×××°°°°×××°°°°×××

The Broken Promise (COMPLETED)Where stories live. Discover now