📌4

22 8 0
                                    


Dale's POV:

Mabilis na lumipas ang araw, at naisip ko na hindi talaga ako nagsisi na dito kami tumira. No'ng papunta kami dito ay talagang naligaw pa kami dahil masyadong malayo ang lugar sa kadahilanang liblib ito at probinsya. Nang dumating ako dito, nanibago ako dahil iba ang lengwahe nila at ibang mga pagkain na ngayon ko lang natikman. At doon ako nakakilala ng mga kaibigan tulad ni Shyme. Noong una gusto ko talagang mapalapit sa kanya. Maligalig kasi siya, masayahin at palatawa. Nong time na nakita ko siyang masayang umuwi sa bahay galing sa school at noong nakita niya kami ni ate. Gustong-gusto ko noon siyang kausapin pero umalis siya agad kasi maglalaro daw siya sa plaza.


Doon ko nakilala ang pangalan niya. At mas naging masaya pa ako ng mahuli ko siyang kumukopya sa sagot ko no'n pero napawi 'yon ng mahuli siya ni Lie at nilakasan pa ang pagsabi. Gustong-gusto ko noon siyang sitahin na dapat huwag niyang ipahiya si Shyme pero pinigilan ko ang sarili ko. Akala ko kasi yon na ang tamang pagkakataon para mapalapit ako sa kanya. Kaya ng hinayaan ko eh.

Pero hindi ako sumuko, inutusan ako ni Mama no'n na bumili sa store at itinuro ang tindahan, sa tita ni Shyme, agad akong tumalima at sinabihang bibili ako. Pero napahiya ako kasi hindi ko pala kayang kargahin lahat ng pinamili ko. Dalawang litro ng coke at dalawang supot ng biscuit, buti nalang at mabait ang tita niya at pinasamahan ako kay Shyme. Nakita ko pa ang pagsimagot niya na nagpapakitang hindi siya sang-ayon. Sa halip na malungkot ako ay nasiyahan pa dahil ang cute niyang sumimangot, agaw pansin din ang kanyang biloy sa kabilaang pisngi.

Nilagpasan ako nito at hindi namalayang hindi ako sumunod pero agad niya din akong nilingon, kunot-noo at nagpapahiwatig kong bakit hindi ako sumunod pero agad ding umamo ang mukha. Nagtataka man ay lumapit ako sa kanya at nakisabay. Nilakasan ko pa ang loob ko para lang makausap siya.

"Ah-mm. Hi. Dale pala." - nahihiyang pakilala ko. Liningon niya ako ulit at ngumiti.

"Shyme naman ang pangalan ko." - pagpapakilala niya rin. At sa araw ding 'yon ay mas lumapit ang loob ko sa kanya. Masaya kasi siyang kasama at hindi ka maboboring. Hindi siya maarte at madaling pakisamahan.

Pero minsan naiinis lang ako kapag nakikita kong nakikipagtawanan siya sa iba. Gusto ko ako lang ang kausapin niya, mapang-angkin man ay gusto ko ako lang.

Kasalukuyan kaming nasa labas ng room namin. Kasi meeting ng parents naming about sa girls scouts and boys scouts. Taon-taon daw kasing nagaganap ýon dito. Yung may paligsahan sa ibang school. Sa pinakabayan na school dito, tapos bale seven schools or district ang magc-compete, habang yung mga grade four to six ay magc-camping sa school na ýon ng three nights. Habang kami na lower grade ay uuwi at babalik ulit hanggang sa matapos ang contest. May kalamansi relay, message relay, tug of war, kadang-kadang relay, sack race, knot contest, cookfest, braidfest, quiz, drawing, at iba pa. Kakaiba dito which is I find exciting and interesting.

"Magbabayad daw tayo ng fifty pesos para sa membership, eh. Bago mapasama." - hingal na lapit ni Shyme sakin. Halatang nakinig sa pinagm-meetingan sa loob.

"Bakit daw? Kailangan pa ba 'yon?"- tanong ko naman habang inipit sa kanyang tenga ang tumakas na buhok sa mukha niya.

"Oo. Ewan ko kung saan gagamitin eh. Basta allowed ang magbayad, nakabayad na nga si Papa eh." - maligalig nitong sagot. Napangiti nalang ako. Ewan, ang cute niya kasi talaga.

"Excited na ako. Ay, wait! Talikod ka, aayusin ko buhok mo." - agad naman akong tumalikod at hinayaang kuling-lingin niya ang buhok ko. Gustong-gusto niya kasing hinahawakan kasi mas mahaba daw at bagsak kaysa sa kanya.

Xxx****xxxxx

"Galingan mo mamaya, ha! Ipanalo niyo." - Shyme. Yup, contest na ngayon at sasalang kami sa sack race. And I'm so proud to her kasi sila ang champion kanina sa message relay. Madaldal kasi kaya bagay siya don.

Nang tinawag ang school naming ay agad akong nakilinya sa mga kasama ko. At hindi maiwasan ang sari-saring bulungan.

"Halla! Ba't nandyan siya? Bakla ba siya?"

"Ang ganda ng buhok. Bagsak at mahaba."

"Ang cute naman niya. At ang puti pa. Galing siguro sa maynila."

Marami pang iba pero nanahimik nalang ako.

"Hayaan mo nalang sila. 'Wag mong pansinin." - Owel.

"Oo nga. Ang mahalaga manalo tayo ngayon." - pagpapalakas nila ng loob sa akin na nginitian ko lang.


Ready...

Get set...

Go...

Paunahan kami sa pagsuot ng sako. Limahan kasi siya kaya dapat hindi ka lampa at may teamwork kayong lahat.

"Isa, dalawa, talon!"

"Isa, dalawa, talon!"

"Isa, dalawa, talon!"

Ganon ang ginawa namin. Natumba din kami pero bumangon din agad. Dikit ang laban hanggang sa kami ang nanalo. Kaya napatalon kami sa saya.

"Haha. Nanalo parin tayo. Pero, talaga. Ang bigat mo Luncio. Nung natumba tayo, naupoan mo ang mukha ko. Ambaho ng pwet mo. Talagang umutot ka pa!" - Owel. Napatawa nalang kami pati na din ang mga malapit sa amin. Sinigaw kasi ni Owel 'yon at maraming nakarinig. Sa amin sa school, sila ang magbarkada at close talaga.

"Pasensya na, 'di kita nakita eh. Ngipin mo lang kasi ang kita ko." - pang-aalaska naman ni Luncio. Maitim kasi si Owel kaya 'yan ang sumbat ni Luncio. Na mas lalong nagpatawa sa amin at sa iba.

Xxxx*****xxxx

Natapos ang araw na second place kami sa overall. Kahit ganon ay tuwang-tuwa parin kami. Kasi ginawa namin ang best namin at nag-enjoy kami. Yon naman ang mahalaga. Pero hanggang ngayon ay natatawa parin ang kasama ko, si Shyme. Hindi na nakagetover sa narinig tungkol sakin na ang ganda ko daw. Tapos may lalaki pang nagka-crush sakin. Utang na loob, lalaki ako. Gusto kung sumbatan kanina yung lalaking yon pero sinabi ni ma'am Aida na lalaki ako. Napangiti nalang ang ibang guro na kasama nila. Pati si Mama.

Pauwi na kami ngayon at nakasakay sa jeep. Umupa kasi sila ng jeep na sasakyan namin papunta at pabalik. Habang ang mga higher grade ay naiwan. Masaya siguro yon.

"Nainggit ako sa mga higher grade, don sila matutulog." - Shyme.

"Oo nga eh, same." - sagot ko naman.

Natapos ang araw namin masaya at pagod ang lahat. Tapos na kasi lahat ng game naming grade two kaya hindi na kami babalik. Back to normal na naman. December na kaya malapit na naman ang graduation at bakasyon na naman. Mas maraming time na maglaro at maglibang.

×××°°°°×××°°°°

The Broken Promise (COMPLETED)Where stories live. Discover now