📌5

26 8 0
                                    


Shyme’s POV:

“Shyme! Pupunta kaming bayan. Manonood ng sayaw at bibili, sasama ka ba?” – ate Jhelly. Diba nag-aaral sila sa Catholic school kaya sila ang choir at nagdedesign sa simbahan. At sa school kasi nila, ay nandoon din ang simbahan ng munisipyo namin at doon din dinadaos ang mga fiesta at La Naval. Mga pagdiriwang na taon-taon naming pinaghahandaan. Patron saint kasi namin ay si Mama Mary at St. John. Yung disciple ni Jesus na si John, also called as the John the beloved. Why beloved? Dahil noong napako si Jesus sa krus ay siya lang na disipulo ang nandoon at dinaluhan si Mama Mary and also, sa kanya itiniwala ni Jesus si Mama Mary.

“Opo ate! Sasama ako. Manonood ng sayaw at bibili ng regalo kasi Christmas party na namin bukas at lalaki ang nabunot ko. Siguro panyo nalang ang bibilhin ko. Unisex naman eh.” – mahaba kong paliwanag.

“Oh, siya sige. Magbihis kana. At gagayak na tayo. Ipartak mo (bilisan mo). – ate Jhelly na pinisil pa ang pisngi ko.

Agad akong tumakbo at nagtungo sa gripo. Linggo ngayon at fiesta, kaya iilan lang ang tao dito samin. Iilan lang ang taong pagala-gala dito kapag fiesta at laban ni Pacquiao. Alam kong wala din si Dale dahil nagparada si ma’am, mga teachers kasi kaya sinama siya. Wala pang sampong minuto ay nakaligo na ako. Sinuot ko ang pinakamaganda kong bestida at sandalya. Nagpulbo ako at nagsuklay. Pagkatapos ay agad akong nagtungo sa kusina. Naabutan ko naman sila ate na kumakain na.

“Manganen Shyme. Etoy ne, plato. Idtoy ka abay ko nga agtugawen. (Kain na Shyme. Ito oh, plato. Dito kana sa tabi ko umupo.” – si ate Jhen at agad naman akong tumalima at kumain na din.

May service kasi sila na tricycle, total thirty minutes ang gugugulin sa pagpasok sa school nila. Parang ayaw ko nga mag-aral don eh, kasi parang matatalino lang ang nakakapasok. Tsaka, hindi naman ako matalino, bibo lang. Pero lagi nilang sinasabi na oo daw. Ewan.

Xxx****xxxxx

Maraming tao, ingay, tugtog at banderitas ang sumalubong samin sa bayan. Lalakad na sana ako ng…

“Shyme, ‘wag kang hihiwalay samin. No ta imam, baka mapukaw ka. Nagado met garud ti tao. (Akin na yang kamay mo, baka mawala ka. Lalo na’t ang daming tao.” – ate Jhen. Sinunod ko nalang siya. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya at dumikit pa sa kanya. Ayuko kayang mawala, mamaya kidnappin pa ako eh.

Nanood ng sayaw, parada, palaro at kumain ng mga miryenda lang ang ginawa namin. Pagkatapos ay window shopping sa perya at bumili na rin ako ng panyo for exchange gift ko. Natawa nga sila sakin. Bakit kamo? Ganto kasi ýon.

Kanina…

Katatapos lang naming kumain ng popcorn nang niyaya ko silang samahan ako na bumili ng panyo panregalo.

“Manang (Ate), magkano po itong panyo niyo?” – tanong ko sa nagtitinda.

“Twenty pesos lang, Deng (Ading).” – sagot naman ni manang.

“Halla. Ang mahal. Ulam nalang kaya bukas ang iregalo ko. At least, nabusog pa yung reregalohan ko.” – bago ko pa dugtungan ang sasabihin ko ay tawanan ang nangibabaw sa mga katabi ko lalo na sa mga nagtitinda.

The Broken Promise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon