📌7

23 7 2
                                    

Shyme's POV:

Simula sa araw na 'yon, mas ginugol naming dalawa yung panahon at oras pa magkasama kami. Na para bang hindi siya aalis. Pansamantalang kinalimutan namin yon. Laro dito, kwentuhan doon. Yan ang araw-araw na gawain namin. Kahit na hindi pa naman talaga sigurado ay tlagang sinulit na namin ang oras. Hanggang sa namalayan namin na March na, nagpapractice na kami ng sayaw para sa performance namin. At fifth place ako at forth place naman siya. Mas matalino kasi siya eh.

"Okay, from the start. One, two, three and four. Wait! May tanga sa likod, ulit. From the top." - okay, kanina pa kami eh. Paulit-ulit. Itik-itik kasi ang sayaw namin. Basta yung pangpato. Kanina pa kami sa from the top na from the top. Pagod na din kasi kami. At nasa court kami ng barangay, mainit at walang masilungan walang malalapitan, biro lang. Wala talagang masilungan kasi naman, tatlong puno ng niyog lang ang nandito at hindi pa madahon. Useless na silungan.


"Pagod na ako, kanina pa tayo eh. Sakit na ng bewang ko kakakembot." - Owel.


"Oo nga. Awan pay miryenda (wala pang miryenda). - Luncio.


Reklamador talaga yang mga dalawa. Di nalang makicooperate eh.



"Shyme. Hati nalang tayo ng tubig. Eto oh." - Dale. Na agad ko namang kinuha. Kanina pa ako uhaw eh.



"Okay, back to your position. From the very beginning. In one, two, three and..." - DI.



×××°°°°×××

"Let's give a round of applause to grade two performer." - MC.


Ang bilis ng araw, nagpapractice lang kami tapos ngayon magpeperform na. Si Luncio pala ang partner ko tapos si Dale si Lie.



"Woyy. Luncio, laingem ah. Hanka agir-irrado, ne. Kudduten ka (galingan mo ha. 'Wag kang magkakamali, kukurutin kita). - pagbabanta ko ka.




"Syempre. Diak kayat ti maibabain. Nalaing etoy boy (ayukong mapahiya. Magaling to boy). - nagtawanan pa kami bago nagpwesto sa stage.

Inenjoy lang namin ang sayaw at maraming kumukuha ng litrato at video. Ngiti lang kami ng ngiti kahit masakit na sa panga. Yon ang sabi ni DI eh. Dapat daw ngumiti kami para kaaya-aya daw kaming panuorin.

"Thank you grade two to your very spectacular performance." - MC. Nagpalakpakan pa sila at nagbow na din kami.



"Oy, aglalamiis nak attay (oy, nanlalamig ako kanina). - Owel.

"Ti ammok matinnag kami attayen jay stage ( kala ko mahuhulog na kami kanina sa stage). - Emar. Classmate din naming lalaki.


Oo nga pala. Halos lahat ng nagsayaw ay mga honor students, ganon naman talaga sa elementary. Ang may ribbon lang ang sasayaw.



Pagkatapos ng awardings ay agad kaming nagtungo sa bilihan ng miryenda. Tapos na ang sayaw eh, at gutom na din ako.



"Halo-halo nga po anti." - bili ko at agad na ibinigay ang bayad.


"Shyme, nakong (anak). Kausapin mo Mama mo, natawag." - singit ni Papa at agad na binigay ang selpon niya.


"Ma! Ammom, adda honor ko (alam mo may honor ako)". - bungad ko agad sa kanya. Narinig ko pa ang masaya niyang tawa.



"Oo anak. At masaya ako na nag-aaral ka ng mabuti. Uuwi ako sa bakasyon, at may regalo akong dala." - galak na sabi niya. Naexcite tuloy ako. Hindi nagtagal ay pinutol na din namin ang pag-uusap namin.


×××°°°°×××

Masaya ako dahil wala ng pasok. Mas maraming oras na maglaro at maglibang.

"Shyme! Naisaganam jay bado mon? (Naihanda mo na ba ang mga damit mo?)." - pupunta kasi kaming ilog kasama sila Dale at ma'am. Maglalaba at maliligo.

"Opo, tapos na. 'Till the dark is over." - okay. Expression lang po yan. Tsaka kilala ako samin na Englishera daw. Kasi naman, nagpapractice ako sa pag iingles para matuto at para magaling na talaga ako. Kaya maraming nabili samin dahil iniingles ko daw. Anong connect? Joke, magiliw daw kasi ako.


"Shyme! Nakahanda ka na? Excited na akong maligo." - Dale na kalalabas ng gate nila.



"Bakit? Ngayon ka lang ba maliligo?" - pabiro ko naman.



"Haha. Syempre naliligo. Excited lang ako kasi sa ilog at dapat sa malalim tayo para masaya---


"Opss. Walang pupunta sa malalim, baka malunod kayo. Don lang tayo sa mababaw. Maliwanag." - sabat ni ma'am.



"Opo." - sabay naming sagot at naghagikgikan.



"Ang linis naman ng tubig dito at ang lamig. Parang natunaw na yelo." - Dale, na nakalublob pa sa tubig.



"Oy. Laro tayo ng sabon. Gawa tayong bubbles." - anyaya ko naman at kinuha ang sabong bareta na ginagamit ni anti. Apat lang kaming magkakasama, si kuya Amiel, siguro nasa kapitbahay kila Kuya Ladin.



"Sige. Palayuan tayo ha." - pinagdikit nito ang dalawang kamay na nakaform ng circle na malaki at hinipan ang sabon habang ako naman ay isang kamay lang.



Maraming beses naming inulit at siya ang may pinakamalayong narating na bubbles. Hanggang sa mag-uwian na. Kahit pagod ay masaya naman kaming umuwi.

"Ang saya sa ilog no? Sana maulit, kahit mangitim ako, okay lang. Kaya pala maitim ka kasi lagi ka siguro don. Masaya naman kasi." - Dale.



"Hoy! Hindi naman ako maitim, brown lang. At oo, masaya kasi don. Nung bata nga kami, tumakas kami non para maligo tapos ayon, nagalit si Papa kasi tanghali na pero bakit wala kami sa bahay kaya hinanap niya kami. Pinalo pa kami ng stick eh. Ang daya nga eh, si kuya Amiel hindi napalo kami lang ni Desi." - pagkukwento ko.



"Talaga namang papaluin kayo. Kasi syempre, sa malalim kayo naligo at tumakas pa kayo. Paano kung nalunod kayo. Talagang magagalit siya. Pasaway kayo eh. Matigas ang ulo." - sermon pa ni Dale.



Marami pa kaming napagkwentuhan. Mga kalokohan ko. Mabait kasi siya kaya wala siyang maikwentong kabulastugan niya. Sana lahat.


Kapag umalis siya, mamimiss ko 'to. Sana lang talaga hindi maalala o hindi siya pauwiin ng Mama niya, kasi malulungkot ako. Gusto ko nga na kasama ko din siya sa high school para mas masaya. Komportable na kasi ako sa kanya at napalapit. Nasanay na kumbaga tapos kapag umalis siya, talagang maraming alaala ang maiiwan sakin. Nong nagkakilala kami, sa mga contests, sa school at dito sa bahay. Siya nga ang dahilan king bakit di na ako naalis para maglaro sa plaza eh, kaya madaming nabago sakin nung dumating siya at naging kaibigan ko.



×××°°°°×××°°°°×××

The Broken Promise (COMPLETED)Where stories live. Discover now