+𝖀𝖓𝖔+

602 54 88
                                    

SABI NILA, kaya walang sapatos ang mga patay sa kabaong ay para hindi mo marinig ang mga hakbang nila sa sahig tuwing alas tres ng madaling araw

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

SABI NILA, kaya walang sapatos ang mga patay sa kabaong ay para hindi mo marinig ang mga hakbang nila sa sahig tuwing alas tres ng madaling araw. Ito raw ang oras kung kailan sila gumagala. Pero iba ang sa aking lola, bago siya mamatay ay nagbilin siyang isuot sa kaniya ang paborito niyang bakya. Weird at noong una'y ayaw sundin ng pamilya ko, pero bilang pagrespeto ay pinagbigyan nila ang kahilingan nito. Inilibing siya nang suot ang bakya na may bulaklak na desenyo.

Ilang araw matapos siyang mailibing ay doon ko lamang nalaman ang dahilan kung bakit. Bakit tutol ang mga kamag-anak namin sa hiling ni lola.

Habang nananalamin sa aking kuwarto ay narinig ko ang sunud-sunod na mga yapak ng kahoy na bakya sa sahig. Marahan akong lumingon. Ramdam ang bilis ng pagtibok ng puso at pamamawis ng palad dahil sa takot. Halos himatayin ako sa mga sandaling 'yon. Ilang segundo pa ay bumungad sa akin ang mukha ng aking tiyahin, si Lilibeth. Namimilog ang mga mata nito at nakangiti sa akin nang nakalabas ang kaniyang ngipin. Tumawa siya nang malakas. Aminado akong halos atakihin ako sa puso dahil sa ikinilos niya pero hindi ko siya masisisi dahil bata pa lamang ay may kakaiba na siyang kundisyon sa utak na lalong lumala simula noong mawala si Lola.

"Bakit mo suot 'yan?" tanong ko.

Ngumiti siya sa akin at itinuro ang bakyang suot niya. Noon ko lamang napagtanto na may kakaiba sa mga nangyayari. Nanindig ang mga balahibo ko sa takot sa kaniyang itinugon, "Nakita ko ito sa tapat ng pinto ng kUwarto mo, Alex."

Ang bakyang gamit ni Tita Beth ay ang pampaang suot ni Lola noong siya'y ilibing. Ang floral na bakyang yari sa kahoy.

"Binibisita ka niya."

Hindi ako makasagot ng mga sandaling 'yon, para akong nabilaukan ng sarili kong laway. Nakakatakot, kasabay ng napakalakas na pagkabog ng aking puso sa kaba ay ang malakas namang pagtawa ni Tita Beth. Parang tinuturnilyo ang aking tenga sa nakaririndi niyang boses.

*****

NAAALALA KO PA kung paanong bumuhos ang langit ng mga sandaling 'yon. Apat na taon mula sa kasalukuyang panahon. Noon ay isa pa lamang akong 1st year college student sa kursong Mass Communication. Dahil sa kahirapan at pagtitipid sa pera ay pinili kong manirahan sa bukid kasama ang aking lolo at lola. Sa halip kasi na ibabayad ko sa apartment ang perang ipinadadala ng mga magulang ko ay siya ko na lamang ginagamit sa pamasahe at ang tira ay ibinibili ng pagkain. Napakalaking tipid kung tutuusin.

Isang gabi nang makarating sa bahay mula sa night class ay bumungad sa akin ang nakangiting bangkay ni lola. Nakahiga ito sa mesa at nakasuot ng puting belo. May pula itong marka ng krus sa noo at sa magkabilang palad. Naging usap-usapan tuloy kung paanong ang kaniyang pagkamatay ay tila ba sadyang pinaghandaan at plinano. May ilan na nagsasabing nagpakamatay si lola at may ilan naman na nagsasabing pinatay siya ng kulto. Walang nakaaalam ng katotohanan. Hindi rin ako pinatutulog ng palaisipang 'yon. Ano nga bang nangyari kay lola?

Pray for Us Sinners (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Where stories live. Discover now