+𝕿𝖗𝖊𝖘𝖊+

35 14 37
                                    

This chapter is dedicated to my online beshie and active reader pauz01 .

Hindi ko alam kung isa bang regalo na ligtas pa rin ako hanggang sa ngayon? O isang bangungot dahil habang buhay kong dadalhin ang alaala ng mga nangyari sa islang 'to. Napako na ako sa pagitan ng gusto kong umuwi at magsimulang muli sa umpisa , o hayaan na lang sila na bawian ako ng buhay. Ano pa bang silbi ng pagiging ligtas kung dala ko ang takot sa bawat segundong nasaksihan ko ang nakakikilabot nilang ekspresyon? Ngayon ko lang napagtanto, ano bang kaibahan ng Maynila sa Muerte? Pareho lang din namang empyerno. Normal na ang pagdanak ng dugo, araw-araw may pinapaslang, at sa bawat oras hindi mo alam kung ikaw ang tatamaan ng roleta ng kamalasan. Ang Muerte ay pinaliit na bersyon ng siyudad. Ang kaibahan lamang, sa siyudad kami ang nagdodokyumentaryo ng mga napapaslang pero dito sa isla kami na ang biktima.

Nasaan na nga ba sila? HIndi ko alam kung ilang oras na mula ng magkawalay kaming apat. Nakauwi na kaya sila? Iniwan na kaya nila ako dito? Si Olive? Tuluyan na ba siyang tumakas at hindi ako hinanap? Hindi ko alam kung makakauwi pa ako ng buhay, hindi ko man lang nasabi sa kaniya na -

Sa loob ng ilang taong pagtatrabaho sa kompanya ni Mr. Chong, ilang beses akong umasa na sa bawat oras na may mangyayari sa amin ni Olive ay mahal niya ako. Sa pag-aakalang iiwan niya ang pamilya niya para sa akin, pero sa bawat oras ding 'yon ay puros kabiguan ang dumarating. Pagpaparaos, isa lamang akong pampalipas oras para sa kaniya. Parang sigarilyo, paampatanggal stress mula sa buhay niya may pamilya. Oo, may asawa't anak si Olive-kaibigan ko ang kaniyang kapareha. Hindi ko rin naman ginusto ang mahulog sa kaniya pero sa bawat araw na makikita ko siya ay hindi ko mapigilan ang pagbagal ng oras. Siguro nga makasalanan ako, ito ba ang dahilan kung bakit hindi na pakinggan sa taas ang aking panalangin?

Huwag kang makikiapid. 'Yan ang turo ng simbahan, makasalanan nga ako siguro. Ito ba ang paraan ng pagbabayad ko? Buhay para sa ilang beses na pagpaparaos? Ilang pagtalon sa kalendaryo din kaming nagsalo sa liwanag ng buwan, parang mag-asawa na pinapaligaya ang isa't-isa.

Ligtas kaya sila?

Sa lagaslas ng maligamgam na tubig sa aking balat ay kasama nitong umaagos sa aking katawan ang dumikit na dugo mula sa bangkay ni Aling Krising. Ang ekspresyon ng mukha niya na nakatatak na sa aking isipan. Ang nakangiti niyang labi at nakatirik niyang mga mata habang nangingisay na itinataas, sana isa na lang panaginip.

Patuloy ang paghimas ni Helen sa katawan ko, binabanlawan ang dumikit na dumi sa aking balat. Lantad ang hubad kong pagkatao ay hindi ko naisipan pa ang mahiya. Para akong batang bago pa lamang pinaliliguan, parang tinurukan ng ilang doseanang pampangimay. Wala na akong pakialam. Gusto ko na lamang magpahinga.

Matapos paliguan ay binihisan niya ako ng puting damit at saya. Sinuklay ang aking buhok at pinatungan ng koranang gawa sa mabangong bulaklak. Hinaplusan niya ako ng langis at winisikan ng pabango. Mukha na muli akong malinis at puro. Ngumiti siya sa akin at bumulong, "Buntis ka."

Nagngingitngit akong tumingin sa kaniya. Nangingilid ang aking luha pero kahit anong galit ay hindi ko magawang lumaban. Nawawalan na ako ng gana, tinatamad na akong mabuhay. Patuloy niyang sinuklay ang aking buhok at hinaplos ang aking mukha.

Mula sa ikalawang palapag ng bahay ay inalalayan niya ako pababa. Pumasok kami sa dating kuwarto ni Aling Krising at laking gulat ko ng buksan niya ang isang maliit na pintuan patungo sa basement. Bumaba kami doon, nakapabaho at napakadilim.Kinapa ko ang bawat madadaanan at nangangatal na humakbang. Isa-isa niyang sinindihan ang maraming kandila sa bawat sulok at bumungad ang isang kabaong, katabi nito ay ang ulo ng matandang kinitilan ng buhay. May korona ito at nangiti pa ring nakadilat ang mga mata. Si Aling Krising at ang nakakapanghina niyang mga ngiti.

Pray for Us Sinners (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Kde žijí příběhy. Začni objevovat