+𝕯𝖔𝖘𝖊+

48 13 29
                                    


Mhia's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Mhia's POV

Ilang oras na nga ba akong nakatago sa kuwartong 'to? Nakayupi ang katawan at niyayakap ang sarili habang nakahiga sa magabok na sahig sa loob ng kabinet sa ikalawang palapag. Hindi ko na namalayan ang oras, hindi ko na alam kung anong nangyayari na sa labas. Buhay pa ba sila? Ano bang nangyayari na?

Ilang oras bago ako magtago sa silid na ito ay kinuha ko ang recorder na nakatago sa ilalim ng kama ni Alex. Malinaw na maririnig ang nakikilalang boses ni Helen at Eva na nag-uusap. Hindi ko alam ang dapat maging reaksyon ng mga sandaling 'yon, para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa mga nalaman ko.

Record Playing ⏯️ ...

"Kompleto na sila. Ang ikahuling tauhan para sa seremonya ay nagawa nang paslangin ang alay. Ang huling tauhan na kukompleto sa paghirang sa bagong propeta , ang El Verdugo," paliwanag ni Eva kay Helen.

"Kung ganoon, kailangan na nating ilabas ang tupa," sagot ni Helen.

"Umaayon ang lahat sa plano, Helen. Umiikot ang lahat sa islang 'to. Ang pinakamahalagang parte ng seremonyang ito ay ang pagsanib ni Vrag sa tupa, sa oras na 'yon maaari nang mamahinga si Nanay Krising. Sa tagal na ng paglilingkod niya, hindi maikakailang langhap na rin niya ang kamatayan. Ilang taon na rin mula ng lumaganap ang problema dito. Napakatumal ng paghuli sa mga lamang dagat at ani ng palay, siguro naman matutuwa na siya sa regalo natin."

"Sino ba naman kasi ang mag-aakala na sila ang ipapadala dito, pero mabuti na lamang din at sumang-ayon ang lahat sa plano. Totoo ba ang balita na isang mayamang personalidad ang anak ni Nanay sa siyudad? Sabi nila, ito daw ang nagpapadala ng tulong noong panahon na tumama ang malakas na bagyo noon." - Helen

"Asawa ng isang matandang Chinese na negosyante ni Nanay dati , kaso ilang taon ang makalipas ay - "

- End of Recording ... Recorder out of charge ... Toot ...

Dito na lang siguro ako hanggang sa mamatay. Dito na lang ako sa kabinet magtatago hanggang sa makita nila akong wala ng buhay.

El Verdugo? The Executioner? Tupa?Vrag? Hindi kaya nasa siyudad pa lamang ay planado na ang kamatayang ito?  Sino -

Sa tahimik na kapaligiran ay maririnig ang malakas na pagtunog ng trumpeta. Magsisimula na sila, kailangan ko lamang magtago sa lugar na ito hanggang sa mawalan na ako ng malay. Kung ito ang huling gabi ko, sana payapa akong maglakbay patawid sa kabilang buhay.

Samu't-saring katanungan ang pumapasok sa isip ko. Nababaliw na ata ako, dala ng pagod at takot. Ano nga ba ang nasa likod ng pintuang 'yon? Hindi ako mapalagay na pader lamang 'yon para sa pag-eensayo, ano nga bang mayroon sa likod ng pader na 'yon? Kung hindi ako nagkakamali ay 'yon ang daan patungo sa kuwarto kung saan nakita ko ang babaeng nakasilip sa bintana sa ikalawang palapag ng bahay.Hindi kaya siya si Vrag? O isa lamang din siyang bihag? May kung anong bagay ang nagdidiin sa akin na may mas malalim pa akong dapat malaman.

Pray for Us Sinners (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Where stories live. Discover now