+𝕺𝖙𝖘𝖔+

167 16 73
                                    

Ranz's Pov

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ranz's Pov

Alas sais ng umaga, habang mag-isang inaayos ang setup ng mga camera at recorder para sa gaganaping interview ay sakto namang baba ni Alex mula sa kaniyang kwarto. Bakas sa kilos niya ang panghihina, namumutla ang kaniyang mga labi at parang inaantok pa ang mga mata.

"Magandang umaga, ang sakit ng ulo ko," bati niya habang hinihimas ang kaniyang batok.

"Ikaw ba namang matulog ng bente kwatro oras, sadyang mananakit ang ulo mo."

"Bente kwatro?" Nagtataka niyang tanong.

"Yeah, hindi ko nga alam kung ano pa ang gagawin ko sa inyo. Ikaw nahimatay, then Mhia is acting weird tapos si Olive naman hindi ko alam kung anong plano sa buhay. Everyone's a mess, gusto ko na lang tapusin 'to para makauwi na rin."

"Where are they?"

"Sleeping, I guess."

Nagpatuloy ako sa pag-aayos ng mga tripod at si Alex naman ay naupo sa tabi ko. Nagsindi siya ng sigarilyo at inipit ito sa kaniyang mga labi.

"Pagnakauwi na tayo, aayain mo pa rin ba akong lumabas?" Humithit siya at ibinuga ang usok.

"Hmmm," nahihiya akong tumingin sa kaniya at ngumiti.

"Ano? Kung kakain man tayo sa labas huwag ka nang mag-abala pa, ayos na sakin ang lutong bahay. Kung aayain mo naman ako sa mamahaling lugar o resto, huwag na rin kasi mas gusto ko 'yong magkatabi lang sa sofa at nanonood ng pelikula. Kaya kung may plano ka pang ayain ako, huwag kang mag-alala simpleng bagay lang ang mga gusto ko."

Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o magtataka dahil sa naging pahayag niya. Para akong nanalo sa lotto, ibig sabihin ba nito ay pinapayagan na niya akong makasama siya?

"Ano?" tumingin siya sa akin at tinitigan ako sa mata.

"Ah - eh, mahilig ka ba sa pasta?" Nahihiya na ako at walang ibang maitanong.

"You're cute, pero pasta? It's a no for me, huwag mo ng masyadong pasosyalin. Pansit lang ayos na, o siya sige na, maliligo na muna ako at ihahanda ko rin ang mga tanong para sa makakapanayam natin."

"Saglit-," hinawakan ko siya sa kamay para sandaling pigilan sa pag-alis, "Bakit naitanong mo 'yan? Out of nowhere," pahabol kong tanong sa kaniya. Ngumiti lamang si Alex at nagpatuloy na sa paglalakad.

Nang makaalis siya sa harapan ko ay gusto ko nang sumigaw dahil sa saya. Hindi ko mapigilan ang kilig ,ganito pala ang pakiramdam noon.

Habang patuloy sa pag-aayos ay kapansin-pansin rin ang pagiging abala ng mga tao sa paligid. Lahat sila ay naghahanda na para sa nalalapit nilang piyesta, sa hula ko. Makikita ang saya at pagkagalak nila, parang napakatagal na nilang hinihintay ang panahong ito. Sa hindi kalayuan ay tulung-tulong ang isang grupo ng mga kalalakihan sa pagtatayo ng napakalaking krus, sa kabila naman ay mga kababaihang nag-aayos ng mesa at mga bulaklak. Nakikita-kita ko na kung paano namin e-enjoyin ang araw na 'yon, sana nga lang hindi namin makalimutang magrecord ng video para sa film.

Pray for Us Sinners (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Where stories live. Discover now