+𝕯𝖎𝖊𝖟+

73 14 16
                                    

Patuloy ako sa pagkapa sa dingding, hinahanap kung saan ang lagusan para makalabas

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Patuloy ako sa pagkapa sa dingding, hinahanap kung saan ang lagusan para makalabas. Unti-unti na ring nauubos ang gaas sa lamparang hawak ko. Ramdam ang init ng paligid, literal na naliligo na ako sa aking sariling pawis at kinakapos na rin ako sa paghinga. Napakatahimik ng paligid, maririnig ang nagliliparang langaw at gumagapang na uod sa bangkay ng babaeng nakahilata sa sahig. Para na akong nababaliw sa inis dahil sa paulit-ulit na paghahanap ng daan pero patuloy akong bumabalik sa simula at hindi alam kung saan ang dulo. Paulit-ulit kong naririnig ang mga boses nila, ang mga naghahalakhakang hindi ko alam kung saan nagmumula. May kasama pa ba ako dito?

Hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras, isa? Dalawa? Tatlo? Anim? Walo? Ilang oras na nga ba ako sa lugar na ito? Ilang oras na nga ba ang nakalilipas? Mahalaga pa ba 'yon? Ang mahalaga lamang sa ngayon ay ang makalabas ako ng buhay.

Mula sa hindi kalayuan ang nagbukas ang isang pintuan. Pumasok sa madilim na silid ang maliwanag na ilaw. Mamikit-mikit akong sumusulyap kung sino ang taong bubungad sa akin. Kinusot ko rin ang aking mga mata, kasabay ang panalangin na sana ay hindi ilusyon ang natatanaw kong ilaw.

"Labas na! Kailangan na nating magmadaling umalis dito!" Isang pamilyar na boses ang maririnig mula sa pagitan ng dilim at liwanag.

Dala ng takot at pangamba, hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. Baka pinaglalaruan lamang ako ng aking isipan o kaya isa na namang ilusyon para linlangin ako.

"Tara na!" Nagmamadaling pumasok ang isang babae sa loob at hinigit ang braso ko palabas ng silid. Kusang sumama ang aking katawan at humakbang palayo ang aking mga paa. Nang makalabas ay lumingon ako at doon ko nalaman kung saang lugar ako ikinulong, sa isang kuwadradong silid. Semento ito, kulay pula mula sa labas at nakatayo sa gitna ng mainit at nanunuyong palayan.

Napalunok ako ng laway ng mga sandaling 'yon, hindi ko alam ang dapat isipin. Panaginip ba ito? Ilusyon? O ito na nga ang reyalidad?

Nahinto kami sa likod ng isang malaking puno, doon humarap sa akin si Alex at sinampal ako nang pagkalakas-lakas.

" Ranz? Hoy! Ranz!" Umiging ang napakalakas na pagdampi ng palad niya sa pisngi ko. Doon ako muling nabuhayan, nagising mula sa pagkatulala. Para akong nalulunod sa dagat na biglang iniahon at muling nakalanghap ng hangin.

"Nasaan na sila?"

"Nakita ako ni Olive kanina, tinulungan niya ako. Narinig ko rin kay Eva at Helen na nasa gitna ka ng palayan kaya nang makatakas ay ikaw ang una kong pinuntahan. Nahuli nila si Olive, si Mhia na lang ang hindi ko alam kung nasaan. Mabuti at ligtas ka , Ranz." Hinalikan niya ako sa labi.

Ramdam ang mainit niyang hininga at malambot na labi. Para akong nabiyayaan sa mga sandaling 'yon.

"Maaaring nasa bahay pa ni Nanay Krising si Mhia, kailangan natin silang balikan ni Olive. Kailangan na nating umalis sa islang 'to Ranz, tulungan mo akong mailigtas sila." Pagmamakaawa ni Alex.

Pray for Us Sinners (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Where stories live. Discover now