+𝕿𝖗𝖊𝖘+

233 23 43
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"MUERTE! HERE WE COME!" 'Di alintana ang lakas ng hangin at lakas ng alon, nakatayong sumisigaw si Olive habang patuloy sa pag-andar ang sinasakyan naming bangka.

"Maupo ka nga Olive, mamaya ipatapon ka nila sa dagat," naiinis na sambit ni Mhia.

"Relax, ineenjoy ko lang naman ang paligid. Akalain mo 'yon, malapit nang tumama sa atin ang spotlight tapos makakapagbakasyon pa tayo sa isla? Malayo mula sa toxic boss natin," natatawa niyang sagot. Halata sa ekspresyon ng mukha niya ang pagkasabik.

"Bakasyon? Trabaho ang isasadya natin sa isla, Olive. Siguraduhin mo lang na hindi ka mag-iinom at maglalasing dahil sa oras na isa sa atin pumalya pihadong lahat tayo ay kakatayin ni Mr. Cho," giit ni Ranz.

"Puwede bang matahimik muna kayo kahit saglit? Sumasakit ang ulo ko sa inyo ,e." Pakiusap ko sa kanila. Nagpatuloy ako sa pagbabasa ng librong hawak ko ngunit hindi pa rin mawala sa isipan ko ang nangyari kaninang madaling araw. Hindi naman sa pagmamataray pero may bumabagabag sa isipan ko kaya siguro iretable ako ngayon.

Ano ba talagang nangyayari sa akin?

8 HOURS AGO ...

Sa hindi malamang dahilan mula sa malalim kong pagtulog ay nagising ako sa dis-oras ng gabi . Nakaramdam ako ng panlalamig at pagkauhaw kaya naman agad akong bumangon para kumuha ng tubig sa kusina. Habang iniinom ang isang basong tubig ay napatingin ako sa wall clock, alas tres ng madaling araw. Maaga pa nga pala ako mamaya para sa pagbiyahe namin papunta sa Isla, wrong timing naman ang gising kong ito dahil malamang ay mahihirapan na akong bumalik sa pagtulog. Matapos uminom ay bumalik ako sa kuwarto pero laking pagtataka ko ng makitang may taong nakahiga sa kama, nakatalukbong ito ng kumot. Kahit kinakain ng takot ay marahan akong lumapit upang ibunyag kung sino ang nasa higaan. Nanlaki ang mga mata ko ng matanggal ang taklob.

Nakita ko ang sarili kong nakahiga, nakangiti sa akin at nakadilat ang mga mata. Akong ako ang taong nasa kama.

"AHHHHHHH!!!!!!" hindi ko mapigilan ang mapasigaw sa takot. Napaupo ako mula sa aking pagkakahiga. Panaginip lang pala. Pilit kong hinahabol ang aking paghinga at pinakalma ang sarili dahil sa labis na nerbiyos. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa katabing mesa at tiningnan ang oras, mas lalo akong kinabahan ng makitang Alas Tres na ng madaling araw.

Marahan kong ipinaling ang aking ulo sa direksyon ng pintuan, naalala kong pinatay ko ang ilaw sa unit bago matulog kaya wala akong ibang makita kung hindi ang nasisinagang parte ng kusina mula sa ilaw na tumatagos sa bubog na bintana galing sa sinag ng buwan. Doon nakita ko ang isang matanda, nakaupo sa mesa at nakatitig sa akin. Para siyang normal na tao, nakabihis ng puti ngunit nakapaa. May bahid ng dugo ang suot niyang damit at agaw pansin rin ang koronang nakapatong sa ulo niya, koronang tinik.

Ngumiti ito ng bahagya at isinigaw ang mga salitang "No te acerques" .

Present Time,

Pray for Us Sinners (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Where stories live. Discover now