+𝕺𝖓𝖘𝖊+

45 11 28
                                    

Unti-unti nang nagtatago ang araw at tahimik na ang paligid

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Unti-unti nang nagtatago ang araw at tahimik na ang paligid. Ang ingay na lamang ng mga kuliglig ang bumabalot sa kapaligiran. Nakakarinding bulong ng kawalan ng pag-sa. Ano pa nga ba ang dapat kong gawin? Kasabay nang paglubog ng liwanag ang paglubog ng tiwala kong makakaligtas kami.

Naalala ko noon, sabi nila manalangin tayo para matulungan. Ang tanong, may nakikinig pa ba sa mga dalangin ko? O totoong inabandona na tayo? Ipanalangin mo kaming makakasalanan, ipanalangin mo kaming nasa panganib at nawawalan na ng pag-asa, kahit ilang panalangin pa dahil ang tanong - may nakikinig pa ba?

Si Alex, sana maayos ang kalagayan niya kung saan ko siya iniwan. Dumadanak na ang dugo sa Isla Muerte, ano pa bang rason para mabuhay? May rason pa ba bumalik sa siyudad? Kung ito ang daan para sa kasikatan ay hindi ko na hahangadin pa ang sumikat.

"Anong plano mo?" tanong ng babae. Nakaupo siya sa tabi ko na niyayakap ang sarili dahil sa lamig ng paligid. Kumakapal na rin ang hamog sa labas.

"Ako? Hindi ko na alam, kung mahanap ko man ang mga kaibigan ko ay sisiguraduhin kong makakauwi sila ng ligtas sa siyudad. Wala ng rason para bumalik pa ako," sagot ko sa kaniya. Kapwa hindi kami tumitingin sa isa't-isa at parang lutang na nakatulala sa kawalan.

"Bakit naman?"

Bumabagabag na naman sa isipan ko ang nangyari sa babaeng nakasama ko sa kuwadradong silid. Kung nagawa ko siyang patayin ay hindi na rin ako naiiba sa mga taga-islang 'to.Pero kung totoong si Neri nga ang babaeng 'yon ay hindi puwedeng malaman ng babaeng kasama ko ang nangyari. Walang ibang nakakaalam, kailangan kong itago ang katotohanan. Sandali, ano nga uli ang pangalan niya?

"Ako, kailangan kong bumalik sa Manila para sa anak ko. Siguro matagal na niya akong hinihintay. Dumaan ang kaarawan niya pero wala ako. Mag-isa na lamang akong nagtatagod sa kaniya, kaya kahit anong mangyari ay kailangan kong makabalik para sa anak ko," kuwento niya. Umiling-iling siya at huminga ng malalim.

Naputol ang aming usapan matapos makarinig ng malakas na sigaw mula sa unang palapag. Mabilis siyang gumapang sa isang sulok at sumilip sa butas. Bakas sa ekspresyon ng mukha niya ang takot at panginginig. Sunod akong lumapit at sumilip.

Isang lalaki na putol ang magkabilang kamay at paa ang walang saplot na nakahiga sa bathtub. Nanghihina siya at parang wala sa sarili. Ang talukap ng kaniyang mga mata ay dilat na nakatahi sa kilay. Si Olive ang lalaking 'yon. Gusto ko mang bumaba para iligtas siya ay huli na ang lahat. Nagtama ang aming mga mata, doon nag-umpisa na siyang lumuha at umungol dahil sa sakit. Bumalik sa alaala ko ang mga saya at away namin sa nakaraan. Bumagal ang oras ng sandaling 'yon. Wala akong ibang magawa kung hindi ang takluban ang aking bibig para hindi makagawa ng anumang ingay.

Lumapit sa kaniya ang pitong babae, wala silang anumang suot sa katawan. Sabay-sabay silang nagdasal at ibinuhos sa bathtub ang ilang balde ng dugo, doon nagsimula silang humasin ang katawan ni Olive na namimilipit sa sakit. Ang malakas niyang sigaw ang paulit-ulit na pumapasok sa tenga ko na para akong pinapatay sa pangongosensya. Ano bang puwedeng kong gawin para sa'yo? Gusto kitang tulungan pero paano?

Pray for Us Sinners (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Where stories live. Discover now