+𝕶𝖆𝖙𝖔𝖗𝖘𝖊+

47 14 25
                                    

Makalipas ang ilang oras na pagsasayaw sa harap ng nagbabagang apoy, nahinto sila at lumuhod

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.




Makalipas ang ilang oras na pagsasayaw sa harap ng nagbabagang apoy, nahinto sila at lumuhod. Pumalibot sila sa anim na malalaking bato na kapwa magkakapatong. Tahimik silang nagdasal at itinaas ang kanilang mga palad. Pilit pa rin akong naghihintay ng pagkakataon para makalampas sa kanila ng hindi nila ako napapansin. Hinugot ni Eva ang isang matalim na kutsilyo mula sa kaniyang palda at iginuhit ito sa kaniyang palad, sunod na ipinasa sa kasunod hanggang sa umabot sa dulo. Ang pag-agos ng kanilang dugo ay sinalo ng kanilang mga dila.

Hindi pa nakakatayo ay isang lalaki mula sa kabilang direksyon ang nagmamadaling lumapit sa kanila at bumulong. Halata ang pagkagulantang sa mga ekspresyon nila, para bang nabunyag ang isang malaking sekreto. Sa iisang tono ay sabay silang umiyak, sabay na huminga, at sabay na nagdalamhati, sinundan ito ng pagpapatunog ng plawta. Parang sa pelukila na sabay-sabay ang bawat galaw.

Nagmadali silang umalis at naiwan lamang ang isang babae. Dama ko ang lungkot at pagkamuhi sa mukha niya. Lumuhod muli siya at nagdasal. Doon ako nakahanap ng tsansa na gumapang papasok sa imbakan. Nakapikit siyang bumubulong. Kapansin-pansin ang kaniyang pagluha. Hindi niya abot-tanaw ang aking pagpuslit kaya naman matagumpay kong napasok ang binabantayan niyang lugar.

Nabigla ako nang makita sa unang pagkakataon ang loob ng silid, hindi ko akalain na hindi lamang ito simpleng imbakan kung hindi ito na mismo ang lugar na pinagdarausan nila ng ritwal. Sa gitna ay isang entablado na may mga malalaking sementadong estatwa ng mga anghel. Napapalibutan ito ng mga bulaklak, kulay puti ang buong dingding at napakaraming drawing sa pader. Naroon si Alex, nakapako ang dalawang palad sa magkabilang kamay ng krus. Ang mga paa niya ay nakatali gamit ang matinik na sanga ng natuyong halaman. Dahan-dahan niyang iniangat ang kaniyang ulo at tumingin sa akin, umiiyak niyang sinambit ang mga salitang, "Manalangin ka."

Napaluhod na lamang ako sa takot dahil sa sinapit ni Alex. Mangatal-ngatal kong tinakluban ang aking bibig na nagbabadyang sumigaw. Ang pawisan niyang mukha at katawang naliligo sa sariling dugo.

"A- anong nangyari sa'yo?" bulong ko sa sarili ko.

Habang nakaluhod sa harapan niya ay nag-antanda ako at nagsimulang magdasal, hindi ko na alam kung ano pa ba ang dapat kong gawin. Muli kong tinanong ang aking sarili kung nasa reyalidad ba ako o laro lamang ito ng aking magulong utak?

"Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Espiritu, Santo -" Hindi ko natapos ang aking pagsasalita nang makita siyang tumunghay at ngumiti sa akin. May dumaloy na dugo mula sa kaniyang bibig at sa pagkakataong din 'yon ay tumugon siya, "Amen."

"Hindi ka na niya maililigtas, kanino ka ba na nanalangin? Sa Ama? Sa Anak? Sa Espiritu? Sa Santo? HAHAHAHAHA! Amen? Sa akin? Walang nakikinig sa'yo, walang ibang nakakarinig sa mga panalangin mo. Ako at ako lamang ang Diyos," pagpapatuloy niya. Ang malalim at nakakatakot niyang boses. Hindi siya si Alex, hindi siya ang kilala kong Alex. Hindi isa, dalawa o tatlo, ngunit apat na magkakaibang boses ang sabay-sabay na lumabas mula sa bibig niya at humalakhak sa harapan ko.

Pray for Us Sinners (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora