+𝕯𝖔𝖘+

295 32 55
                                    

Alas Tres ng hapon, habang namamahinga bago maghanda sa oras ng duty ay naalipungatan ako sa sunud-sunod na malalakas na sigawan mula sa kabilang silid

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

Alas Tres ng hapon, habang namamahinga bago maghanda sa oras ng duty ay naalipungatan ako sa sunud-sunod na malalakas na sigawan mula sa kabilang silid. Noong una'y hindi ko pinapansin ngunit paulit-ulit ito hanggang sa lumala na umabot sa puntong may nagbabasag na ng mga bote. Hindi ba nila alam na sementong dingding lamang ang pagitan ng mga unit dito sa Apartment? Ano ba 'yan, parang mga walang kapitbahay.

Nagtaklob ako ng unan sa ulo at pinilit na pumikit. Iidlip muna ako kahit sampung minuto, ibigay niyo na lang sa akin ang konting oras na 'to para makapagpahinga pa.

Tumahimik ang paligid, nawala ang sigawan at bangayan. Nakangiti kong ibinaba ang aking unan at huminga ng malalim. Ipinikit ko ang aking mga mata at ramdam ang kapayapaan na bumabalot sa buong kuwarto. Ilang minuto pa ang lumipas ay muling nagkabasagan ng bote sa kabila at maririnig muli ang mga sigawan. 

Ano bang trip ng mga ito?

Dahil sa inis ay walang pag-aatubili akong bumangon at nagtungo sa tapat ng kabilang unit. Malakas kong kinatok ang kanilang pintuan. Nahinto sila na parang walang nangyari, tumahimik ang paligid. Babalik na sana ako sa unit ko nang may marinig akong sabay-sabay na boses na naghalakhakan. Niloloko ba nila ako? Alam ba nilang nakakabala sila ng taong nagpapahinga?

Muli akong bumalik sa tapat ng pinto at kinatok ito, walang tumutugon.

"Ano 'yon?" tanong ng isang lalaki mula sa likuran.

Para akong pusang binusan ng tubig sa pagkabigla, "Ah, sir -" 

Hindi pa man ako nakakasagot ay nagbato muli siya ng tanong, "Anong kailangan mo?". Mababakas sa mukha niya ang pagkawalang gana na kausapin ako. Wala siyang ekspresyon, mukhang pagod na pagod ito mula sa trabaho. Bitbit niya ang isang bote ng alak at halos amoy sa bawat paghinga niya ang amoy ng alkohol at huli nitong ipinulutan, inihaw na isda.

"Medyo maingay po kasi, nababahala lang po ako na baka kung anong nangyayari sa loob."

"Maingay? Walang ibang tao sa unit ko kung hindi ang aking asawa, ngunit may sakit siya kaya malabong gumawa siya ng ingay."

"Hindi sir, marami pong tao sa loob. Nakakasigurado po akong may nag-aaway at nagbabasag ng mga gamit."

Umiling-iling siya at binuksan ang pintuan. Ipinakita niya mula sa labas ang maayos at tahimik niyang silid. Maayos ang pagkakapatas ng mga libro sa mesa at parang walang nangyari, walang mga basag na bote o anumang gamit ang nakalatag sa sahig. Naroon din ang kaniyang asawa, nakahiga sa folding bed, nakapikit ito at may swerong nakakabit sa kamay. 

"Hindi na nakakatayo ang asawa ko at walang ibang tao dito kung hindi kaming dalawa lamang. Kung hindi ka pa rin naniniwala ay mabuting tawagan mo ang nag-aasikaso sa buong apartment para tanungin kung sino ang nakatira sa katabi ng unit mo. Abala ka e, " inis niyang sambit.

Alam ko ang narinig ko pero nakapagtataka na walang ibang tao sa kabilang silid. Huminga na lamang ako ng malalim at hindi na sumagot. Naglakad ako pabalik ng aking unit at hindi pa tuluyang nakakahakbang papasok ay nagsalita ang lalaking kausap ko kanina.

Pray for Us Sinners (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin