+𝕾𝖎𝖊𝖙𝖊+

142 22 41
                                    

Isang mahabang mesa na puno ng masasarap na pagkain ang nasa labas ng bahay

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.

Isang mahabang mesa na puno ng masasarap na pagkain ang nasa labas ng bahay. Kung iistemahin ay aabot ng bente katao ang maaaring masalu-salo sa pagkain dahil sa haba at luwang ng mesa. May karne, isda, prutas, gulay, mga alak at sinunog na ulo ng kambing sa mesa. Nakapagtataka na sa dami ng mga nakahain ay limang upuan lamang ang naroon. Naupo kaming tatlo nina Ranz at Olive, pawang tatlong dipa ang layo sa isa't-isa. Ilang segundo pa ay napako ang atensyon namin sa tunog ng papalapit na sumasadsad na kadena. Sabay-sabay kaming lumingon at doon bumungad si Nanay Krising na akay-akay ni Eva. Nakakabit pa rin ang kadena nito sa kaniyang mga paa. Naupo siya sa dulo, sa gitnang dulo. May-isa pang upuan na natitira. Bumulong si Nanay kay Helen at dahil nga malayo ay hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila.

"Si Alex?" tanong ni Ranz.

"Sabi ni Eva, nagpapahinga pa daw kaya mauuna na tayong kumain," sagot ni Olive.

Ano ba talagang ginawa ninyo kay Alex?

Hindi pa rin ako mapalagay sa mga nangyayari. Ano ba talaga ang plano ninyo? Sino ba talaga kayo? O mas maganda sigurong itanong na ano ba talaga kayo?

Nagkatinginan kami ni Ranz matapos mapansin ang pagdating ng mga residente. Pumalibot sila sa amin, may mga dalang bulaklak at pawang pinapanood ang paraan namin nang pagkain.

"Anong meron?" nagtatakang tanong ni Olive.

Walang sumasagot at nakatitig lamang silang lahat.

Tatayo na sana si Olive dahil sa inis ngunit mabilis siyang nilapitan ni Eva at puwersahang  pinaupo. Nang makaupo ay napatingin ako kay Helen at marahan siyang tumango, indikasyon na sumunod na lamang kami.

"Simulan mo na ang pagdadasal," utos ni Nanay Krising kay Helen.

Lumapit si Helen sa mesa at itinaas ang isang mangkok na naglalaman ng pulang tubig. Ang nakakasilaw na pagtama ng sinag ng araw sa mangkok ay unti-unting nawala ng magsimula nang umindak ang dalaga sa kasabay ang pag-ihip ng hangin. Napakatahimik ng paligid at tanging ang mahinang chant lamang na ginagawa ni Helen ang maririnig.Ilang minuto pa ay huminto siya at sinambit ang mga salitang, "Salamat sa biyaya".

"Weird," bulong ko.

Doon pa lamang nagsimulang kumain si Nanay Krising.Matapos kong kumagat sa karneng nakahain ay malakas na palakpakan ang maririnig mula sa mga manonood. Nakapagtataka ang ugali nila. Tumatawang tumingin sa akin si Ranz at ininom ang baso ng tubig na nasa harapan niya, doon muling nagpalakpakan ang mga tao. Ramdam na ramdam ko ang galak sa mga mata ni Ranz at Olive, lalo pa nilang dinadamihan ang pagkain para marinig ang palakpakan ng mga tao. Parang ginawa pang biro at katatawanan ng dalawa ang kultura ng taga isla.

Muli akong nakaramdam ng takot dahil sa hindi normal na kaugaliang ito.

"Nasaan na ba kasi si Alex? Ano ba siya? Prinsesa?" naiinis kong tanong.

Walang sumasagot sa akin at ang lahat ay abala sa pagkain.

Nang matapos kumain ay nagtawanan ang mga tao sa paligid namin, parang mga nasisiraan ng bait. Muling inakay ni Eva si Nanay Krising papasok sa loob ng bahay. Doon isa-isa na ring umalis ang mga manonood. Naiwan na lamang kaming tatlo sa labas.

Pray for Us Sinners (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ