+𝕹𝖚𝖊𝖛𝖊+

99 12 40
                                    

"Kailangan kong makalabas dito, nasaan na ba ako? Damn it, nasaan na ba ang mga kasama ko? Nasa panganib kaming lahat

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Kailangan kong makalabas dito, nasaan na ba ako? Damn it, nasaan na ba ang mga kasama ko? Nasa panganib kaming lahat." Dala ang lampara ay binaybay ko ang bawat sulok ng silid at pilit na hinahanap ang daan palabas.

"ALEX? OLIVE! NARITO AKO! MHIA?!" pagsigaw ko. Walang ibang tumutugon sa panawagan ko kung hindi ang echo ng bawat aking sabihin. 

Alam kong may lagusan dito para makalabas, kailangan ko lamang hanapin. O baka naman panaginip lang din ito? Ipinikit ko ang aking mga mata at nagbilang ng hanggang sampu bago muling iminulat ang mga ito. Narito pa rin ako, walang nangyari.  Kinagat ko ang aking daliri upang magising pero ito ang reyalidad. Ang mapait na reyalidad. Nararamdaman ko ang lahat, hindi ito ilusyon. 

Sa patuloy kong pagkapa sa dingding ay napansin ko ang mga stick figures na nakadrawing dito. Nakapagtataka pero napukaw ang atensyon ko sa napakalaking sulat sa itaas na parte ng mga guhit, "Feast of Lady Muerte, the Ceremony for Vrag". Kamangha-mangha ang pagkadetalyado ng bawat pigura. Nakapangingilabot ang bawat imahe, ito na ba ang sagot sa lahat?

Ano bang sekreto ang tinatago ng Isla Muerte? 

Hindi ko maialis ang tingin ko sa mga larawan. Parang may malalim itong ibigsabihin. Para akong hinahatak na alamin ang mas malalim na pakahulugan nito. 

Una, isang stick figure ng lalaki na may kasamang limang babae at ang isa sa mga ito ay kahalikan niya. Mula sa larawan ay makikita rin na may nakayapos sa kaniyang buntis mula sa likuran. Inilapit ko pa ang aking mukha sa dingding para mabasa ng maayos ang nakasulat, "El proveedor". 

Ikalawa, ang pigura ng isang babaeng nakaluhod sa isang madamong lugar, mukhang palayan o bukid, hindi ko alam. Nakaluhod siya sa tapat ng malaking krus na para bang nagdadasal.Sunod dito ay babaeng nasa loob ng kabaong na sulong ng mga tao, nakadilat ang mga mata nito, indikasyon na buhay itong ililibing. May kambing sa ibabaw ng kabaong niya, "La Cabra".

El Proveedor? La Cabra? "The Provider" and "The Goat"?

Bukod sa mga larawang ito ay makikita rin ang guhit ng isang lalaking may sungay at nakangiti, ang demonyo. May dugong nakamarka dito at ilang mga bituin. Sa ilalim nito ay isang tao na may tatlong mata, nakaluhod siya sa demonyo at may hawak na palayok, simbolo na may iniaalay.  Bukod dito makikita rin na nagtatalik silang dalawa, magkahalikan at pawang nagsanib ang mga katawan. Sa huli, nawala ang demonyo ngunit kapansin-pansin ang pagkakaroon ng sungay ng babae. Sa kaliwa naman ay isang pugot na ulo, dito naputol ang serye ng pigura tungkol sa babaeng may tatlong mata. Hindi na maaninaw ang ilang mga larawan. Sinundan ko ang pinanggagalingan ng mga ilustrasyon ngunit naputol ito sa isang sulok. Burado ang mga sumunod na parte, nababakas mula sa dingding ang binurang chalk at nagkayat na natuyong dugo. 

Inilapit ko pa ng husto ang aking mukha sa dingding at kinapa ang bawat ukit dito, nagbabakasakaling mababasa ang mga napawing letra. Bukod sa espanyol at englis na nakaukit, napakaraming ekis na simbolo ang nakapinta sa pader.

Pray for Us Sinners (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Where stories live. Discover now