Chapter 2

222 13 0
                                    

It is 9 am in the morning already, and I don't have a plan to go to work. Dahil na rin sa kabastusang ginawa ko kahapon sa harap ng mga board.

Kanina pa tawag ng tawag si Alexandra pero hindi ko ito sinasagot. Instead, pinatayan ko ito at nagtext na hindi papasok dahil may sakit ako.

Lumabas ako sa aking kwarto para maghanap ng pagkain sa kusina. Nadatnan ko naman doon ang mga kasambahay na nag-lilinis.

"Venice, nak. Gusto kayo raw  makausap ng iyong Mama sa telepono." saad ni Manang Eli

"Can I po?" nang maabot na saakin ni Manang ang telepono ay ngumiti nalang siya at iniwan ako.

"Yes, Mom? What is it?" paunang sabi ko sa kabilang linya

"Where are you? Kanina ka pa raw hindi makontak ni Alexandra!" Galit na tanong ni Mom

"I'm not going to work for today, I'm  going to visit RJ in Bulacan." Alibi ko.

"Okay. Magiingat ka Venice Samantha, paki-kumusta nalang ako kay Helena ha!" Tita helena is RJ 's Mom. My childhood friend.

"No worries. Gotta go!" Pinatay ko na ang tawag ng mag-bye na rin si Mom. Bumangon ako sa pagkakahiga at nagtungo sa banyo.

Pagkatapos kong magmake up ay bumaba na ako at kinuha ang susi ng sasakyan, pupunta akong bulacan.

Mahigit dalawang oras ang itinagal ng byahe ko dahil galing pa ako sa Pampanga. Gaya ng alibi ko, binisita ko si RJ at nakipagkwentuhan kay Tita Helena.


"Hey, Jas! Kumusta na kayo?"

"Ate Venice! OMG! Ang ganda-ganda mo!" Salubong sa akin ni Jas, kapatid ni RJ

"Thank you by the way, where is your kuya?"

"Nasa taas po, tara pasok ate!"

"MAMA! MAY BISITA KA!" nakakabinging sigaw ni Jas.

"Sino? Paupuin mo muna 'nak!" Agad naman akong hinatak ni Jas at sabay na naupo sa malambot nilang sofa.

Ilang minuto lamang ay lumabas na si Tita mula sa kanilang dirty kitchen. Nakasuot pa ito ng makakapal na gloves at pulang apron.

"Venice! Anak kumusta kana!?" Nanlalaking mata na bati saakin ni Tita.

"Hi Tita, maayos naman po. Kayo po kamusta na?" Nakangiting sagot ko

"Maayos naman rin kami 'nak, ay teka lang. Matawag ko muna si Arjeng ha."

"Opo, sige po." Naupo lang ako roon sa sala nila at nilibot ang tingin sa napakalaki nilang bahay. May tatlong palapag ito at may anim na kwarto sa kabuuan.

Wala na sa tabi ko si Jasmine dahil pumunta sa kusina para kumuha ng inumin.

"Hoy panget! Anong ginagawa mo dito!?"

"Arjeng!" lumakad ako papalapit sakanya at sinalubong ako ng yakap

"Namiss kita panget!" Sinamaan ko naman ito ng tingin dahil sa sinabi

"Hoy, anong panget!? Ang ganda ko kaya." Sabi ko at inikot pa ang mata 

"Okay, pikon na naman siya! HAHAHAHAHA" tatawa pa ang siraulo kaya binatukan ko malakas!

Aba hindi tayo talo!

"Oy masakit yun ah!" Gaganti rin sana siya ng tawagin kami ni tita.

"Mamaya na 'yan! Halika kayo kumain na tayo! May binake rin akong Mocha Cake, favorite niyong dalawa!" lakad - takbo kami ni Arjeng nang marinig ang Mokha Cake.

Bata palang kami ay mahilig na kami sa matamis at lasang kape na keyk. 'Yan ang madalas na pag-awayan namin sa school cafeteria noon dahil palagi kaming nauubusan o 'di kaya ay palaging binibili ni arjeng ang isang buo at hindi ako bibigyan.

Nagprisinta naman akong maghugas ng plato pagkatapos naming kumain. Habang si Jasmine ay nagwawalis, si Arjeng naman ay bumalik kwarto niya.

"Ate Ven, may gagawin kaba ngayong hapon?" Biglang sabi ni Jas. Hindi ko ito napansin na nakalapit kaya medyo nagulat ako.

"Wala naman, Jas. Bakit?"

"Pwede mo ba ako samahan ate?" Tanong uli nito

"Saan naman? Sige!" pagpayag ko

"Sa VistaMall, may bibilhin lang ako. May sasakyan ka bang dala o gusto mong magcommute tayo?"

"Dala ko yung kotse ko." Tumango nalang siya at inilagay na ang walis at dustpan sa tamang lagayan.

"Liligo lang ako ate ha, sandali lang!" Nagtatakbong sabi nito.

Natawa ako ng bahagya dahil may kakulitan ito. Ano kaya ang feeling na may kapatid? Ako kasi nagkaroon ako pero nawala naman at hanggang ngayon ay sinisisi ko parin ang sarili ko dahil sa kapabayaang nagawa ko.

'Kung hindi ka lang sana nawala saamin noon, baby vanessa naalagaan ka pa ni ate..'

Itinigil ko nalang ang pag-alala sa mga mapait na nakaraan at itinuloy ang paghuhugas sa mga natirang pinggan.

Ilang saglit pa ay bumaba na rin si Jas, kasama si Arjeng. Pareho rin silang handa ng umalis kaya binilisan ko at natapos rin agad.

"Tara na, Jas? Bakit pala bihis na bihis ka rin Arjeng? tanong ko habang nagpupunas ng kamay.

"Sama ako! Aba hindi pupwedeng walang kasama 'yang si Jasmine!" Tinanguan ko nalang siya sa dami niyang ebas at pumasok na sa loob ng  kotse ko.

"Let's go na Ate and Kuya!"

Chasing The HeirWhere stories live. Discover now