Chapter 38

62 10 0
                                    

Stell's POV

Bago matapos ang araw ay inimbitahan ako at ng grupo ni Miss Ven na kumain sa labas. Treat niya raw iyon sa lahat dahil naging successful ang day one.

Nagising ako sa pagkakatulog dahil ang likot ni Ken. Lumapit ako kay Kuya Roel at sinabi na dumaan muna kami sa restaurant na sinabi ni Venice kanina nung ka-chat ko siya.

Tumango si Kuya kaya bumalik na ako ulit sa pwesto ko pero kamalasmalasan nga naman! Humiga ang Felip Jhon sa upuan! Sa huli ay naglapag nalang ako.








"Josh, Jah! Gising!" Panggising ko sa dalawa. Naunang magmulat si Justin habang si Josh ay mahimbing pa ang tulog

"Hoy, Paulo! Ken! Gising!" Gising ko pa sa dalawa! Hirap gisingin nakakainis!

"Nandito na tayo bumangon na kayo dyan! Huy!" Yugyug ni Kuya Roel kay Josh. Tinawagan ko kasi ito at pinakiusapan na tulungan akong gisingin ang apat.

Bakit apat 'di ba dapat tatlo lang? Ilang segundo pa ang lumipas nunh gisingin ko si Jah e,  natulog ulit!

"Hay! Salamat gising na kayo!" Stress na sabi ko. Nakahawak pa sa noo ang isa kong kamay habang ang isa ay nasa bewang ko.




"Grande naman dito!"

"Pang-sosyal hahaha!"

"Gagi kuhanan mo nga ako dito Jah!"

"Bakit nandito tayo?"

Side comment ng mga kasama ko.

"Inimbita tayo ni Miss Venice, kakain raw tayo dito!" Sagot ko. Kita sa mga mukha nila gulat

"Bat ngayon mo lang sinabi?"

"Paano ko sasabihin e tulog kayo! tangek! Kung bilisan niyo kaya dyan para hindi natin paghintayin masyado!" Wika ko sa inis na tono.

Kanina pa yun naghihintay panigurado!

Habang papalapit kami ng papalapit sa kanya, eto na naman ang weird feelings na nararamdaman ko!

Malakas na tibok ng puso, kinakabahan, pinagpapawisan at hindi makatingin sa mga mata niya.

"Have a seat guys! I ordered food na so you don't have to worry." Shit. That genuine smile. Nahahawa tuloy ako sa ngiti niya!

"Hey! You okay Stell?" Worried na tanong niya. Tumango lang ako tsaka tumingin sa mga dishes na isiniserve.

Nagbuhos siya ng red wine sa bawat baso at sabay-sabay namin itong itinaas.

"Congratulations to us!" sigaw ni direk!

"For the successful of Day one! Cheers!" saad ni venice

"Cheers!" Sigaw ng lahat kasabay ng mga tunog ng baso.

Ngayon ko lang napansin na kami-kami lang ang nandito. Kaya pala pagpasok namin walang nagpapicture hahaha.

Nasa seperate tables kaming lahat. Mayroong table para sa mga crew, staffs at artists. 







"Tara, labas tayo! I want to say something." Aya niya.

Tumingin ako kay Pau at tumango naman siya. May maliit na ngiti sa labi.

"Anong sasabihin mo Miss Venice?" Tanong ko noong makalabas kami.

"I want you," pambibitin niya sa sinasabi niya. Bigla namang naginit ang mukha ko kaya medyo tumalikod ako.

Natatawa naman siyang bumulong. Hindi ko rinig yung iba pa niyang sinabi pero isa ang malinaw.

'tsk. dirty mind hahaha.'

"I want you to stop calling me Miss Venice. I want you to call me by my name. Okay? Alsoo, pakilinis rin yang brain mo! Hahahaha!" Natatawang saad niya sa dulo.

Ang init na naramdaman ko kanina ay napalitan ng hiya. Jusko!

"Sure, hahaha. Venice." Sabi ko nang makabawi na sa sitwasyon.

Tumingin kami sa dagat at umupo sa swing. May ganoon pala rito! Restaurant na may beach resort pa!

"Halika picture tayo!" Tumayo siya at inabot ang kamay ko.

"Tara! Ay kaso san mo ilalagay yung phone mo?" Nagaalinlangang tanong ko.

Sinagot niya lang ako ng ngiti at itinuro ang katamtamang laki ng bato na nasa likod namin.

Isinet niya roon ang photo niya at may hawak siyang maliit camera shutter remote.

"Balik tayo sa swing!" Hinila niya ako at naupo muli

"Eh? Sandali paano yung phone mo? Baka mawala 'yun!"

"Hindi, ako bahala. Game na, stay ka lang dyan!" nagtama ang paningin namin pero agad siyang umiwas. itinuon ang tingin sa karagatan.

"Okay. Ikaw bahala." saad ko habang nakatingin sakanya.

Sobrang ganda ng tanawin, lalo na ng kasama ko. Nagnining-ning siya sa ganda.

Chasing The HeirWhere stories live. Discover now