Chapter 52

58 11 0
                                    

Venice's POV

Pagkatapos kong magbulagbulagan sa pagmamahal na hindi ko naman yata deserve ay umalis ako ng bansa.

Sinundan pa ako ng mga kaibigan ko hanggang sa Amerika. Ganon nila ako kamahal.

Kaya ngayon pagbalik kong muli sa bansang itinuring na pangalawang bayan ay hindi ako muling iibig pa.

May branch doon ang vsd company kaya doon na'ko magsstay for good. Nagkaayos na rin kami ng magulang ko. Pagkatapos nang insidenteng iyon...

Ngayon ay kakatapos lang namin mamili ng mga gamit ni baby. Sa aming apat may buntis na saamin.

Pagkalabas namin sa Mall ay tinawagan ko agad ang driver ko para masundo na kami.

"Antagal naman. Arghhh!" Nakabusangot na sabi ni Ariana.

"Omg, inaantok ako ano ba 'yan!" Sabat naman ni Ate Natasha.

"Antagal niya ah!?" Singit naman ni Sophia

Bat ba kasi sinama ko 'tong mga reklamadora na 'to!? Joke lang mahal ko parin sila.

Nang masundo na kami ay kanya-kanyang pahinga sila dito sa bahay ko.

Oo bahay ko! Pero mas mukhang bahay nila 'no? Feel at home na feel at home! Okay lang naman din para sakin.

Buti nalang at sa mga susunod na araw ay pupunta rin dito ang mga Asawa nila kaya maiiwan ako.

Hmm, tama kayo ng nabasa. May mga asawa na yang mga yan. Buti nga may bumihag ng puso nila e.

Si ate Natasha kasal na last year sa bandmate ni Rj na si Kuya Carl. Si Sophia naman Engaged na noong last year pa sa long-time boyfriend niya na itinago niya samin! Si ate Ariana naman, ikakasal na next next week at may munting anghel na rin sa sinapupunan.

Oh diba? Inuna muna ang bata kesa sa kasal! 'Wag kayong gagaya sa ate ariana kong maharot! Bad yun!

"Venice! Wala ka bang strawberry cake dyan? Gutom ako!" Nakangusong sabi ni Ate Ariana. Hays takaw talaga! Kanina pa yan naghahanap ng matamis!

"Wala ate e, tara bili tayo! Bihis kana!" Sagot ko nalang para hindi umiyak

"Sige sige! Saglit lang ha!" Nangliwanag naman ang kaniyang mukha sa sinabi ko.

Pumunta kami sa isang nearby Cafe dito at umorder ng strawberry cake. Nagtake out pa ako ng isa para sa mga ate na nasa bahay.

"Yay! Thank you, Venven!" Ayan na naman po sa nickname na yan

"Kain mabuti ate ha. Dahan dahan, matamis 'yan!" Tumango nalang siya at inumpisang kainin ang cake

Nung matapos kami ay naghanap pa nang langka itong kasama ko! Hays san kami hahanap no'n?

"Pst. Bili tayo langka!" Pagpapacute ni Ate Ariana

"Sige, tara." Sagot ko naman

Kung saan-saang Mall pa kami naghanap para lang hindi umiyak 'tong buntis na 'to! Nang wala kaming mahanap ay dumiretso uwi na kami.

Ang totoo nyan, hindi ka makakahanap ng langka dito sa Amerika. Sa mga Asian Countries lang tulad ng Pilipinas tumutubo ang mga Jackfruit o Langka.

Kung meron man dito sa US doon pa sa Hawaii o South Florida.

Chasing The HeirWhere stories live. Discover now