Chapter 46

63 10 0
                                    

Stell's POV

earlier

"Venice, pwede ba kitang ligawan?" Nanginginig na tanong ko habang nasa loob kami ng kotse.

Ramdam ko ang tingin niya habang nagmamaneho ako. Gulat at hindi alam ang isasagot sa tanong.

"Take your time, hindi mo naman ako kailangan bigyan ng sagot. Hindi kita minamadali." Dagdag ko pa.

Buong byahe ay tahimik kaming dalawa. Walang nangahas na putulin ito.

Nasa tapat na kami ng bahay nila noong may sinabi siya.

"Regarding sa question mo kanina.. Yes, Stell. Good night!" Pagkasabi niya no'n ay tumakbo na siya papasok.

Napangiti ako ng malaki. Alam kong sobrang bilis lang ko lang. Pero wala, mahal ko e.

Gagawin ko lahat para mapasaya siya.

























After 6 months of courting...








Venice's POV

"Ready na ang cake! Ikaw maligo kana!" Sabi ni Ate Nat.

Kasama ko ang tatlo ngayon dahil may biglaang ganap. Pinapapunta ko rin ang mga kaibigan ni Stell para makicelebrate.

Naghahanda kami sa isang surprise party para kay Stell, ngayong araw din na sasagutin ko na siya.

Walang araw o gabi na hindi siya naging masuyo, araw-araw pinapasaya niya ako, pinapatawa. Husband material. Lahat.

Nasa kaniya na ang lahat!

After kong maligo at mag-ayos ay nadatnan ko silang medyo aligaga.

"Nasa lobby na raw si Stell." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Ken.

Agad kong kinuha ang box ng cake na nakalagay sa ref at hinawakan. Pinatay na rin ni Justin ang ilaw ng condo ko.

Ilang sandali pa ay may nagbukas ng pinto.

"Ang dilim naman dito.." sabi ni stell. Isinindi pa ang flashlight ng phone para makita ang switch ng ilaw.

"Surprise!" sigaw nilang lahat.

Agad na lumapit saakin si Stell at yinakap ako.

"Anong ginagawa nilang lahat dito? 'Di ko naman birthday e! Akala ko tayo lang" Nakangusong reklamo niya.

"Haha don't be sad na Mahal." Malawak na ngiti kong saad.

"Ano wait? Tinawag mo akong Mahal?" Tanong nito.

"Open the cake and you'll find answers."

Gaya ng sabi ko, inopen niya ang cake. Nagtatatalon pa sa tuwa habang kami ay tumatawa lang.

Ang nakasulat kasi sa cake ay "mahal na mahal kita, Stell."

Chasing The HeirWhere stories live. Discover now