Chapter 23

69 10 0
                                    

Stell's POV

Kinabahan ako nung may biglang pumasok na babae at may nakakatakot na tingin.

Siya rin ang nakita ko noong Mall Show. Yung simpleng dalaga. Tadhana nga naman, ipinagtagpo pa kami rito. Nalaman ko rin na siya ang CEO ng VSD Corp. Nagulat ako at alam kong gayun din ang mga kasama ko.

Skin Care ang mga irereleased na products kaya natuwa ako. As an skin care guru masaya ako na malaman na mahilig rin pala sa skin care si Miss Williams charot lang hindi ako guru ng skin care.

Feb. 23. That's the date kung kelan kami magpphotoshoot. May kasama pa kaming isang girl na model kaso baka hindi raw sumulpot 'yon kaya nagpresinta nalang si Miss Samantha na kami nalang ang kasama niya.

"Former Model pala si Miss Samantha kaya matangkad." Sabi ni Justin habang naglalakad kami papunta sa labas ng building.

May pa-welcome party raw kasi para saamin. Kung saan bubuhusan kami ng malamig na tubig.

"Its gonna be fun!" biglang wika ni ken nung dumating yung bumbero ng truck na magbubuhos ng tubig sa'min.

"Kinakabahan nako! HAHAHA!" saad ni Josh. Natawa nalang ako sa mga reaksyon nila. Kahit ako ay ganun rin.

Napasigaw kaming lahat dahil sa lamig ng tubig! Sobrang lamig! Buti nalang at binigyan nila kami agad ng towel para hindi kami ginawin.

Pagkatapos kaming masabuyan ng tubig ay nagsimula na ang totoong party.

Noong lumabas ako sa may parking lot. Nakita ko pang may sinindi siyang sigarilyo. Lasing na siya at may tama na kaya inupos ko ang yosi at tinawagan si RJ. Magkakilala pala sila.

Kaibigan ko si RJ kaya kilala ko siya, napasarap ang kwentuhan namin doon sa parking lot kaya nakatulog si Venice sa kotse niya.

Nung naka-alis sila ay pumasok na ulit ako sa room na pinagsstayan namin

"Oh? San ka galing Stell?" Tanong ni Pau

"Sa parking lot. Nakita ko don si Miss Williams kaya ipinahatid ko na kay RJ." sagot ko. nilingon naman kami ni Jah nung tawagin siya ni Pau.

"Sabihan mo na yung dalawa na aalis na tayo! Magpapaalam lang ako sakanila!" Tumango kami ni Justin sa sinabi ni Pau at naupo nalang ako sa sofa na naroon.

Pagbalik ni Pau ay nandoon na rin ang tatlo, papunta sa inuupuan ko.

"Tara na! Let's call this a day!" Josh said.

Tahimik lang ako sa likod ng sasakyan at walang kibo. Siguro dahil sa pagod ay hindi ko na magawang mangulit sa apat.

Humilata ako sa kama nung nakarating na kami sa kanya-kanyang condo. Hays, bukas ko na gagawin lahat ng dapat gawin! Inaantok na ako. 

Chasing The HeirМесто, где живут истории. Откройте их для себя