Special Chapter

82 9 25
                                    

-

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-

Samantha's POV

Pagkagising ko ay agad akong bumangon upang uminom. Nagpunta kaagad ako sa kusina dahil nagugutom na ako.

Tinanghali na naman ako ng gising.

Wala ring tao sa bahay kundi ako lang. Marahil ay naka-alis na si Stell papunta sa trabaho niya. Si Manang naman ay baka pauwi na galing mamalengke

May kung anong naramdaman ako bigla kaya't minabuti ko munang magstay ng kaunti sa kusina.

Kaagad akong pumunta sa banyo na malapit sa kusina at doon sumuka.
Mabuti nalang at lumapit si Manang at siya ang humagod sa aking likod. Medyo nahihilo na naman ako.

Pagkatapos ay nilinis ko kaagad yung sinukahan ko at nagmugmog. Nang makalabas ako ay nakita kong nakatingin saakin ng diretso si Manang Ofelia. Ang nagiisang kasambahay namin.

"Ayos kana ba Hija?" Tanong nito. Tango nalang ang naisagot ko dahil hilong-hilo parin ako.

Nitong mga nakaraang araw ay palagi akong nahihilo at nasusuka. Hindi ako sigurado kung may sakit ba ako o buntis ako? Hindi imposible dahil ilang araw ng delay ang period ko.

"Manang Ofelia pwede ho pang makisuyo?" Nakita ko naman na tumango-tango ang matanda at ngumiti.

"Oo naman, Anak. Ano ba iyon?" saad niya. Binulungan ko itong bilhan ako ng pregnancy tests sa malapit na pharmacy dito sa village.

Nahihiya kasi akong isiwalat ng malakas. Kinakabahan ako.

Pagka-uwi ni Manang ay kaagad niyang ibinigay ang supot na may lamang pt. Nagpaalam rin siya na magluluto muna para sa tanghalian namin. Sabagay 10 am na.

Sinigurado ko munang nakasarado ang kwarto namin bago ako pumunta sa banyo, hawak ang PT na ipinasuyo kong bilhin kay Manang kanina.

Inalis ko ang lalagyan at basta-basta nalang inilagay sa sink. Kinuha ko lang ang mga pregnancy test.

Dalawa ang ipinabili ko para makasigurado.

Sinunod ko lang ang nakalagay sa instructions kung paano ba iyon gagamitin. Pagkatapos ay papatakan ko lang ng urine. Ang nakalagay sa instructions ay kapag isang guhit ang nakalagay means negative. Kapag dalawa naman, positive.

Napatingin ako sa repleksyon ng sarili ko sa salamin. Hindi ko alam ang magiging reaksyon, may bahagi sa utak ko na gustong magpositive iyon pero may bahagi rin sa utak ko na sana negative.

"Mahal! Nasaan ka?" Rinig kong sigaw ni Stell sa kwarto namin.

"Wait! Mahal nasa banyo lang ako sandali!" Sagot ko pabalik. Hindi ako mapakali nang lumabas ako.

Tinago ko ang pt sa bulsa ng suot kong panjama. Halata sakanya ang pag-aalala kaya't niyakap niya ako ng mahigpit.

"Ayos ka lang ba? Hmm?" Saad nito sa malambing na tono.

Chasing The HeirWhere stories live. Discover now