Chapter 31

78 11 0
                                    

Stell's POV

Saturday. Boring at walang magawa. Yan ang unang pumasok sa utak ko habang nagluluto ng brunch. Tinanghali na kasi ako nagising dahil late na akong nakauwi galing sa practice namin kahapon.

Nag-aya ako mag-mall nung maghapon na. Naligo kaagad ako at umalis na kaagad. Kikitain ko sila sa harap ng Mall.

2pm palang naman at mahaba-haba pa ang araw. Habang nasa naglalakad kami ng mga tropa ko ay may nakita akong familiar na babae. Nakatayo siya sa labas ng department store at mukhang may hinihintay.

Nakita kong lumabas si Venice doon at kinausap yung babae. Lalapitan ko sana sila para iaproach kaso nahihiya ako.

"Oy dre? Ayos kalang?" Tanong ni Josh.

"Oo naman! Ba't hindi? Hahaha Tara na!" Nakita ko naman silang sumunod kaya ipinagsawalang bahala ko na ang nakita ko kanina.

Inaya ko sila sa arcade dahil wala lang. Gusto ko lang pumasok at maglaro.


"Stell samahan mo si Ken, maghanap kayo ng makakainan. nagugutom na raw sila. May bibilhin lang kami" tumango nalang ako kay Josh at inakbayan ang kasama. 

"tara let's go stell!" wika ni Ken. sabay kaming naglakad hanggang sa may makita na kami. konti lang ang mga tao roon at tahimik, bilang lang yata sa kamay ang mga tao e. 

"Tawagin ko lang sina Pau, hanap ka nang mauupuan sa loob Ken." tinawagan ko si pau para ipaalam na may nakita na kaming makakainan. ala-una na pala sakto, kaya paniguradong gutom na gutom na silang apat. 

hinintay ko munang makarating sina josh bago pumasok. 

pagpasok namin ay sobrang ganda napaka-linis rin ng lugar.  nakita ko naman doon si Ken sa isang upuan, nagpphone at mukhang hinihintay

Kumain na kami agad pagtapos maserve ng mga dishes. Muntik pa akong mabulunan nung may kumanta ng happy birthday sa isang table.

"'Di ba si Miss Samantha 'yon? Woah what a coincidence!" Wika ni Justin kaya nalingon rin sina Paulo sa gawi nila.

Nagkwentuhan pa kami ni Ken tungkol sa mga anime hanggang sa parking lot.

Naghahanda na kaming umalis noong may kumatok sa bintana ng van.

"Hello, SB19! Saw you here. What a coincidence, btw, the photoshoot will start this monday." Si Miss Venice na may kasama pang tatlong babae. I guess mga kaibigan niya?

Bumaba si Pablo para kausapin si Venice at nandoon lang kami sa loob nakikinig.

Bigla akong natulala nung hawakan niya ang kamay ko. Ramdam ko rin ang pamumula ng pisngi ko.

"Kuya Stell bat ka namumula?" Curios na tanong ni Jah.

"Oo nga noh? Anyari sa'yo Stell?" wika pa ni Pau.

"Wala wala. Tara na! Baka hinahanap na ako ni Mama" agarang sagot ko.

"Uuwi ka sa Las Piñas?" Bulong ni Ken

"Hindi."

"Oh bakit mo sinabing hinahanap ka na panigurado ni Tita?" nanliit pa ang mga mata nito, hinuhuli ako.

"Tatawag 'yon panigurado!" kunot noong sagot ko

"Bat ka muna galit? Hahaha nagtatanong lang e!" Tumatawang asar ni Ken.

Tahimik lang ako habang pauwi kami, habang si Ken ay inaasar parin ako. Sinabihan ko siya na wag tumawa ng malakas dahil natutulog si Josh.

Unang ihahatid si Justin pagkatapos ay si Josh. Sabay-sabay naman kaming tatlo dahil magkakapit-bahay lang kami.

Agad akong nahiga sa kama nang dumating ako sa condo. Balak kong magtiktok live mamaya pero sa ngayon matutulog muna ako!


A/N: happy 2k reads ! thank ü sm ♡

Chasing The HeirNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ