Chapter 17

91 11 0
                                    

Venice's POV

"Señorita! May naghahanap po sa inyo." Katok ni Yaya. Pinagbuksan ko naman ito at tinanguan

Kinuha ko ang bag ko sa may kama at nauna nang bumaba sakanya.

"Jas! Arjeng! Tara na ba?" Ngiting bati ko sa magkuya.

"Sige po Ate tara na! Excited na'ko!" Tumatalon-talon na sagot ni Jas.

"Pwede ba nating daanan yung kaibigan ko? Si sophia, kilala mo naman siya 'di ba arjeng?" Biglang tanong ko habang palabas kami ng village

Nagchat kasi siya kanina at wala raw kasama. Pupunta rin sa Mall show.

"Sige ba, anong address?" Nangiti ako ganun rin si Jas sa likod.

"Ate Ven, a'tin rin po ba si Ate Sophia?"

"A'tin? Ano 'yon, bebe?" Curios na tanong ko

"Ahm, yung A'tin po ay fandom name ng SB19." Ah okay. Interesting.





"Andito na tayo sa address ni Sophia." Wika ni Rj.

Tinawagan ko naman si Sophia via phone call para sabihin na nasa labas na kami ng bahay nila.

Ilang minuto pa ay lumabas na ito dala-dala ang isang malaking tote bag na punong-puno ng merch yata. May apat na mahahabang foam lightsticks pa.

"Ano yan sis? Lalayas kana ba?" Natatawang tanong ko. Bumaba naman si Arjeng para tulungan siya sa mga dala niya.

"Hi po, my name is Jas!" Pagpapakilala ni Jas nung makapasok siya sa kotse.

"Hello Jas! Balita ko a'tin ka rin daw? Mukhang magkakasundo tayo baby girl!" Tili naman ni Sophia.

Habang nasa byahe kami ay ang kukulit at super ingay nila!





"We're here. Baba na kayo." saad ni rj hinintay ko muna siyang bumaba at sumabay sakanya.

Hawak-kamay kaming naglalakad at normal na sa'min 'yon, kaya minsa'y napagkakamalan nilang magjowa kami.

Kumportable lang ako kapag hawak ang kamay niya.

"Tara na Ven! Magregister na tayo!" Ayoko sana pero huli na ang lahat. Nahila na ako ni Sophia.

Tumingin muna ako kay Rj na nakangiti at tumango kaya nagpahila na ako ng tuluyan.

"Ano ba 'yan ang dami ng tao!"

"Oo nga ih, baka nandyan na ang boys!"

"Tama na nga kayong dalawa dyan, tayo na sunod!" Pigil ko sakanila.

Buti nalang at walang masyadong trabaho sa opisina kaya nakasama ako sakanila. Nagpaalam rin ako kina Daddy at laking pasalamat ko nang pinayagan nila ako.

"Sa may gitna tayo ate Soph! Tara na ate Sam andoon na si Kuya." Wika ni Jas. Hinila na naman niya ako habang si Sophia ay tumatawa

"Upo kana Ven, mangawit ka dyan." Sabi ni Rj. Dahil masunurin ako umupo ako sa tabi nito at inihiling ang ulo sa balikat nito.

'Di naman siya nagreklamo


Isang oras ang nakalipas ay nagsimula na ang Mall show. Inferness, magagaling sila.

Sobrang ingay na rin ulit ng dalawa. Nagsisigawan ang lahat ng tao sa Mall.

May limang naggwapuhan sa stage ngayon at nagpeperform, yung nakablue suit naman na mataas ang boses kung kumanta ang nakakuha ng atensyon ko. Pati yung kulay pula ang buhok.

Pagkatapos ng Mall show ay napagpasyahan naming kumain muna bago kami umuwi.

Chasing The HeirWhere stories live. Discover now