Chapter 37

70 12 0
                                    

Justin's POV

Habang naguusap sina Kuya Stell at Miss Venice ay nakita kong naiilang sila pareho. Namumula pa ang pisngi ni Miss Ven at mukhang kinikilig.

Nilapitan ko si Stell nung makapasok siya sa Van.

"kita ko 'yon." sabi ko sa pangasar na tono. "kayo ha, kuya stell may tinatago kana ah" dagdag ko pa. nangaasar.

"yung? ano?" inosentong sagot nito kunwari 

hindi ko siya sinagot pero ngumisi ako kay ken nung magtama ang tingin namin. magkakatabi kami nila kuya stell at nasa gitna ako kaya binulungan ko si Ken tungkol sa nakita ko mwhehhehehehehe. 

"HOY STELL! IKAW AH." nanlalaking mata ni Ken. natatawa akong lumingon kay kuya stell na nagtataka. 

"oh anong ako felip jhon?!" 

"may hindi ka sinasabi samin, may girlfriend kana pala!" sagot ni ken kaya lumingon ang dalawang nakakatanda saamin. 

"Anong girlfriend? Sino?" sabat ni Josh

"Si Stell may girlfriend na!" sagot naman ni Ken

"hoy wala kaya! sinong nagsabi sa'yo sasapukin ko!" natatawang wika ni stell

"si jah nagsabi e, girlfriend mo na raw si Miss Venice." lumipat ako nang pwesto para hindi ako masapok ni kuya stell. napaface palm nalang si kuya pablo sa ginawa ko

"Kaibigan ko lang 'yon HAHAHAHAHA!" 




Isa't kalahating oras na ang lumipas, hindi parin kami nakakarating sa shooting place dahil sa traffic jam! Kanina pa naipit dito, ang sabi ay may banggaan raw na nangyari kaya trafic at walang nagalaw na sasakyan, may mga ambulansya at pulis na rin sa pinangyarihan. 

lahat sila maliban saakin at sa driver ay natutulog. nagsscroll ang ako sa facebook hanggang sa umandar nang muli ang sasakyan namin. 

"Wow." bulong ko nung makita ang site kung saan kami magpphotoshoot. Sobrang laki at malinis, para kaming nasa isang mansyon.

Medyo maingay dahil na rin sa mga taong nagcchismisan sa gilid-gilid. Idagdag mo pa ang music na maririnig.

"Ang ganda dre! Tiktok tayo tara!" Aya ni Ken kay stell.

At ayun nagtiktok ang dalawa!Sinasama pa nila ako kaso ayaw ko. Nakigulo naman doon si kuya Pablo kaya tawa sila ng tawa.





Ilang sandali pa ay tinawag na kami para magpalit. Kulay baby blue ang mga suot naming pajamas dahil nga skin care line 'to! Hahaha

Nanganga kami lalo na si Kuya Stell nung lumabas si Miss Venice na walang make-up kasama ang assistant nito.

"SB19! You guys ready?" Nangiti nitong sabi

Tumango nalang kami at ngumiti pabalik.

"Let's go! I'm going to be your partner for the whole shoot kasi nagback-out yung girl!" Saad ni Miss Venice habang naglalakad kami.

"Direk! Nandyan na po ang mga Models." Rinig kong sabi nung assist-director.

"Okay! Pwesto! Miss Venice doon ka sa tabi ni Sir Stell! Ayan good!"

Naging mabilis lang 'yon dahil na rin sa professionalism ni Miss Venice. Good mood rin ang direktor kaya tuwang-tuwa ang mga staffs.

Ilang minuto pa ay tapos na kami!

"And that is a wrap! Thank you everyone! You may take your rest! See you tomorrow for our day 2!" Sigaw ni Direk. Isa-isa naman kaming nagpalakpakan ng malakas! Yes tapos na!

Pwede na akong magpahinga.






"Dati palang Model si Venice kaya parang madali nalang sakanya yung photoshoot kanina." Sabi ni Josh ng makasakay na kami ulit sa Van. Ngayon naman ay tabi kami sa may pangalawang row.

Ang tatlo naman ay nasa likod, may kanya-kanyang mundo.

"Kilala niyo si RJ 'di ba? Yung tropa natin noon." Biglaang tanong ni Kuya Pablo.

"Oo, ano meron sakanya?" Sagot ni Ken

"Kaibigan pala siya ni Miss Venice, kita ko siya kanina sa shoot e." Nangaasar na naman akong tumingin kay Stell na busy sa selpon niya.

"May karibal ka pala Stell e!" wika ko, pinandilatan niya lang ako ng mata at sumandal.

"Sino ba 'yang kausap mo Stell? Kanina ka pa nangiti dyan e! Tingin nga!" sabi ni Ken

"Bakit ba dre?" Walang natanggap na sagot si Kuya stell kaya ibinigay niya nalang kay Ken ang phone niya.

"Ah kaya naman pala, geh geh." natatawang binalik ni Ken ang phone ni Stell at nanahimik na.

Buong byahe ay tahimik ang lahat, nakatulog dahil sa puyat at pagod.

Chasing The HeirWhere stories live. Discover now