Chapter 14

108 10 1
                                    

Stell's POV

Ngayon ang araw ng Mall show, eto ako ngayon nasa loob ng van buryong-buryo na naghihintay sa napakabagal na si Ken.

Sinundo namin siya sa condo niya pero hindi pa siya tapos magbihis!

Baka malate kami sa rehersal papagalitan kami huhu

"Napaka-tagal mo naman dre!" bungad ko nung lumabas siya

"Sorry late ako nagising e!" sagot niya

"Kasi late ka natulog timang!" tumawa pa ang buang habang nakalabas ang dila.

"Pumasok ka na nga! Malelate na tayo!"







"Oh ba't ngayon lang kayo!?" Tanong ni paulo pagkarating sa backstage.

"Antagal ni Ken, hinintay pa namin." sagot ko rito

"Tara na sa stage! Magrerehers na!" sabat naman ni Josh kaya sabay-sabay kaming umakyat sa stage.

Hindi nagtagal ay tumugtog na ang mga kanta namin. Habang nagrehersal ay dumadami na rin ang mga taong pumipila para sa registration.







Hindi pa nagsisimula ang Mall Show ay may nakakuha kaagad ng atensyon ko. Isang babae na naka-white dress, simple lang iyon pero nangimgibabaw ang ganda niya. Wala siyang make-up o kahit ano sa mukha.

Napansin ko rin na kanina pa siya hinihila nung batang kasama niya, babae rin. I guess 12-14 years old ang edad.

Nangiti ako ng matamis nung maupo na sila.

"Pst! Kuya Stell tara na!" tawag sakin ni Jah.

Sumunod naman ako sakanya pero inasar nya lang ako habang nagpapalit kami ng damit.

"Ikaw ah, sinong tinitignan mo dun sa registration kanina?" Inirapan ko nalang siya at hindi na pinansin

"Labas ka na dun!"

"Isusumbong kita sige ka, 'pag hindi mo sinabi." may pangaasar pa na sabi nito

"Subukan mo Jah, samahan pa kita e!" sarkastiko naman siyang umirap kaya natawa ako.






Bago kami tuluyang lumabas at magpakita ay nagoopen forum muna kami at nagdasal.

"A'TIN! Handa na ba kayong makita na magperform ang SB19!?" Sigaw ng emcee.

Kinakabahan ako..

"Yes! Huhu SB19!!!!" malakas na sigaw ng mga tao.

"Wag na nating patagalin pa, Let's welcome.. The Ppop Kings who paves the way, SB19!"

"Woooooh!"

"Juan Pablo! Josh Cullen! Stellvester! Ken Suson! Jah de Dios! IN THE ZONE! SB19!"

-
a/n: sorry lame, 'di ko pa kasi naexperience na makita ang mahalima dito sa pampanga so hindi ko alam kung anong mangyayari dito. i'll let my imaginations decide nalang huhu.

Chasing The HeirWhere stories live. Discover now