Chapter 15: Whiplash

40.4K 3.9K 1.6K
                                    

Trigger warning: contains reference of sexual abuse and panic attack

Chapter 15: Whiplash

Natulala ako ng ilang segundo sa tanong niya before I gathered the courage to stare away. Serve a master... but I own myself now... Zackary said I didn't have to go back.

"I should have asked for you to be mine the first time you came here." His low chuckle filled my ears. "Don't you want it? You'll be serving the next beta."

Umiling ako, pilit tinago ang panginginig ng aking mga kamay. Ang  ngiti niya sa labi, tila natutuwa siyang paglaruan ang takot ko. Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa.

"I'll be a good master." He placed one of his palm on my leg and smiled at my trembling state. "I'll teach you a lot of things... things you would also enjoy."

Tuluyan akong tumayo. "S-Stay away from me," I voiced out.

Napatitig siya sa'kin, hindi inaasahan ang mga salitang lumabas sa bibig ko. Pero sa halip na magalit, tumaas ang kilay niya at mas lumapad ang ngiti sa kanyang labi.

Tumayo siya mula sa bench. Umatras ako palayo sa pagaakalang lalapit siya. But he walked away, smiling. Bago siya nakalayo muli siyang nagsalita.

"Consider my proposition."

Bumagsak ako sa panghihina nang muling umupo sa bench. Like a whiplash, bumabalik ang takot sa buo kong katawan. Kung siya ang susunod na beta... could he really make me serve him?

Nang bahagya akong kumalma, isang boses ang narinig ko. "Elya! Elya!"

Little Vincent approached me with a large cookie in his little palm. Sinubukan kong ibalik ang ngiti ko. "Hello, Vincent." Pinakita niya sa'kin ang hawak na pagkain na pinutol niya sa dalawa saka niya binigay ang kalahati sa'kin.

"For me? Ang bait mo naman..." Bigla siyang humawak sa'kin, ang kamay niya hila ang isa kong daliri habang naglalakad. "Saan tayo pupunta?"

Napansin ko ang isang sasakyan sa driveway na kadarating lang. Lumabas si Zackary, donning a familiar respectable aura. Even with casual clothes of dark pants and white button down shirt folded at the elbows, his tall physique and refined movement stood out among the guests greeting him.

"Zacky!" Vincent let go of my hand to run to him.

"Hey there, kiddo." Zackary lifted him up with ease, letting him sit on one of his arms. People gushed upon seeing them. Vincent might be the luckiest kid in this town, surrounded by powerful people at such young age.

Binigay ni Vincent kay Zack ang hawak na kalahating cookies. "I'm sharing."

"Thanks, kid." Inabot ni Zack ang ulo ng bata, messing with his ringlets of hair.

"Elya, too. I gave her."

Bumaling sa'kin si Zackary, while I try to avert my gaze from him. I wanted to tell him about Callahan, about my fear, pero hindi ko ito pwedeng gawin.

Anabeth came back after a while, nagrereklamo sa kinahinatnan ng pagbati niya. Nagpaalam ako kay Vincent bago pinuntahan ang nakasimangot na si Anabeth.

"Ano'ng problema?"

"Naaasar lang," she muttered, hands folded in front of her chest. "Kung makapag-compare sila, anong akala nila-" Natigilan siya nang mapatingin sa likuran ko. "Ano'ng meron?"

Nagtaka ako sa tanong niya. "Meron saan?"

"Nakatingin si Sir Zackary dito. What's with all this strange tension between you two? Noon ko pa ito napapansin mula noong nanggaling tayo sa village."

Never Be TamedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon