Chapter 10

20.9K 723 69
                                    

Chapter 10

Parang naiiyak na kinamot ni Xiana ang kanyang braso. Damn allergies! Ito na nga ba ang kapalit sa sarap ng kinain niyang isda kanina! Wala pa naman siyang gamot o ointment para ipahid sa nangangati niyang allergy. This is very irritating!

Pinulot niya ang kanyang phone na nakapatong sa mesa at tinawagan ang kanyang manager. Iniihipan at tinatampal na lang niya ang nangangati sa braso niya. It's very itchy! She needs her medicine, or else this shit will get worse!

"Fuck, Melody. Answer the call." She groaned.

Nakailang ring na ang telepono ngunit hindi ito sinasagot ng Manager niya. She's fully aware that it's twelve in the evening, but hell, her allergies are disturbing and damn itchy! Gusto niya itong kamutin ngunit kapalit naman no'n ay ang sugat dala ng kalmot niya.

She cursed and throw her phone on the bed. Ginulo niya ang kanyang buhok at marahas na bumuga ng hangin. Paulit-ulit niyang tinatampal ang mga parte kung saan ramdam niya ang kati.

She stormed out of her room and went directly to the kitchen, thinking that a cold compress would lessen these damn allergies. Baka hindi na niya mapigilan ang sarili ang kalmutin ang kanyang braso. Bakit ba kasi siya kumain ng isda?

Nang makarating siya ng kusina ay agad siyang tumungo sa fridge upang maghanap ng ice cubes at isinilid ito sa isang compress. Nang matapos ay agad siyang nagtungo sa high stool dito sa kusina at dinampian ng cold compress ang kanyang braso na namamaga na.

"Fucking allergies. You're destroying my mood."

Naiinis siya. Hindi niya alam kung saan niya namana ang pagkakaroon ng allergy sa isda—no. Nila. Even her brother had an allergy to fish. Kaya't halos magdadalawang dekada na siyang hindi nakakatikim ng isda. The Castro's personal cook doesn't prepare dishes with fish because they are allergic to it.

Itinali niya ang kanyang buhok at dinampian rin ang kanyang leeg. Hindi na niya alam kung saan siya makakabili ng gamot para sa allergy niya. May photoshoot pa siya bukas at hindi pwedeng mag-absent siya ulit dahil sa mga allergies niyang pabida.

"What are you doing?" A deep and baritone voice echoed the whole room. Nilingon niya ito at namataan si Lucas na nakasandal sa pinto at may hawak na baso ng alak.

"N-nothing..." Umiwas siya dito ng tingin at nagpatuloy sa pagdadampi ng cold compress sa kanyang braso at leeg.

And the worst part is...nangangati na rin ang kanyang likod. This needs to be cured bago tuluyang kumalat sa buo niyang katawan ang pamamaga!

Dadampian na sana niya ang kanyang leeg nang may humawak dito. Nag-angat siya ng tingin sa binata at napalunok nang mapansin kung gaano kaseryoso ang mga mata nito.

Inagaw nito sa pagkakahawak niya ang cold compress at inilapag ito sa mesa. He lifted her arm to scan and his jaw clenched. "You're allergic to fish, aren't you?"

Nag-iwas ng tingin ang dalaga at sinubukang bawiin ang kanyang braso mula sa pagkakawak ng binata ngunit 'di hamak na mas malakas ito sa kanya. "Ano naman ngayon?"

"And you still eat the one I prepared for you," may riing bigkas nito.

Inirapan niya ang binata at akmang aabutin na sanang muli ang cold compress nang hawakan siya ng binata sa beywang at pinatayo. He held her wrist and dragged her out of the kitchen.

"T-Teka, saan mo ba ako dadalhin?" she asked.

"Shut up, Castro."

Napasimangot ang dalaga. His one step is twice for her. Sa haba ba naman ng binti ng binata? Halos tumakbo na siya sa bilis at laki ng mga hakbang nito.

Series 01: Lucas ClementeWhere stories live. Discover now