Chapter 22

17K 645 41
                                    

Chapter 22

KAAGAD NAPATAYO ang kanyang ina nang makita siya nitong papasok sa loob ng kanilang mansion. Lucas headed straight to his mom to kiss her cheeks.

"Anak!" his mom exclaimed. "Anong nangyari? Hindi mo ba naabutan si Xiana?"

Tipid lamang na ngumiti si Lucas. Excited siyang ibalita sa kanyang ina ang katotohanang nagdadalang-tao si Xiana. Ngunit ayaw niyang pangunahan ang dalaga. Marami pa rin siyang gagawin upang i-settle ang gulong pinasukan niya.

"She's still in Manila," he replied. "Mom, kindly ask someone to clean my room and put an extra space in my closet."

Kitang-kita ng binata kung paano umaliwalas ang mukha ng kanyang ina. "Dito na uuwi si Xiana?"

"Soon." He showed his tight smile. "Aalis muna ako. I still need to fix some things."

"Ano? Anak, kakauwi mo lang—"

"See you later, Mom." Tinapon ni Lucas ang kanyang business suit sa sofa at lumabas ng kabahayan.

Ngunit nagulat siya nang makasalubong niya ang lalaking ilang buwan na magmula nang huli silang magkita. His jaw clenched, and he nodded his head as an acknowledgement.

"Dad," he greeted.

"It's good to see you home. Hali ka sa loob. May pag-uusapan tayo," his father said.

Umiling si Lucas at tinapik ang balikat ng ama. "May gagawin pa ako. Mamaya na."

He didn't wait for his father's response. Nananakbo siyang nagtungo sa garahe upang kunin ang kanyang sasakyan. He ran his fingers through his hair as he stepped inside his car. Wala siyang sinayang na oras. He immediately started the engine and drove the car away from their mansion.

Habang busy sa pagmamaneho ang isa niyang kamay, ang isa ay nagpipindot sa kanyang cellphone. He dialed Pamela's number and inserted the Bluetooth earpiece in his right ear. Tinignan niya ang oras at napansing tanghaling tapat na.

"Hello, Hon? Are you home na?"

Lucas gripped the steering wheel tightly. Nagngingitngit siya sa galit sa tuwing naririnig ang tinig ng dating fiancée. He's mad at him for what she said to Xiana.

And if I prove that she wasn't pregnant at all, she needs to call her lawyer. I'll be excited to see her in court.

"I'm in Romblon. Where you at?"

"Na sa bahay namin, Hon. Nandito rin sila mommy. We're waiting for you."

Mas lalong nanginig si Lucas sa inis at galit. They dare to play dirty, huh. Akala siguro ni Pamela ay hawak nila ang binata sa leeg. Well, they are all wrong.

"Magbihis ka. We'll go somewhere today," he said.

"Really?" Excitement is evident in her voice. "Okay, okay. Magbibihis ako."

He didn't say bye or anything. Basta na lang niya pinatay ang tawag at pinanggigilan ang steering wheel. Naglakbay ang isip niya sa babaeng na sa Maynila. Mahigpit niyang binilin sa ina ni Xiana at sa Kuya nito na h'wag hayaang lumabas ng bahay si Xiana hangga't hindi siya nakakabalik.

Luckily, her mother likes him for her. Of course. Kilala na niya ang ina ng dalaga dahil matalik niyang kaibigan si Sebastian. Hindi mahirap kausapin ang mga magulang ni Xiana. It makes him wonder why Sebastian and Xiana were both hard to please.

He felt guilty for lying to her about not seeing Pamela once he returned to Romblon. Ayaw niyang mag-aalala si Xiana dah nakakasama 'yun sa bata. He wants the baby to be healthy inside her tummy. Ayaw niyang bigyan ng sakit sa ulo si Xiana kaya't aayusin niya lahat ng gusot nang mag-isa.

Series 01: Lucas ClementeWhere stories live. Discover now