Chapter 25

19.8K 576 34
                                    

Chapter 25

LUMIPAS ang mahigit isang linggo. Xiana stayed i Clemente's mansion with Lucas for a week. At sa loob ng isang linggo niyang pananatili roon ay alagang-alaga siya ng ina ni Lucas. Nakilala niya rin ang ama nito, ang kasalukuyang bise presidente ng bansa.

She also got to meet the people of Romblon. And unexpectedly, mainit siyang tinanggap ng mga tao sa probinsya. They said that they trust their mayor so much that they are willing to support him with anything that'll make him happy. As long as it doesn't harm the province.

Marami rin siyang narinig tungkol sa pagsusungit ni Pamela sa mga taong dumadayo sa municipal hall para dumulog sa kanilang mayor. And to be honest, it feels so sad to hear those words from them. Na sa halip ay mainit silang tanggapin sa lugar na ginawa naman para sa kanila ay sinusungitan sila ng dating fiancée ng binata.

"Baby..."


"Hey. Ang tagal mo." She pouted.

"Hindi kami magkaintindihan ng cashier," nakakunot-noong ani nito.

Napatingin siya sa cashier at pansin ang pasimpleng pagsulyap ito kay Lucas. She rolled her eyes heavenward and tapped the space beside her. Kaagad namang umupo si Lucas sa kanyang tabi.

"Bakit? Paanong hindi nagkakaintindihan?" she asked curiously.

Nilagay ni Lucas sa kanyang harap ang cupcake na nasa plato bago ito humarap sa kanya. "She can't understand English and I don't understand her language."

Xiana nodded her head. Pasimple niyang sinamaan ng tingin ang babaeng na sa counter na nakatingin sa kanila. Kaagad na umiwas ng tingin ang babae dahilan upang mapangisi siya.

"You should've called me." Humilig siya sa balikat ng binata. "Anyway. Wala ba silang milk?"

"Ipagtitimpla na lang kita pagkauwi sa condo," he replied, kissing the top of her head. "So, how's talking with the owner of TCL?"

She shrugged. "It's good. Mabilis siyang kausap. If ever I plan to comeback after my pregnancy, I am welcome to do so."

They're currently in Busan, South Korea, to formally meet the owner of Tan's Clothing Line. Buong akala niya ay masungit ito ngunit nagkamali siya. Mrs. Amari Tan is very kind. Ngayon lang din niya nalamang full-blooded Filipino ang may-ari ng TCL.

Kahit si Mrs. Amari ay nabibilisan sa mga nangyari. She didn't know that in two months she could get pregnant by someone, and that someone is the almighty mayor slash billionaire, Lucas Clemente. Well, kahit sino naman ay mabibilisan sa mga nangyayari. But little by little, nagsisimula na siyang tanggapin ang lahat ng mga pangyayari. That she will soon become a mother and a wife...

Wife...

About that, hindi nila napag-usapan ni Lucas tungkol sa kanilang relasyon. He didn't court her or ask her out on a date. Wala lang. Wala siyang ibang panghahawakan sa binata bukod sa batang nasa kanyang sinapupunan. Kahit na sinabi na nitong mahal siya ng binata, hangga't wala silang label, hindi siya mapapanatag.

A flick of someone's finger dragged her out of her reverie. Napatingin siya kay Lucas habang kumukurap.

"You're quiet. What's on your mind?" tanong nito.

Pilit siyang ngumiti at umiling. "W-wala."

Tinapos nila ang kanilang inorder bago napagdesisyonang lumabas. Balot na balot siya dahil taglamig ngayon sa bansa. She's even wearing gloves and a beanie.

"Saan tayo? Bukas pa flight natin, e." Bumaling siya kay Lucas at kita niyang nagtitipa ito sa phone.

Jealousy filled her in. Ngunit hindi niya ito pinahalata. Siguro dahil lamang ito sa kanyang sensitibong pagbubuntis. Mabilis magbago ang kanyang mood at konting bagay lang na napapansin niya sa iba ay naiiyak na siya.

Series 01: Lucas ClementeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon