Chapter 15

20.9K 769 94
                                    

Chapter 15

"Aren't you feeling bored at home, Xiana? Gusto mo bang lumabas at maglibot ng Romblon?" tanong ng ina ni Lucas.

She shyly nodded her head. "O-Opo, Tita. Dalawang linggo na lang po ay uuwi na ako. Sana lang kahit papano'y makapasyal ako...sana."

She hopefully looked at Lucas, who was now busy eating his breakfast, not even bothering to lift his gaze at her. Alam nitong nagpaparinig siya kaya't halos hindi na ito lumingon sa pwesto ng dalaga. Minsan gusto na niya itong sipain.

"Why not?" Liana— Lucas's mom said and wiped her lips with the table napkin. "I'm sure papayagan ka na ni Lucas. You need to witness how wonderful our province is. You can go to Sibuyan Island and take a swim. H'wag kang magkulong lang dito."

"She can't go out. Her fans might attack her," sabat ni Lucas na hindi man lang talaga nag-angat ng tingin.

Tumaas ang kilay ng kanyang ina. "The bodyguards you hired for her are there to keep her safe. Masyado mo nang binabahay si Xiana rito. Konting-konti na lang iisipin ko nang pinagdadamot mo si Xia sa iba."

Pansin niya rin 'yun. Kulang na lang pati sa banyo ay babantayan siya ni Lucas. Hindi niya mabasa ang iniisip ng binata.

"I'm done." Walang ganang tumayo si Lucas at tumalikod.

"If ayaw mo talaga, then at least bring her to the municipal. Hayaan mo namang makihalubilo itong si Xiana, anak. Minsan na nga lang umuwi ng Pinas, ikukulong mo pa," his mother said.

Tama nga naman. Gusto na niyang maglakwatsa. She tried contacting Shaun and her brother, Sebastian, but they both didn't answer her call, which is very damn weird. Isang tao na lang ang alam niyang pwede niyang tawagan, ngunit nagdadalawang isip siya.

Lucas rolled his eyes. "Okay, fine."

Napangisi siya sa turan ng binata. She finished her food and immediately went back to her room to change her clothes. Napili niya ang isang light blue deep-v summer dress at pinaresan ito ng gladiator sandals. She tied her hair in a neat bun and applied light makeup. Well, she can't call it make up. Just a little lipstick and blush on. She sprayed her favorite perfume, and now she's off to go.

Para siyang isang batang first time pa lang makalabas ng bahay. Na para bang ngayon pa siya makakakita ng lupa sa tanang buhay niya. She's excited to meet people in the municipal hall. Gusto niyang may makausap maliban sa kanyang Tita Liana at mga kasambahay rito.

"Your dress is too short."

Halos mapaigtad siya at wala sa sariling nilingon ang pinto. There she saw the mighty mayor named Lucas Clemente, leaning against the door frame and observing her like a hawk.

Ngumiwi siya. "It's not."

"Your cleavage is exposed too much. Magbihis ka," utos nito.

Napapantastikuhan niya itong tinignan at natawa. "Hindi ko alam na conservative ka pala? I saw your fiancée in a very daring dress; what makes it different? Maganda ang katawan ko, Lucas. Wala akong dapat ikahiya."

Lucas's eyes remained on hers. "And?"

"And it's unfair of you to tell me to change the fact that your fiancée is wearing a much more revealing dress than mine." She crossed her arms below her breast and raised her brows.

He clenched his jaw. "Don't compare yourself to her. I know you have curves, and that's why I want you to wear something that doesn't expose or emphasize them. Get change."

Umiling ang dalaga na mas lalong ikinadilim ng mga mata ng binata. "That's not a convincing reason, Lucas. Tara na."

Umayos nang tayo ang binata at tinaliman siya ng tingin. "I changed my mind. Dito ka na lang. H'wag kang lalabas. My guards—"

Series 01: Lucas ClementeWhere stories live. Discover now