Chapter 18

20.2K 707 184
                                    

Chapter 18

Ilang oras lamang ang naging biyahe mula sa Romblon patungong Maynila. Ang ibang team na kasama nilang dumating ng Pinas ay dumiretso ng uwi sa Greece habang siya at si Melody ay nagpaiwan muna sa Pinas.

She left Lucas in that hotel suite. At hindi man lang ito nag-abalang habulin siya. Maybe Lucas realized she's right. Na parausan lamang siya nito at hindi na 'yon mababago pa. How cruel it could be. Ngayon ay naramdaman na niya nag nararamdaman ng mga lalaking ginawa niyang laruan.

Iba talaga ang balik ng karma.

But unlike his men, she won't beg for him to chase her or be with her. Hindi kawalan si Lucas Clemente. So what if he had her first? Virginity is a myth abroad. It doesn't matter if you're pure or not. As long as you can please them, then everything's good.

No, I won't think about him anymore. She convinced herself.

"You've been staring at the ceiling for hours, Xiana." Nilapitan siya ni Melody. "I thought we'd head to your parents' mansion?"

Hindi kumibo ang dalaga. Alam niya kasing papagalitan siya ng kanyang kapatid sa oras na malaman nito ang kabalbalan na kanyang ginawa. Kailangan niya pang ihanda ang kanyang sarili sa matinding sermon.

Sino ba naman kasing hindi masisermonan kung malaman ng mga itong kinakalantari niya ang lalaking malapit nang ikasal. And worst? I asked him to call the wedding off!

"The head of Tan's Clothing Line has been calling me since yesterday," her manager informed. "They asked if it would be possible for you to visit South Korea next week."

"For what?"

"Contract signing for modeling lingerie." Melody shrugged.

Bagot na tumango si Xiana. "Okay. Tell them we're heading to South Korea next week."

Melody immediately nodded and typed something on her laptop. Maybe she's informing the management that they will go straight to South Korea instead of New Greece.

Kinuha niya ang kanyang phone at binuksan ang kanyang Instagram account. Sabog na sabog pa rin ang kanyang notifications at hindi na siya nag-aabalang buksan ito. She went through his timeline and noticed some changes.

Wala na ang mga photos nito kasama si Pamela.

Aasa na ba ako?

Instead of entertaining her overthinking, she decided to take a photo of herself and uploaded it on her IG's story. Hindi na masyadong mugto ang kanyang mga mata. Isa rin kasi ito sa rason bakit hindi siya dumiretso sa bahay ng mga Castro. She headed here first para maibsan ng konti ang kanyang mugtong mga mata.

"Melody, can you buy me some strawberries?" biglang usal niya. "I'm craving for one."

Tinaasan siya ng kilay ng kanyang manager. "Are you on period?"

"I think I'll have it the next day," she replied.

This is the phase she hates the most. Ang pagkakaroon ng dalaw. Talo niya pa ang buntis sa pagki-crave ng kung ano ano. Mabilis siyang magutom kapag mayroon siyang dalaw kaya't oras na siguro para umuwi sa mansion ng mga Castro.

"Kindly add burger cheese and some cold drinks? Ugh, my throat is craving for colds," wika ng dalaga.

Napapantastikuhan naman siyang tinignan ng kanyang manager at hindi na ito nagsalita. Melody is already used to her behavior during her menstrual period. Napaka-sensitive niya rin. Konting bagay o konting pagtaas lang ng boses sa kanya ay naiiyak na siya. And that's frustrating! Nawawala ang poise niya marahil doon.

Series 01: Lucas ClementeWhere stories live. Discover now