Chapter 16

22.3K 828 97
                                    

Chapter 16

"Lucas!" Agad na napatayo si Mrs. Clemente nang makarating sila Xiana sa mansion. She looks so nervous, of course. Isa siya sa tumulong para makatakas siya kahit saglit tapos ngayon uuwi siyang kasama si Lucas. "Napaaga yata ang uwi mo?"

Nilapitan siya ni Lucas at hinalikan ang noo. "I'll take a rest for a moment, Mom."

Hindi pa nakapagsalita ang ginang nang mabilis na lumihis ng daan si Lucas patungong second floor. Alam niyang dapat ay susundan niya ito, ngunit kinakabahan siya. Alam niya kung anong klase ng punishment ang iniibig sabihin ng binata.

"Hija," she called her. "Ayos ka lang ba?"

Tumango siya at tipid na ngumiti. "O-Opo. Aakyat muna ako sa taas, sabi po kasi ay may pag-uusapan raw kami."

Nang tumango ang ginang ay lakas-loob siya naglakad paakyat ng second floor at dumiretso sa tinutuluyan niyang silid. Wala roon si Lucas kaya't alam niyang nasa silid nito ito.

She took a deep breath and changed her dress first. Isang loose shirt at shorts na natatabunan ng shirt iyang hanggang hita ang haba. Ilang beses pa siyang humugot ng malalim na hininga bago lumisan ng silid at nagtungo sa silid ng binata.

Her hands are sweating cold, and beads of sweat are forming on her forehead. She's nervous. Kahit kailan ay hindi siya kinabahan nang ganito sa tanang buhay niya. Not even her brother or father made her feel this kind of nervousness, only Lucas.

Pikit-mata siyang kumatok sa pinto ng binata. Nang marinig niya ang baritono nitong tinig ay wala sa sariling napalunok siya. Pinihit ng dalaga pabukas ang pinto at lakas loob na pumasok sa kabila ng panginginig ng kanyang mga tuhod. Sobrang kaba ang nararamdaman niya.

Naabutan niya ang binatang nakaupo sa pang-isahang couch habang may hawak na baso ng alak. Hindi na maayos ang pagkakatali ng necktie nito at pansin niya ang malalim na pahinga nito. Gulo-gulo ang kanyang buhok at hindi niya maiwasang mapalunok.

His clenched jaw just made him look hotter than he already is. Hindi niya tuloy maiwasang isipin ang mangyayari pagkatapos ng nalalabing mga araw na pananatili niya rito sa Pinas.

Makakaya niya pa kayang ibaling ang iba ang pagmamahal niya?

She's afraid. She's falling deep, hard, and rough. Natatakot siya. Paano na lang kapag nalaman ni Lucas ang dahilan kung bakit siya nagmumukhang desperadang gustong mang-agaw ng may-asawa?

Their bet.

Would he be mad about it? Sa isipin pa lang na magagalit sa kanya si Lucas ay kinakabahan na siya. Ayaw niyang magalit ito, malakas ang kutob niyang masamang magalit ang isang Lucas Clemente.

"Strip yourself," he said in a very low voice.

Napalunok ang dalaga. "A-Ano?"

"Maghubad ka. Kailangan nating mag-usap."

Napaawang ang labi niya. "M-Mag-uusap lang naman tayo, b-ba't naman ako─"

"Do you want me to rip off your clothes? Yes or no, baby. I would gladly do it in a heartbeat," he mumbled.

Wala sa sarili siyang napakurap at lumunok. Mariin niyang pinikit ang mga mata at dahan-dahang tinaas ang dulo ng kanyang damit. When she finally got rid of her shirt, her shorts followed. At nang matapos, hinarap niya ang binata.

"Naked, Xiana."

Hindi niya alam kung maiinis siya o matatakot. Kaya kahit labag sa loob, hinubad niya natitirang saplot sa katawan at tinapon ito sa lapag.

Series 01: Lucas ClementeOnde histórias criam vida. Descubra agora