Chapter 11

20.5K 757 87
                                    

Chapter 11

Humikab ang dalaga at bagot na bumaling sa katabi niyang kama. Wala na ang binata. Maaga siguro itong bumangon at hindi na nag-abala pang gisingin siya dahil marami pa itong gagawin sa munisipyo. At hindi niya maiwasang sa isiping iyon ay naiirita na siya.

She got off the bed and stretched her body. Bumaling siya sa orasang na sa nightstand at napaangat ng kilay. Okay? It's still six. Ang aga naman magtrabaho ni Lucas. Ano bang meron sa opisina nito at parang lagi siyang nagmamadaling magtungo doon? May babae ba siya du'n?

Nanliit ang mga mata ng dalaga. At bakit naman kung makatanong ako ay parang legal ako na asawa? Nairap siya sa sarili at lumabas na ng silid ng binata. Inangat niya ang kanyang braso upang tignan ang namamaga kagabi at laking pasalamat niya nang wala na ito. Magaan din ang loob niya at maaliwalas ang kanyang pakiramdam.

Dumiretso siya sa silid na tinutuluyan niya at nagmadaling maligo at magbihis. Hindi niya alam kung paano siya sisipot sa studio kung wala siyang sasakyan at walang susundo sa kanya. Baka oras na rin para bumili ng sasakyan at iiwanan na lang sa Manila.

Her phone keeps on ringing and she just ignores it. Busy siya kakapili sa damit na susuotin niya hanggang sa napagdesisyunan niyang suotin ang isang itim na short at asul hanging blouse. Pinaresan niya ito ng itim na sandals. She straightened her hair dahil wala siya sa mood magpakulot. Hindi na rin siya nag-abala pang mag-make up dahil magmi-make up rin naman siya roon.

Pinulot niya ang shoulder bag na may lamang credit cards, cash, phone, valid ID's, and other important things that a woman would always bring. There's also a hand sanitizer for her. Yeah, it's not kaartehan, it's hygiene.

Bumaba na siya papuntang first floor para sana mag-paalam na dahil alas otso y medya ang simula ng photoshoot niya. Baka nga late na siyang makauwi mamayang gabi. O baka wala siyang pahinga ngayong araw.

"Oh, Xiana. Hali ka na, kumain na tayo. Si Lucas ang nagluto," bungad ng ina ni Lucas sa kanya nang makababa siya sa hagdan.

Nangunot ang kanyang noo. "Po? Andito pa po si Lucas?"

"Of course! Ihahatid ka niya ngayon, 'di ba?"

Napilitang tumango at ngumiti ang dalaga. Her heart started thumping so fast. Hindi niya alam kung bakit sa isiping hinihintay siya ng binata at nagluto pa ng umagahan ay kilikilig siya rito. It's like, grr! Nagwawala ang mga paro-paro sa kanyang sikmura.

Giniya siya ng ginang papasok ng kusina at naratnan ang binata na abala sa paglalagay ng kubyertos sa mesa. Hindi niya tuloy maiwasang mapaangat ng kilay. May ganitong pagkatao pala ang binata. Maasikaso at maalaga.

Fuck, my heart... this is not good.

"Have a seat, hija." Nginitian siya ng ginang.

LUCAS WATCHED HER silently while eating. Halata niyang ganado ang dalaga. Maaliwalas ang mukha nito na ipinagtataka niya. He wants to ask, but he just scoffed at himself. Sino ba siya para magtanong?

Pinasadahan niya ng tingin ang braso ni Xiana. Wala na ang mga pantal sa kanyang braso, pati na rin sa leeg nito. That's good. He was damn worried last night. Hindi siya nakatulog nang maayos dahil panay ang pagdilat ng kanyang mga mata para bantayan ang dalaga baka sakaling kamutin nito ang kanyang braso.

"Do you want to each fish, hija?" his mother offered her.

Bubuka pa sana ang bibig ni Xia nang maunahan siya ng binata. "She's allergic to fish, Mom."

Gulat na napatingin sa kanya ang ina. "Really? But you prepared fish for her last night, right? Inatake ka ba ng allergies mo kagabi?"

She looked at him and nodded. "Thanks to Lucas. He helped me with my allergies last night."

Series 01: Lucas ClementeWhere stories live. Discover now