Chapter 1

28.2K 891 123
                                    

TULALANG nakatingin sa parking lot ng hospital si Dessert.

Hindi parin niya makuhang maniwala na nakita niya muli si Pyr matapos ang ilang taon. Mula tuloy sa mall hanggang sa nabili niya ang kailangan niya at papunta sa hospital ay wala siya sa sarili.

Gusto niyang umiyak pero sa dami niyang iniyak noon para sa binata ay wala na sigurong natira. Ayaw pumatak ng luha niya.

Pero hindi maipagkakaila na naroon parin ang sakit dahil sa ginawa nito. At ang makita ito kasama ang ibang babae ay nakakapugto ng hininga. Malayo man ang distansya niya mula sa dalawa ay kitang-kita niya kung paano nagpahawak si Pyr sa babae. Ang gago sa parking lot pa talaga.

Dessert sighed. What has she expected anyway?

Kaya nga siya nito pinabayaan dahil siguro nakahanap na ito ng iba. Hindi siya nito binalikan dahil may iba ng nagpapasaya dito. Nagsawa na ito sa kanya.

The only thing that makes her feel very disappointed in herself is the fact that she was too naive to realize five years ago that Pyr is a scam. And despite all the heartache, she still loves him. How stupid.

Akala niya noon ang bait bait nito. 'Yon pala pagsasawaan lang siya tapos magpapaalam na mawawala lang ng ilang araw o linggo tapos hindi na babalik.

That only proves how gullible she was years ago. There were many signs not to trust and believe him but she set it aside believing Pyr was a great guy. That he's different from those men she heard that fooled women. Getting drowned in that thing called love, making her so stupid. Letting her feeling overcome rational thinking.

Dapat noong nakita niya ang tinitirahan nito na walang bakas ng pamilya nito— ng mga litrato — ay naisip niya na agad na iiwan siya nito.

Ang hindi nito pagpapakilala sa kanya ng buo maliban sa Pyr ang pangalan nito.

Ang bilis ng pagtatapat ng pagmamahal nito kanya sa kabila ng halos dalawang linggo palang silang magkakilala.

Ang pagpapatira nito sa kanya sa apartment nito na parang tuta lang siya na kinupkop nito.

At marami pang senyales na manloloko ito. Na ang anumang relasyon na inumpisahan nila ay mawawasak din kasing bilis kung paano iyon nabuo.

Lahat iyon ay imposibleng magawa ng normal na taong may magandang hangarin— na may totoong pagmamahal. Pero nagawa iyon ni Pyr at naging tanga naman siya para maniwala sa binata. Bobo siya ng basta na lang niya ito tinanggap at sumandal dito noon.

She fell in love. Hard. And in the end, she was left and abandoned. She waited for him for almost two weeks only to get kicked out of his apartment because he didn't pay the rent which she couldn't afford to pay either.

Bumuga si Dessert ng hangin habang inaalala ang nakaraan na sobrang nagdulot sa kanya ng sakit, galit, at takot na magmahal ulit.

Kung sabagay, paano siya magmamahal ng iba kung si Pyr parin ang nasa puso niya.

Pero ang gago talaga ni Pyr. Ang sarap nitong ibitin patiwarik ng limang taon. Limang taon para katumbas ng taon kung gaano na katagal siyang nasasaktan.

Gayunpaman, hindi niya pwedeng isisi ang lahat sa binata. May kasalanan rin naman siya. Iyon ay ang ignorahin ang mga nakikita niyang mali sa mahigit isang buwan na pagsasama nila ni Pyr sa apartment nito.

Ang magagawa niya na lang sa ngayon ay kalimutan ulit ang lahat. Kahit gaano kasakit ang idinulot ng nakaraan ay hindi niya maikakaila na nagbigay rin iyon ng magandang regalo sa kanya, aral at kaalaman.

Without that past, she wouldn't learn how strong she is. If it were not because of that painful experience in her life, she wouldn't know who she could lean on. Who would always love her despite all the mistakes she did and the wrong decision she chose.

Pyrmont CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon