Chapter 37

23.9K 861 207
                                    

"ROU... MAY gusto ka bang kainin?" Dessert sweetly asked.

Mula nang dumating ito ay hindi pa ito nagsasalita. Nakatitig lang ito sa kanya at kay Vegas. Habang ang mga kaibigan ni Pyr ay tahimik lang na nagmamasid.

Napalingon siya kay Vegas nang marinig niya ang marahas na pagbuga nito ng hangin. Nagising ito at mukhang hindi maganda ang mood.

"Are you mute or deaf or both?" kunot noong tanong ni Vegas.

"V! That is just rude!" She scolded.

"My, you've been talking to him but he never answers you, that is also rude."

"Naninibago lang siya V kaya ganoon." Paliwanag niya at nginitian si Rou na salubong ang kilay na nakatingin kay Vegas.

"We have food, you should eat so you will not look like a skeleton displayed in Science physiology—"

"Vegas!" Saway niya dito.

Ngumuso ito at tumayo saka lumapit kay Rasmus na nagpipigil matawa at naupo sa kandungan ng lalaki.

"Rou—"

"Mas maganda na ang payat kesa mataba." Biglang saad ni Rouen na hindi binibitawan ng tingin si Vegas.

"What is good of being thin when I can just push you and you'll fall over and disjoint," Vegas shot back, frowning.

Dessert closed her eyes. Ano ba naman V, ba't ngayon ka pa sinumpong.

"V."

"But My—"

"At ikaw pagpinatid kita gugulong kang parang drum na tatalbog-talbog," walang ganang sagot ni Rou na siyang ikinatigil niya.

Nakita niya ang pagtalim ng mata ni Vegas.

"I'm still good-looking than you are. Skeleton!" Vegas snapped.

"Mas gwapo ako sayo. Balyeno." Rou flatly replied, tone bored.

"No! SkeleRou!" Vegas glared.

Rouen arched his brow. "Whatever... balyeGas."

"Tumigil kayong dalawa!" Dessert raised her voice before one of the two could talk again. "Hindi maganda ang ginagawa niyo."

"But he was—"

"Bud, how about we play in your room and let your Mymy talk to your twin alone for now?" Rasmus interjected, standing from his seat with Vegas in his arm.

Lihim na nagpasalamat si Dessert dahil sa sinabi ni Rasmus.

"Yeah, bud... Come," Hiru seconded.

"'Kay..." Umingos si Vegas kay Rou na wala lang emosyon na nakatingin pabalik. "My, sorry. I love you," anito bako yumakap kay Rasmus at tinago ang mukha sa gilid ng leeg ng lalaki.

Dessert offered a grateful smile to the men when she saw that they were trying to help her to have a alone time with Rouen while they take care of Vegas.

Nang makaakyat ang mga ito ay itinuon niya ang tingin kay Rouen na titig na titig sa kanya at mukhang pilit na inaalala siya.

Xenux whispered to her a while ago that Rou has forgotten about everything and that they will explain later why.

"Rou, may gusto ka ba kainin o gawin?" Hinawakan niya ang kamay nito at sinuklay ang buhok. "Sabihin mo lang at ipagluluto kita kahit anong gusto mo."

Nagsalubong ang kilay nito. "Fried chicken, spaghetti at lumpiang Shanghai. At gusto ko matulog pagkatapos."

Malawak na napangiti si Dessert. "Sige. Ano pa gusto mo? Matamis ayaw mo ba?"

Pyrmont CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon