Chapter 42

26.3K 819 140
                                    

KINAWAYAN NIYA ang tatlo niyang anak habang pasakay ang mga ito sa van ng magulang ni Pyr. Sinundo ni tita Aleandra ang tatlo para ang mga ito na muna ang mag-alaga sa mga bata.

Pinanood ni Dessert ang sasakyan hanggang sa mawala iyon sa paningin niya kasabay ng pagkawala ng ngiti niya sa labi at paglitaw ng lungkot sa mukha niya.

Tatlong linggo ng wala si Pyr at sa tatlong linggong iyon ay hindi ito nagpaparamdam. She misses him terribly, at the same time, she is worried.

He hasn't called yet since the last time she saw him at the hospital when they visit his comatose brother, Riot. Nagising na ang kapatid nito pero ito ni hindi nagpakita.

Ang tanging nagpapakalma sa kanya at nagpapahinga sa pag-aalala niya sa binata ay sa hindi naman nag-alalala ang pamilya nito. Kalmado ang lahat kaya't alam niyang walang nangyaring masama kay Pyr.

The question is; Where is he? When is he coming back?

Kababalik lang nito tapos agad din itong nawala ulit.

Dessert sighed and went inside the house to prepare for a bar-hopping with the ladies. Wala ang mga kaibigan ni Pyr dahil maaga ang mga itong umalis at mukhang may out of the island business kaya't tahimik ang buong bahay.

Auri, Kalisz and the rest invited her for a night out. Kasama narin si Samae na naging malapit na kina Auri at Kalisz. Kaya't nagprisinta ang ina at ama ni Pyr na alagaan ang tatlong bata para daw ay makapag enjoy naman siya kasama sina Auri at hindi lang puro sa bahay.

Dessert didn't want other people to look after the kids. Lalo na't kababalik lang ni Rou at si Tammy pa. She wanted to spend so much time with them as much as possible.

Pagkapasok ng silid nila ni Pyr ay nilapitan niya muna ang cellphone niya at ni Vegas kung may tawag ba o mensahe galing kay Pyr. Pero tulad sa mga nakalipas na araw ay wala.

Dessert pursed her lips then blows a loud sigh.

Something is really odd. Kahit ang ilang beses niyang pagpapadala ng I love you kay Pyr ay hindi nito nirereplayan kaya't sobrang nakapagtataka talaga. Lalo na at maayos naman sila bago ito umalis.

Bigo niyang nilapag ang cellphone saka naligo at nag-ayos para sa lakad niya.

Kukunin sana ni Dessert ang isang itim na bistida na kaswal at walang masyadong kitang balat ng matigilan siya. She then smirked.

Maybe Pyr will bother to say hi if she send her something alluring.

Instead of getting the one simple black dress, Dessert reached for a bronze sexy sequin style dress. With a crossover V neckline and asymmetrical hem that only covers half of her tighs.

Bigay iyon ni Auri sa kanya. Dahil mahilig sa sexy at eleganteng damit ang isang iyon ay inulan siya nito ng damit. Ngayong buntis ito ay ayaw nitong nakikita ang mga dating damit nitong hindi na nito masuot kaya ibinigay iyon ni Auri sa kanya.

Dessert smiled proudly when she was ready for the night. But before it, she snap a photo of her in the full-length mirror in the dressing room and sent it to Pyr with a message; I'm going to rock the night, Pyr.

Matapos ay lumabas na siya ng silid at nagmamadaling bumaba ng marinig ang doorbell.

Pagbukas niya ng main door ay agad na nagsalubong ang kilay ni Dessert ng hindi si Auri o si Kalisz ang naroon kundi ang fiancé ng dalawa.

"Bakit kayo nandito? Babae lang dapat ang kasama," wika niya kina Kronack at Rage na nakapagtataka ang ayos.

Slacks, white long sleeves and suit minus the tie. Too elegant for the night.

Pyrmont CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon