Chapter 11

23.2K 842 297
                                    

"HINDI, KAYA ko na."

Tanggi ni Dessert nang tangkain ni Pyrmont na kunin ang bagahe niya.

Kadarating lang nila sa tapat ng bahay nito na hindi maipagkakaila ang yaman na meron ito.

Dalawang araw matapos niyang makuha ang mga dokumento mula sa binata ay pinirmahan niya iyon. Saka agad siyang umuwi ng Sundust kasama si Vegas para makausap ang kanyang ama ng personal at makapag paalam na rin.

Mahigit dalawang linggo din sila doon ng anak niya dahil hindi sila agad nasundo ni Pyr dahil nagkaproblema ang panganay sa magkakapatid.

Sinubukan pa nitong makilala ang pamilya niya na mariin niyang hinindian kaya't sa hotel na pinapagawa ng kapatid nitong si Dusk sila nagkita.

There's no need for him to meet her family. Sapat na ang alam ng ama niya kung sino ito base sa kuwento niya at sa kuwento ni Vegas.

Now, here they are. Standing before a huge mansion, slapping her of what she lacks and how rich is the father of her son.

Kubli na napabuntong hininga si Dessert.

Nahihirapan siyang tanggapin sa loob niya na muli siyang titira sa iisang bahay kasama ang lalaki na minsan ay pinabayaan siya kung kailan kailangan na kailangan niya noon ng masasandalan. Na muli ay gagastos na naman ito para sa kanya.

But she's not letting him pay anything for her. She'll buy her own food and pay him her monthly rent like how much it will cost her if she is to live in an apartment in the Crown's main.

Never again will he let him spend a penny for her. It's not only about pride but also not wanting to be dependent again on anyone and get comfortable, then later or sooner, she'll be shunned again and end up struggling to stay on her feet because she yet again became too dependent on him.

"Dad, Mymy! Come!" Sigaw ni Vegas na nasa harapan na ng malaking saradong pintuan.

"We're coming!" Sagot ni Pyr bago bumuntong hininga at binalingan siya.

Akala ni Dessert may sasabihin ito pero basta na lang nito inagaw ang hawak niya travelling bag.

She couldn't even shout at him as he take a long stride towards the door for she doesn't want Vegas to see that there is a sour relationship between her and Pyr.

Nagawa niya lang ay ang samaan ng tingin ang likod nito.

Ang tigas pa rin talaga ng ulo ng isang 'to. Hindi marunong umintindi ng hindi at kaya ko na.

"You ready, son?" he asked, smiling.

"Yup! I've been looking forward to this day that I'll finally see your house," anang anak niya.

Hinawakan ni Vegas ang kamay niya ng tumabi siya sa gilid nito. "How about you, My?" tanong nito.

Kung hindi lang anak niya ang nagtatanong ay sasabihin niya sanang; Hindi at wala akong interes kung pwede lang ni pag-apak sa bakuran ng bahay ng ama mo ay ayaw ko.

But of course, that could only remain in her thoughts.

"Okay lang, V," pilit na ngiti na sa tugon niya.

"Well then, welcome to our house," ani Pyr saka inilapat sa isang itim na screen na nasa pinto ang kamay nito.

Lihim siyang umirap.

Bahay mo, gago! Pagyumaman ako magpapagawa ako ng sarili ko.

"WELCOME HOME, VEGAS!!!"

Napaatras si Dessert dahil sa malakas na sorpresang pagbati ng mga ilang kaibigan at kapatid ni Pyrmont na nasa loob pagkabukas nito ng pinto.

"Wow! Thanks, uncles!" Vegas beamed and let go of her hand to hug the men.

Pyrmont CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon