Chapter 35

23K 837 339
                                    

HUMINGA SIYA ng malalim ng marinig ang boses ng batang babae na medyo hirap pang magsalita. Tahimik na umusal ng panalangin na sana andito sa bahay na ito ang anak nila ni Dessert. Na sana ang batang babae ay ang batang step-sister ni Rouen.

"Who's theye?" Once again the child asked.

"Uhm... I sell toys for kids." Damn it! "I would want to sell it to your Mom for you."

"What toys? Dolls? Oy you have cays?"

Nagsalubong ang kilay ni Pyrmont dahil hindi niya ito maintindihan. Cays? Nalilito niyang tanong sa isipan.

Oh... Cars!

"What do you prefer?" he asked after knowing what the child mean.

"Cays for my brother because he is..."

Kumabog ang dibdib ni Pyrmont.

"He is what?" he pressed getting more eager.

"Tammy! Get back here!" Shouted a wom but her voice has a little slur and it was angry.

"Kid open the gate." Utos niya sa bata.

"Can't... Help us..." Mahina nitong sagot na kababakasan ng takot ang boses bago niya narinig ang papalayong yabag nito.

Damn!

Then an angry scolding.

"What were you doing there?! Sinabi ko sayo bawal kang lumapit sa gate! Pasok! Ang tigas ng ulo mo!"

Wala siyang narinig na sagot mula sa batang babae.

Nanatili naman siyang nakatayo doon habang pinapakinggan ang yabag na papalapit.

"Sino ka?"

Nagtagis ang bagang ni Pyrmont ng mapagtanto na mukhang lasing ang babae. It's early in the morning to get drunk and this woman is already wasted.

"I sell toy— jewelry."

Sarkastikong tumawa ang babae. "Saang lupalop ka galing mister? I don't believe you."

Then there was a pause and he hears drinking.

"Walang magbebenta ng alahas sa ganitong oras at sa bahay ko pa." Tumawa itong muli.

"I'm desperate—"

"Patingin ng alahas," putol nito.

"How?" Pyrmont looks around the gate but there is no way to give her anything aside from tossing it above the gate or slipping it under the gate.

"Sa ilalim ng gate, patingin."

Pyrmont sighed and take off his Patek Philippe Gondolo watch that cost almost six million pesos.

He crouched and slip the watch under the gate but holding it tightly.

"This is Patek Philippe Gondolo white gold watch worth over a hundred thousand dollars but I'm willing to sell it half the price," he offered.

Hindi ito sumagot at bigla siyang napatayo nang marinig ang senyales na bubuksan nito ang gate.

Then he saw the woman he has been looking for three days now. Looking absolutely wasted.

Maliit lang ang siwang na ginawa nito at merong dalawang kadena na siyang pipigil na bumukas ang gate pagtinulak niya iyon para makapasok.

Pyrmont smiled, a charming one. "And?"

Kumurap-kurap ito saka napalunok bago tumikhim at may tinapon bago nito inayos ang magulo nitong buhok.

"Magkano ulit?" she asked gently, trying not to sound drunk.

Pyrmont CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon