Chapter 6

23.2K 926 213
                                    

MARIING SINIPAT ni Dessert ang anak niyang malawak ang ngiti habang papalapit sa kanya.

"Saan ka galing, V?" she asked calmly even if she wanted to raise her voice from worries.

Kahit kailan ata hindi na mawawala sa kanya ang laging mag-alala kay Vegas.

"Maze, My. This manor has one, it's situated in the back garden," sagot nito.

Tumango siya saka mula sa laging dalang bag ay kinuha niya ang bimpo saka pinunasan ang mukha nito.

"Huwag ka ngang basta-basta magsususuot kung saan-saan baka mawala ka. Ang init pa naman at naka suit ka pa. Maayos ba ang pakiramdam mo?" tanong niya sa anak.

"I'm fine, My. I didn't wander around I was just in the maze."

Tumango siya saka ibinalik ang bimpo sa bag saka inakay ang anak niya papasok sa loob ng manor na ni sa hinagap niya ay hindi niya inakalang mapapasok niya.

This manor was featured in many magazines and entertainment news. Her mother very much dreams to have this kind of house that is; huge, expensive, grand, extravagant, and every corner is just so beautiful. The inside and the outside of the house are highly decorated. If she good remember from one of the magazines, the architectural style of the house is baroque. An architecture that is most popular in Europe.

Minsan niya nang tinignan ang mga litrato ng manor sa magazine na binili ng ina niya, and it did not serve the true beauty of the house. It's very much different when you see it personally.

Kahit siguro ilang beses siyang makatungtong sa bahay na ito ay hindi siya magsasawa sa ganda niyon.

"My, this house is really huge and beautiful," ani Vegas nang makapasok sila ng bulwagan kung saan ang malaking engrandeng hagdanan.

Hindi siya sumagot at hinawakan lang ang kamay nito para hilahin papunta sa kung nasaan si Auri kasama ang ilang babae na nakilala niya kanina.

Nakatayo ang mga ito malapit sa kanang hagdanan na may limang magkakahiwalay na maliit at mataas na mesa kung saan may nakalagay na kulay bughaw na inumin.

"Glad you found him," Auri chuckled. "He could have been lost in the maze that even I can't master the detours despite having been there for the hundredth time."

"Tita Auri, I also got lost but someone showed me the way back," imporma ng anak niya.

"Oh love, you're lucky then. Your Mymy will be worried sick if you didn't show up before the proposal," ani Auri at umuklo para halikan sa pisngi si Vegas.

"Nagpasalamat ka ba doon sa nagturo sayo ng daan, V?" Dessert asked but she doubt her son did.

Hindi kasi nito ugali magpasalamat kahit anong paalala niya ay hindi nito matandaan. Kailangan ata pasakan ng memory card ang anak niya.

"Of course, My. Nagpasalamat ako," he proudly informed.

Napataas ng kilay niya si Dessert.

That's something new.

"Glad you did, V. Hindi mo na siya kailangan hanapin pa para magpasalamat," saad niya imbes na sabihin pa ang pagtataka niya.

Nagpaalam siya sandali kay Auri at sa ibang kasama nila para ilagay ang bag niya sa upuan kung saan sila ni Vegas uupo mamaya.

Pagkabalik niya sa tabi ng anak at kaibigan ay siya namang pagsulpot ng mga naggagwapuhang mga lalaki na ikinakunot ng noo ni Dessert.

Ano 'to? Proposal ba ito o pagtitipon ng mga pinagpala ang mukha at katawan? Hindi niya mapigilan itanong sa isipan.

Pyrmont CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon