Chapter 28

23.2K 759 211
                                    

NAKAGAT NI Dessert ang pang-ibabang labi nang pagkapasok niya ng silid ay naabutan niya si Pyr na nakatanaw sa malayo habang nasa balkonahe ng silid nila.

Ilang araw na itong tahimik. Mula ng gabing sinabi niya ang kalagayan ni Vegas ay parang gumuho ang mundo nito.

It was like she's looking at herself when the doctor told her that Vegas has a heart disease and needed immediate surgery.

Nilapag niya ang hawak na bulaklak na regalo nito sa kanya ngayong araw saka tahimik na lumapit dito at niyakap ito mula sa likuran.

"Pyr, huwag ka na malungkot. Maayos na si Vegas. Your friends assured you that."

Nang malaman nito ang kalagayan ni Vegas ay kinabukasan agad ay tinawagan nito ang dalawang kaibigan nitong doktor at pinatingnan si Vegas.

"How long, hon?" Lumapat ang kamay nito sa braso niya. "My friends also told me that the valve doesn't last long— ten years to twenty years — Vegas will need surgery again to replace it... what if..." Nagmura ito at hindi masabi ang isa sa kinatatakutan niya.

"He'll be fine..." Dessert whispered. "Pray that Vegas will be fine. Pray Pyr... that's what I've been doing."

Lumuwag ang yakap niya kay Pyr ng gumalaw ito para humarap sa kanya. Isinandal niya sa dibdib nito ang pisngi niya ng niyakap siya nito at pinakinggan ang tibok ng puso nito.

"You are such a strong person to go through that problem alone and for staying positive all the time." Mariin nitong inilapat sa ulo niya ang labi nito.  "I will never get tired of telling you how sorry I am for not being there for you. And thank you for everything, hon. Ang swerte ko at minahal mo ako sa kabila ng malaking pagkukulang ko sayo."

"Hindi naman ako nag-isa. May mga taong tumulong sa akin. Isa na doon si Samae. Tapos nang umuwi ako sa totoong ama ko ay tinanggap niya kami ni Vegas nang walang pag-aalinlangan. Without them, I wouldn't pull it through. But yes, it was tough. Sometimes I would pray that everything will just stop."

Ngumiti siya at nag-angat ng tingin. "Oftentimes I would cry while calling you names and cuss you with every swearword I know."

"I deserved it..." Bumaba ang mukha nito at ipinatong ang noo sa kanya. "I hope you don't get tired of loving me, hon." Nakapikit na usal nito.

Itinaas ni Dessert ang isang kamay at hinaplos ang mukha nito. "Don't be an arse and I will not."

Naglapat ang labi nila at idiniin siya ni Pyr sa katawan nito pero agad din naputol ang halik nang marinig nila ang pagbukas ng pintuan ng silid at sigaw ni Vegas.

"Mymy!"

"Son, we're here at the balcony!" sigaw dito ni Pyr.

Pumihit siya paharap at sumandal sa katawan ni Pyr habang nakangiting pinapanood ang paglapit sa kanila ng nakasimangot nilang anak. Hawak nito sa isang kamay ang teddy bear na regalo ni Samae na mula ng ibinigay iyon ng kaibigan ay lagi ng katabi ni Vegas sa pagtulog.

"Why are you two hiding here without me?" akusa nito.

"We are not hiding, son," Pyr refuted.

"But uncle Hiru told me that you two are."

"Your uncle Hiru is a lying buffon, don't listen to him."

Pinalo niya ang binti ni Pyr para sawayin ito sa hindi magandang pagtawag nito kay Hiru.

Ngumuso naman si Vegas bago yumakap sa kanya.

Napangiti si Dessert. Ang sarap sa pakiramdam na yakap siya ng anak niya at ni Pyr pero hindi niya makuhang maging masaya dahil sa tatlo lang sila.

Pyrmont CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon