Chapter 1

137K 3.9K 4.3K
                                    

"No way."

"Sa sobrang galing mo gumawa ng istorya, gusto ko na paniwalaan. Kaka-coccaine mo 'yan, Samm." Nagsalita si Gen pagkatapos ni Winowa.

Nagsalisihan sila sa pagtutol sa sinabi ko. Ayaw nilang maniwala na ex ko si Noah. Gaano ba kaimposibleng magkagusto sa 'kin 'yon?

"Wala kayong kuwenta. Bakit ba ayaw niyo 'kong paniwalaan? Porket ba mahirap hindi na pwedeng makapagjowa ng rich kid, gano'n? Haler! Wala akong pera, pero may mukha ako."

"At mas may mukha siya, sis! Mukhang hindi papatol sa maralitang tulad natin," sabi pa ni Genevieve. Sana nagsayaw na lang siya kasama 'yung onse niyang kapatid.

"Ex ko nga siya! Hindi ako aalis kanina sa canteen kung hindi ko siya nakita ro'n. Nakita mo ba kung pano niya 'ko tignan? Hinuhusgahan niya 'ko. Hinayupak na 'yon."

Umiling si Winowa. Dumuro siya ng kalulutong fishball at inabot sa akin ang isang cup na punong-puno. "Kapag kulang pa 'yan, kumuha ka na lang. Gutom lang 'yan," aniya kaya tumawa si Gen.

Nanggigil ang ipin ko sa dalawa. Nakakairita na ayaw nilang maniwala sa 'kin. Hindi naman sa proud ako, pero alam mo 'yon, parang sinasabi nilang ang low ko for Noah.

Honestly, ako rin pala curious. Pa'no ko ba 'yon nabingwit noong JHS? Alam ko lang maganda ako.

"Ano kayang dahilan no'n at lumipat dito? Sa kabilang Academy siya last year. Hamak ganda naman do'n kumpara rito." Hindi ako paawat sa pagtatanong. Curious ako.

"Para raw sa 'yo." Si Gen.

"Tingin mo rin?" Pinatulan ko si Gen, kahit halatang nang-aasar lang ang babaita. Pinalipad ko ang buhok at kumain. Lagi na lang akong ini-stress ng ex! Sa Math, sa buhay!

"Manahimik ka na tungkol sa ex kuno mo. Jowa mo paparating," warning ni Winowa sa akin.

Natanaw ko si Lucas kasama ang tropa niya sa tapat ng gate. Ngumiti siya nang makita ako at nagpaalam sa mga kaibigan. Tinaasan pa 'ko ng kilay ni Ty (tai) bago naglakad palayo.

Lumayo 'yung dalawa sa 'kin nang lumapit si Lucas.

"Babe," tawag niya. Humalik siya sa pisngi ko. "Pauwi ka na?"

"Oo. May dadaanan lang ako saglit bago dumiretso sa bahay. Ang layo na ni Ty, sino ang kasabay mo?" tanong ko.

"Naisip kong ihatid ka ngayon."

Ayy wow, buti naisip mo?

"Magsasayang ka lang ng pamasahe, Luke. Ang tanda-tanda ko na, ihahatid mo pa 'ko? Ipagdasal mo na lang akong makapasa ngayong taon, mas helpful."

"Okay then, next time na lang kita ihahatid. Nag-aaya rin maglaro sila Tyrone. Magaling ka sa essay, 'di ba?" Balak ko na sanang sumagot ng hindi nang ilabas niya 'yung notebook niya.

"May assignment kami na essay. Alam mo namang hindi ako magaling sa mga ganiyan. Pagawa kahit maikli lang." Biglang lumambing ang boses niya. Nakaliti ako nang hawakan niya ako sa baywang.

Naabot ng pandinig ko ang pekeng ubo ni Genevieve at ang pagkasamid ni Winowa mula sa likuran ko. Putsa kasi, tinatamad ako. Bakit unang araw ng pasok may assignment sila?

"Babe?"

"Sige na, sige na. Kapag naka-zero ka, hindi ko kasalanan, ha. Walang sisihan," sabi ko.

Ngumiti si Luke kaya lumitaw ang dimples niya sa pisngi. Sino ba 'ko para tanggihan ang maamong mukha na 'yan? Sarap i-display sa museum.

"Thank you, babe. Your hair," turo niya sa buhok ko. "Huwag mong itali nang ganiyan." Inalis niya ang pagkakatali ng buhok ko. Ang init kaya. "Baka maraming mahulog sa 'yo, agawin ka lang sa 'kin." Hanep na banat 'yan.

After an End | Academy Series #3Where stories live. Discover now