Chapter 10

79.9K 2.4K 2.3K
                                    

TW: Sexual Harassment

"Malayo na naman ang tanaw mo," bati sa akin ni Aling Lena. "Ke' gandang bata, nakasimangot."

"May iniisip lang po."

"Naku! Huwag mo na isipin, tawanan mo na lang ang problema. Tignan mo 'ko. Mukha bang problemado ako sa anak ko?" Nakangiti siya nang magtanong.

Umiling ako. "Mas fresh pa kayo sa tilapia natin," ani ko.

"Nakakatanda ang madalas magsimangot. Iwasan mo 'yon."

Mukhang tatanda nga ako kakaisip kung pupunta ba 'ko mamaya sa graduation party ni Ate Nics. Hindi kami okay ni Noah, pero nangako ako sa kapatid niyang pupunta ako.

Pagkatapos ng naging pagtatalo namin ni Noah two weeks ago, wala na 'kong narinig sa kaniya. Ni ayaw ko siyang makita sa school. Nakakasama lang ng loob kapag naaalala ko 'yung pagkampi niya kay Kaye.

Ayokong pumunta lalo pa at posibleng nandoon ang babae. Sinasabi ko, makakatikim siya ulit sa 'kin. Mahusay siyang magpatay-malisya, may lugar siya sa industriya ng pag-a-artista.

Winowa: Pupunta ka pa rin?

Me: Baka.

Me: Wala akong choice.

Gen: Tungeks ka, anong pupunta? Magpasuyo ka muna!

Winowa: Bait mo naman po, Sta. Meriah.

Gen: Anong mabait do'n?! Hindi ka pupunta, Samm.

Gen: Ang kapal ng apog niyang sabihan kang sinungaling!

Me: Wala naman siyang sinabi. Ayaw niya lang maniwala sa 'kin.

Gen: What's the difference?

Gen: Pahirapan mo muna siya bago ka pumunta. Hingi ka limang milyon.

Me: Baka nga bigyan ako. Lol.

Winowa: Bigay mo kay Gen yung 1M para makita niya ang imaginary boyfriends niya.

Gen: May sumasapaw.

Winowa: May umiiyak na.

Naligo ako pagkatapos magluto ng hapunan. I will attend the celebration. Ang galit ko kay Noah, dapat kay Noah lang. Hindi kasama ang pamilya niya.

Nagsuot na lang ako ng red overall at mababang heels. Casual lang naman, para lang hindi ako magmukhang katulong mamaya. Nagdyip pa rin ako at the end. Kahit anong ginanda ng suot ko, mahal ang taxi. 'Di ako rich kid.

Nasa daan pa lang, pinagdarasal ko nang sana wala doon ang babae, kung hindi sa kulungan ako pupulutin. Heaven must've heard my prayers. Wala ang babae.

Dumating akong marami ng mga tao sa bahay nila Noah. Karamihan ay kaklase ni Ate Nics.

"Akala ko hindi mo na 'ko sisiputin."

"Breaking promises isn't on my vocabulary," pilya kong saad. "Congratulations, my dear."

"Thank you, Samm. Kayo na ni Noah ang susunod," aniya.

"Sana na nga, ginagapang ko na 'tong school year. Kapag 'di ako naka-graduate, magdadabog ako."

Ate Nics laughed. "Baliw ka."

"Samm, you came!" Si Ate Jaz. "Come inside. Nasa dining room si Mommy," aniya. "Kanina ka pa hinihintay."

Pumasok kami sa loob. Nasa labas lahat ng bisita. Si Tita lang ang nandoon, kahit si Noah, wala.

"Good evening, Tita." Bumeso ako kay Tita Kate. "Happy birthday."

"Ano?" Tumawa siya.

"Ayy hindi mo ba birthday?"

After an End | Academy Series #3Where stories live. Discover now