Chapter 23

90.1K 2.9K 1.7K
                                    

"He's in his office Ma'am," sagot sa akin ng assistant ni Kael.

Nginitian ko ang babae at iniabot sa kaniya ang isang tupperware ng pagkain. "Para sa inyo."

"Nag-abala pa kayo, Ma'am. Salamat po."

Marami akong time kagabi kaya nakagawa ako ng baked sushi. Elle is into it lately. Pihikan siya kaya nakakatuwa kapag may nagugustuhang putahe. Inaral ko kung paano gawin. Madali lang and she already like my recipe.

Pumunta ako sa office ni Kael. Siya ang talagang nilakad ko ngayong araw dahil isang linggo akong hindi nakadaan dito. We've been both busy last week. Siya sa new product line, ako sa new project with Nadia.

Binuksan ko ang pintuan sa paraang hindi iyon gagawa ng tunog. Nakaupo sa swivel chair ang lalaki, abala sa pagi-sketch sa papel niya. Nakatalikod siya sa pintuan at hindi napansin ang pagpasok ko.

Binuhat ko ang mga paa. Nang makalapit ako sa likuran niya ay dinungaw ko ang dino-drawing ng lalaki. Clothes, as usual.

"Seriously." He chuckled. "My soul almost left my body." Muntik pa siyang mapatayo sa gulat.

"My soul already left mine," ani ko. Ibinaba ko ang dalang pagkain sa harapan niya. Kinuha ko ang sketch pad para tignan ang mga latest designs niyang nagawa.

"You made this?" Binuksan na niya ang tupperware para tumikim. Pinanood ko ang pagbabago ng mukha niya. I knew he liked it when he took another bite. Ngumisi ako at ibinalik ang tingin sa sketch pad.

"Akala ko, you're going for maxi dresses? Bakit mini dress ata lahat ng nakikita ko rito? Ipapasuot mo sa 'kin 'to? Kay Elle lang 'to kakasya," sabi ko.

Natawa ang lalaki. "Exactly," he replied. Nginuya niyang mabuti ang pagkaing nasa bibig. He put down the food on his desk and clasped his hands while looking at me. Ako naman ang kumain ng dala ko.

"Exactly?" inulit ko ang sinabi niya.

"I'm launching a new product line for kids. I noticed Elle like unicorns and everything related to rainbows, she just gave me an idea of what to do next. I mean, I named the brand Mirasol after her. What's the point if we're not making products inspired by her?" He explained.

"Seryoso ka ba?" I'm too overwhelmed to react. Ibinibaba ko ang kinakain at tinignan ulit ang mga designs niya. Binuklat ko ang pad at nakitang marami na ring sketches sa susunod na page.

Pinakagusto ko iyong mini dress na may pattern ng sunflower, because that what Elle's name means. Everything looks good. Ngayon pa lang, masasabi kong papatok 'to.

"What do you think?" tanong ng lalaki nang ibaba ko sa lamesa ang sketch pad niya.

Umupo ako sa desk niya. "Elle would love this. Lalo na kapag sinabi mong ginawa mo para sa kaniya. Ipagmamayabang niya sa 'kin," sabi ko.

"She deserves it."

Ngumiti ako kay Kael. Kinuha ko ang pagkain at ibinigay sa kaniya. "Kainin mo muna, baka maubos ko pa." Masarap pala talaga, ngayon ko lang napagtantong magaling ako magluto.

Ibinalik ni Kael ang baunan sa desk niya sa gilid ng hita ko. "I can't finish this, let's share."

"Hindi ka ata nasasarapan, eh!"

"No," tutol niya agad. "It's good. I had coffee earlier so I'm still full."

Binigyan ko siya nang nanghuhusgang tingin at nagpasubo sa kaniya ng isa. He will eat one and spoon feed me one. Hindi pa ako nag-breakfast sa bahay dahil akala ko ay kaya kong mag-fasting, hindi pala. Nilalandi ako ng pagkain kahit saan ako magpunta.

After an End | Academy Series #3Where stories live. Discover now