Chapter 13

78.3K 2.8K 2.4K
                                    

Liwanag ang bumungad sa akin nang magdilat ako ng mata. Nagising akong nasa hospital na. Ang alam ko ay dinala ako ni Noah sa clinic. After no'n, nawalan na ako ng malay.

Nanghihina ang pakiramdam ko. Tuyo ang labi at nauuhaw. Pinilig ko ang ulo sa gilid at nakitang nakaupo si Noah sa tabi ng kama ko. Magkakrus ang mga braso niya sa dibdib, nakayuko ang ulo at natutulog.

Ginalaw ko ang braso para abutin siya, na agad ko ring binawi dahil mukhang pagod at ayokong maistorbo ang lalaki. I refrained from waking him up. Hihintayin ko na lang siyang magising.

Umupo ako sa kama at sinuri ang sarili. Inisip ko ang nangyari kanina. I was embarrased to face the people. Ikinahihiya ko ang sarili ko. Dahil kung merong dapat sisihin, kasama ako ro'n.

Ginawa ko 'yon at desisyon kong ipagkatiwala ang sarili sa lalaking katawan at atensiyon lang ang habol sa akin.

Kung ano ang sumunod na nangyari pagkatapos kong mahimatay, hindi ko na alam.

Marami na akong issue na kinaharap noon pa lang. Nabalita akong nakikipagrelasyon sa isang teacher, I was reported.

Sa dami, wala pang umabot sa ganito kalala. Kaya ko iyong tawanan dahil alam kong hindi totoo. Overtime naman, lumalabas na kasinungalingan lahat.

Iba ang gulong pinasok ko ngayon. Paano ko iaahon ang sarili sa balon na ako mismo ang naghukay at naghulog sa sarili ko? Wala pang isang buwan ang break-up namin ni Luke. Tinutulak ko pa rin ang sarili kong kalimutan lahat at magpatuloy.

I'm still struggling at home. Hindi pa 'ko tapos sa mga nauna kong laban, binigyan na naman ako ng bago.

I did what Luke wanted to save our relationship. Ang gusto ko lang naman ay maisalba ang relasyon na hindi ko na halos maramdaman. I'm looking for validation, tama nga sila. Takot akong maiwan at mawalan kaya kahit ang toxic na, ipinipilit ko pa rin.

Katulad ng marami, I'm also protecting my pride. Dinidepende ko ang halaga ko sa affection na natatanggap. Sa mga taong nagmamahal sa akin. I want praises and admirations that I'm too scared to lose someone who I believed was into me.

Ganoon ako kababa, ganoon ako katanga. At hindi ko masikmura na kailangan ko munang maranasan 'to bago ko mapagtanto kung ano ang dapat sa hindi.

Love shouldn't put you in the situation where you have to doubt yourself. It should give you peace and assurance. Malayo sa kung anong naramdaman ko sa relasyon namin ni Luke.

This is the taste of my own medicine. Kasalanan ko rin.

Bumukas ang pintuan ng kuwarto. Doktor ang inaasahan kong darating pero si Gen ang una kong nakita. Nagliwanag ang mukha niya nang makita akong gising.

"Samm!" Hindi niya napigilang sumigaw. Huli na ang pagsenyas kong huwag maingay dahil nagising na si Noah. "Sorry." Nag-peace sign siya kay Noah. Ako ang unang tinignan ng lalaki at nauna pa siyang lumapit sa akin kaysa kay Gen.

"You're awake."

"Kagigising ko lang," segunda ko. Pumunta sa kabilang gilid ko si Gen. Maya-maya pa ay sumunod na si Winowa kasama ang ilan naming kaklase kaya umingay sa loob ng kuwarto.

"I'll call a doctor, look after her for a minute," bilin ni Noah sa mga kaklase ko.

Tumango silang parang aso sa amo. Nakangiti sila nang ihatid ng tingin si Noah makalabas ng room.

"Anong oras na, Gen?" tanong ko para pukawin ang atenisyon nila. Ako ba ang pinunta nila o si Noah? Sabay-sabay silang naglingunan sa akin. Kasama ng dalawa si Charity at Trisha.

"Hapon na, alas-tres. Katatalos lang ng klase kaya ngayon lang kami nakapunta. Kamusta ang pakiramdam mo?"

Humingi ako ng yakap kay Gen pero lahat sila lumapit para tugunan ako. Humiwalay ako at ngumiti. Nag-init ang mata ko bigla. Maiiyak na naman ata ako.

After an End | Academy Series #3Where stories live. Discover now