Chapter 12

83.4K 3.1K 2.7K
                                    

Naglakad na lang ako pabalik sa dog compound na pinag-iwanan ko kay Aries. I was walking for almost an hour yet I can't feel my feet hurting because I'm hurting somewhere else.

Pinagsisihan ko lahat. All the things I did just to make him feel how much I love him. Lahat ng linyang nilagpasan ko para maibigay ko ang gusto niya. Mga paratang na pinili kong hindi paniwalaan dahil may tiwala ako sa kaniya.

Ewan ko ba. Ilang relasyon na ba ang pinasukan ko pero hanggang ngayon, ang tanga ko pa rin. Maybe, it's on me. Ako 'yung problema. Anong mali at kulang sa 'kin para maranasan ko ang iba't-ibang sakit mula sa magkakaibang tao?

Growing up, ang hopeful ko about getting into a relationship. Siguro kasi maayos ang relasyon nila Mama at Papa. The thought of having someone beside you through every phase of the moon is everything.

Having someone when things feels wrong, sharing love with each other, supporting, and growing old. Parang ang saya lang isipin na out of all people, may isang taong para sa 'yo na sasamahan ka sa lahat. Akala ko si Luke na 'yon. The idea of falling in love drives my heart this way.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako natututo. Up to this day, nangangapa pa rin ako sa taong magmamahal sa akin ng totoo.

Nakakatawa lang. Na nag-invest ka sa isang tao for a long time. Oras mo, effort mo, sarili mo, pero sa huli kulang pa rin.

Tinalon ako ni Aries nang makalabas siya ng kulungan. Umiiyak niya akong diniliaan sa mukha nang umupo ako para pantayan siya.

"Akala mo iniwan na kita? Hindi ko gagawin 'yon," ani ko sa aso. "Mahal na mahal kita."

"Mabait po ang aso, Ma'am. Hindi man lang tumahol, nakaupo lang siya," sabi ng lalaking nagbabantay.

"Tahimik nga po 'to kapag alam niyang nasa mabuting kamay siya," sabi ko. "Thank you po ulit, aalis na kami."

"Eh, ayos ba naman kayo, Ma'am? Mukhang hindi po kayo okay."

Ngumiti ako sa lalaki. "Lahat naman tayo hindi okay, Kuya. Magaling lang magtago 'yung iba. Salamat po sa concern."

"Kaya niyo 'yan, Ma'am. Laban lang."

"Salamat po. Mauna na kami."

Nakipagtanguan sa akin ang lalaki. Maraming aso sa compound. Lahat sila, naghihintay ng taong may pusong kumupkop at magbigay ng tahanang tatanggap at magmamahal. Mabigat sa puso akong umalis, malayo na ako pero naririnig ko pa rin ang mga iyak nila.

Aries was just one of them before. Kung mayaman lang ako, kinuha ko na silang lahat. Kaso ni sarili ko nga, hindi ko mabuhay, sila pa kaya.

Sinabi ko kay Winowa na may tutuluyan ako kahit ang totoo ay wala akong ibang puwedeng puntahan bukod sa kanila. Naubos na ang kakarampot na perang tinatabi-tabi ko. Walang-wala ako ngayon.

Naglakad ako nang naglakad. Hindi ko pinansin ang mga taong nagtitinginan dahil umiiyak ako. Parang ngayon lang sila nakakita ng taong umiiyak. O baka naaawa lang sila sa akin, dahil ako? Awang-awa na sa sarili ko.

Dinala ako ng mga paa ko sa lugar na inakala kong hindi ko na babalikan. Just by staring at it gives me a nightmare. I have nowhere else to go, anong magagawa ko?

Umupo si Aries sa gilid samantalang ako ay nakatayo sa harapan ng gate namin. Naririnig ko si Tita na nagsasalita sa loob.

Kinatok ko nang malakas ang yerong gate. Gumawa iyon ng ingay. Ilang ulit ko iyong inulit bago lumabas si Tita.

"Sandali," malakas niyang sabi.

Binuksan niya ang nakakandadong gate. Sa gulat niyang makita ako, sinubukan niyang isara agad iyon. Pinigilan ko siya.

After an End | Academy Series #3Where stories live. Discover now