Chapter 28

85.5K 3K 2.3K
                                    

"The smoke irritated her nose and throat, causing her to vomit. She inhaled too much smoke that's why it's hard for her to breathe."

Nakatingin ako kay Elle habang nagsasalita ang doktor. Hawak ko siya at pinipisil ang kamay.

"Fortunately, she only got minor wounds. It will heal and dry in a short period."

Mahimbing na natutulog ang anak ko kahit may suwerong nakakabit sa kaniya at ventilator para tulungan siyang huminga.

"Hanggang kailan ang ventilator sa anak ko, Doc?"

"Short exposure to fire smoke can cause short acute effects. She is breathing really well now than earlier. We can remove the ventilator if you prefer it, but I suggest huwag muna para hindi mahirapan ang bata. We'll have to confine her for a few days to make sure she's fine before you leave," mahabang sabi ng doktor.

Tumango ako. "Thank you, Doc."

Ngumiti ang doktor sa akin bago lumabas ng kuwarto. Hinawakan ko ang kamay ni Elle at hinalikan.

Nagamot na lahat ng sugat niya at sabi ng doktor ay ayos na siya, pero ang kaba ko ay hindi pa rin humuhupa.

Sobrang takot ko kanina. Akala ko mawawala na siya sa akin. Naisip ko na lahat ng masamang posibilidad nang mabigo akong hanapin siya sa loob. I couldn't even care if people saw me or realized it was me. Kaya kong bitawan lahat, huwag lang mawala sa akin ang anak ko.

Kinulong ng dalawang kamay ko ang maliit niyang kamay. Dahil sa nangyari, napaisip ako kung nagagampanan ko pa ba ang pagiging ina ko kay Elle o masiyado na akong tutok sa trabaho ko kaya nangyari 'to. It was an accident, but I can't help but think na kung ako ba ang kasama niya kanina, hindi siya malalagay sa kapahamakan.

"Mama is sorry, anak." Hinaplos ko ang noo niya.

Unang pagsabak ko pa lang sa karera ng pagiging model, pinangako ko nang hindi ko pababayaan si Elle. I promised that she will be my first priority. Before me or anyone else, before work. Pakiramdam ko ngayon, nabigo akong punan ang pangako ko.

I am doing this for her. Kung mawawala siya sa akin, walang saysay lahat.

Napalingon ako nang bumukas ang pintuan. Noah entered the room after I spoke. Hindi ko inaasahang siya 'yon, pero hindi na ako nagulat. Nakita niya kung paano kong kuhanin ang anak kanina.

Elle was found in the fourth floor. Doon siya nakuha ni Noah. Lahat ng tao naniwalang wala ng tao na natitira sa loob. I know that if it's not because of him, baka kung ano na ang nangyari.

Sumulyap lang ako sa kaniya at bumalik na ang tingin ko kay Elle. His face is wounded. Nakauniporme pa rin siya.

"How is she?" tanong niya.

Humigpit ang hawak ko kay Elle. Naging pautal-utal ako sa pagsagot sa takot na baka magkaroon siya ng ideya.

"S-Sabi ng doktor, maayos na ang p-paghinga niya. Maliliit lang din ang mga sugat niya kaya walang dapat ipag-alala. Kailangan siyang i-confine ng ilang araw dito para maobserbahan pa," sagot ko nang hindi siya tinitignan.

My heart is too greatful to push him away. Ang laki ng pasasalamat ko kay Noah.

"I'm sorry I found her late. She was barely breathing when I took her," malamlam ang boses niyang sabi.

"You still found her." May bumara sa lalamunan ko. May pumipigil sa akin sabihin ang dapat kong sabihin sa kaniya.

"Can you come outside? We have to talk," mahinahon niyang sabi.

Tumingin ako sa kaniya. Sinumpong na ng kaba ang dibdib ko. "Hindi ko puwedeng iwanan si Elle, walang magbabantay sa kaniya."

"It won't take long." Bigla ay naging seryoso ang mukha ni Noah.

After an End | Academy Series #3Where stories live. Discover now