Chapter 17

86.5K 2.7K 1.3K
                                    

R-18

Umuwi si Noah matapos marinig ang balita mula kay Ate Nics. Hindi ko alam kung paano siyang nabigyan ng emergency leave para makauwi, pero galit na galit siya nang dumating sa bahay.

"Why are you here? Aren't you on your training?" tanong ni Tito.

"What happened that night?"

"Umuwi ka para lang tanungin ako kung anong nangyari, hindi ba't naipaliwanag na sa 'yo ng kapatid mo? You should've just called me. You're on your second year and you go home anytime you want? Where are your manners, Noah?"

Kumuyom ang kamao ni Noah. Kinagat niya ang labi at nanahimik muna para pakalmahin ang sitwasyon.

"How could I train well if your lives are in danger? Sige nga, Dad. How can you expect me to focus kung may nangyayari na rito sa bahay?"

"I said I'll fix it. I will fix this trouble myself," mariin na sabi ng lalaki sa anak. "It was just a misunderstanding between me and my business partners."

Noah snarled. Hindi niya matanggap ang dahilan ni Tito.

"Misunderstanding? Dad, gunshots for a misunderstanding? That's ridiculous! If they threaten you because of a misunderstanding as you were saying, then let's go to the police."

Mariing napapapikit si Tito, nagtitimpi siya kay Noah kanina pa. "It will only make things worst. Listen to me, I know what I am doing."

"This is not the worst for you, so the worst is yet to come. Is that what you mean, Dad? How does it fucking end up like this—"

"I will not put this family at risk or any danger. If that's what you're disrespecting me for. I'm your father, I'm the father of this family. You should trust me." Hawak ni Tito ang parehong balikat ni Noah habang sinasabi iyon nang halos pasigaw sa anak.

Ang bigat ng tensiyon na namamagitan sa kanilang dalawa ang nagdikta sa aming huwag nang makialam pa.

Tumahimik si Noah, malalim ang paghinga niyang nakatingin sa ama. Para kaming mga kabuting nakatungo sa gilid.

"Noah, I think we should trust your Dad. Dalawang linggo na rin ang nagdaan na walang nangyari. It will be more complicated if we ask help." Nagsalita si Tita.

Kung ako ang tatanungin, mas maganda kung lalapit na kami sa pulis. Threat 'yon sa amin at kahit walang nangyari sa sumunod na dalawang linggo, who knows? Baka bukas makalawa mangyari ulit. It depends on the misunderstanding Tito said. It depends on the situation pa rin, katulad ng sitwasyon ko noon kay Tito. Ayokong manghusga, pero masama ang kutob ko sa nangyari.

"Isa pang beses, Dad. Isa pang beses na may mangyaring hindi maganda dahil sayo. You won't be able to stop me," si Noah.

Natapos sa patalasan ng tingin ang pag-uusap ng mag-ama. Noah walked out. Pumasok siya ng kuwarto at doon nagkulong. Bumalik si Tito sa office niya kaya kami ang naiwan ni Tita sa baba.

Tinapik ko ang likod ni Tita Kate nang matulala siya sa sahig, she's spacing out. "Okay ka lang, Ta?"

She sighed heavily and hugged me. "I'm not used to problems like this, Samm. I don't know how to handle them. Hindi pa nagkaroon ng alitan si Noah at ang Dad niya," aniya.

"Nag-alala lang po siguro si Noah. Lalo na at naospital ka. Hindi po biro 'yung nangyari."

"I understand him. I'm afraid it will affect his training," aniya.

Second year na kami pareho ni Noah. Mas naghigpit ang PMA sa nga kadete nila. Limited ang paggamit ng cellphone at ang paglabas-masok sa campus. Last summer, they spent their summer within the academy grounds. Tanging higher years ang nakauwi sa mga bahay nila.

After an End | Academy Series #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon