Chapter 20

84K 3K 1.4K
                                    

"Iyan na nga ba ang sinasabi ko!"

Umiiyak akong nakatungo ngayon sa harapan ni Papa. Sinalubong ako ni Mama kanina sa terminal nang ihatid ni Winowa at Genevieve. Nanginginig ako sa takot dahil galit na galit si Papa.

"Kaya ayokong paalisin ka! Hindi ka namin natutukan, tignan mo ang nangyari."

Katabi ko si Mama. Pareho silang gulat sa dala kong balita at pag-uwi.

"Ang bata mo pa, Summer. Hindi ka pa nakakatapos ng pag-aaral mo, anong ipapakain mo riyan? Sige nga."

"Arthur, hinay-hinay naman sa pagsasalita," si Mama. "Kauuwi lang ng anak mo."

"Paano akong hihinahon? Buntis ang anak mo. Nasaan ang ama? Wala! Tayo pa nga lang, hirap na hirap na. Paano natin bubuhayin ang bata?"

Napabuntong hininga si Mama. Gustuhin niya man kasing pigilan si Papa, dapat lang akong kagalitan.

"Samm, anak. Hindi ba sinabi na sa 'yo ni Mama. Bago mo gawin ang isang bagay, pag-isipan mo. Anong gagawin natin ngayon, nak?" Mahinahon akong kinausap ni Mama.

Wala akong masabi dahil hindi ko rin alam kung anong dasal ang gagawin ko para makapag-isip nang maayos.

Tumayo si Papa. Padabog niyang inayos ang upuan at akmang lalabas na nang huminto siya.

"Ipalaglag mo 'yan," turo niya sa akin.

Pumitik ang ulo ko patingin sa kaniya. "Pa!" tutol ko. "Ayoko."

"Sammantha, mahirap lang tayo. Tindera lang sa palengke ang Mama mo at ako, pumapasada lang ako, anak. Kulang pa sa pangkain natin araw-araw ang kinikita namin. Ang pag-aaral pa ng kapatid mo?" Huminahon si Papa.

"Magtatrabaho naman ako, Pa. Bubuhayin ko 'yung anak ko," katwiran ko.

"Magtatrabaho ka? Paano ang pag-aaral mo?!"

Umiling ako. "Hihinto na ako para makatulong at makapatrabaho—"

"Wala ka na bang pangarap, Sammantha? Gusto mo na lang maging ina sa anak mo? Higit diyan ang pangarap namin sa 'yo ng Mama mo!"

"Arthur, tama na." Umawat si Mama. Pinakalma niya si Papa at baka tumaas ang dugo niya.

"Hindi ko kaya, Pa." Parang bata akong umiyak.

"Mas gusto mong isilang ang bata at maghirap siya, gano'n ba?"

"Papa . . ."

Bumalik si Papa sa harapan ko para sermunan ako nang masinsinan. Ni hindi ko magawang mangatwiran dahil naiintindihan ko kung bakit siya galit.

"Pinag-aaral ka nang maayos ng Tito at Tita mo ro'n. Sa halip na pagtuunan mo ng pansin ang pag-aaral mo, pagbuo ng bata ang natutunan mo. Ilang taon ka pa lang, Sammantha? Hindi na bale sana kung may trabaho ka, pero wala. Saan ka kukuha ng panggatas niyan? Ng pambili ng pangangailangan?"

I thought of the same thing he's saying to me right now. Naisip ko na rin 'yon, na kung isisilang ko ang bata sa sinapupunan ko, kawawa ang anak ko. She will suffer no matter how hard I work. Kaya naisipan kong magpalaglag. I went to someone for help to abort it, pero umatras ako. Hindi ko tinuloy ang naunang plano dahil hindi ko kaya.

For once, I didn't feel alone and unwanted. I didn't feel worthless as I am growing something inside me. It feels like a companion.

"Ipalaglag mo 'yan, Sammantha!"

"Ayoko, Pa! Kung hindi niyo siya kayang tanggapin gaya ng pagtanggap niyo sa akin, aalis na lang ako."

Hinawakan ni Mama ang braso ko. "Anak, ano bang sinasabi mo? Arthur . . ."

After an End | Academy Series #3Where stories live. Discover now